o.n.e

2 0 0
                                    

"News Flash! Underground rapper turned idol and now leading the acting world, international star, Leon Versoza also known as Le-on got involved in a car accident 5 in the morning today at Galleon's Bridge, Southeast Road while heading back to his home. According to Southeast police, the award winning singer songwriter's car got hit by a private car while they are passing the Galleon's bridge. They found out that the owner of the private car and the driver named Janus Concio is the ex boyfriend of one of the actor's fans. Concio is drunk and mumbled that he is so angry with the actor because her girlfriend broke up with him because of Le-on. Concio is now at the custody of Southeast police and there's no update yet what will be their plan. Meanwhile, Le-on is currently at Southeast Hospital. Still no update regarding Le-on's condition, his agency still doesn't release any statements yet. For more-"

Pinatay ko na ang tv.

"Yan na talaga yung naisip mong news para makapag-bakasyon ako?" Tanong ko kay Jerry, personal assistant ko.

"Wala pa kaming napapag-usapan. Saka, ano ba dapat? E totoo namang nabangga ka dahil sa lalaking yun. Syempre, kapag napilay ka, kailangan mo ma-ospital. At pag naospital ka, kailangan mo magpagaling. Pag nagpagaling ka, kailangan mo mag-bakasyon-"

Natigilan s'ya dahil sumenyas na ako na tumigil na s'ya sa nakakalokong idea nya. Napahawak na lang din ako sa sentido ko.

"Sa tingin mo ba, kung pilay ako papayagan nila ako mag-out of the country? Saka sa dami nang pwedeng paraan, kailangan maaksidente pa ako at may madamay pang iba."

"Hindi ko naman plano na mabangga tayo, yung lalaking yun ang nang-bangga. Saka wala pang plano si Boss Kong." Naluluha na n'yang sagot.

Magsa-salita pa lang ako bumukas na yung pinto nung kwarto.

"Anong pinagu-usapan n'yo? Bakit hindi ka pa mag-pahinga?" Tanong ni Manager Kong sa akin habang may bitbit na basket ng prutas.

"Ito kasi si Leon, iniisip na plano natin yung pagka-bangga namin para makapag-bakasyon s'ya."

"Ha ha ha ha!" Tawang tawang sagot ni Manager Kong, may kasama pang pag-iling iling ng ulo at pag-hawak sa tyan.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko.

Kumuha ng upuan si Manager Kong at hinila sa tabi ng hospital bed. Umupo s'ya at nilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin.

Halos malaglag na ako sa kama ko sa pag-iwas ko sa mukha n'ya.

"Anong tingin mo sa amin? Masamang tao? Sa totoo lang, ayaw ka naming mag-bakasyon dahil hindi kami naniniwala na bakasyon lang ang gagawin mo." Umayos s'ya ng upo at nagpatuloy mag-salita.

"At siguradong, mas maraming trabaho ang iiwan mo sa amin para ayusin ang mga kalat mo."

Umayos din ako ng upo.

"Sige, sabihin na natin na hindi kayo ang may pakana nito. Ano ang napag-usapan n'yo ni Mr. V? Sana naman hindi ito ang gamitin n'yong palusot. Isa pa, napakadrama naman ng balitang yun. Magwo-worry pa yung mga Lioness." Inis kong sagot.

"Exactly! Magwo-worry sila, kaya gagamitin natin 'tong paraan para mapag-bigyan yang break na hinihiling mo. Kahit nagpa-pahinga ka, maingay pa din ang pangalan mo."

"So, talagang gagamitin n'yo itong aksidente na 'to?"

"Masakit mang pakinggan, pero oo. Kakatanggap ko lang ng order ni Mr. V, yun na ang plano. Kaya sumunod ka na lang."

"Pero niloloko na natin ang mga tao nito."

"Isipin mo na lang, ikaw din makikinabang. Makakapag-bakasyon ka na, tapos hindi pa halatang nagsa-sawa ka na sa buhay artista. Tuloy tuloy pa di-"

"Tuloy tuloy pa din ang kita n'ya?"

Hindi nakasagot si Manager Kong.

"Nanghihingi ako ng bakasyon pero hindi n'ya pinagbi-bigyan dahil ako ang nagpa-pasok ng pera sa agency n'ya. Tapos ngayon kailangan ko pang mag-sinungaling?"

Galit kong sagot, hindi ako nakapag-pigil, nag-salita pa ulit ako.

"Kung kailang naaksidente ako saka lang ako bibigyan ng kalayaan? Tapos pagkakakitaan pa din ako?"

"Bata, alam kong napapagod ka. Pero isipin mo na lang na para ka na rin tunay na kadugo ni Mr. V. Tinulungan ka n'ya para makarating ka sa kung nasaan ka ngayon. Binabalik mo lang ang tulong na ginawa n'ya para sa'yo."

"Pero hindi ko mararating 'to kung hindi sa talento ko. Hind-"

Natigilan ako dahil may kumatok sa pintuan. Sinenyasan ni Manager Kong si Jerry, para buksan ang pintuan. Tumayo din s'ya sa pwesto n'ya.

"Magandang Umaga po, Nurse Mitch po. Magra-rounds lang po."

"Sige po, pasok po kayo."

Inasikaso ako nung nurse, kinuha ang vital signs ko, binigay ang mga gamot ko at sinabing hintayin si Dr. Chua para sa update sa status ko.

Hindi na kami nakapag-usap ulit ni Manager Kong dahil habang inaasikaso ako ng Nurse, may tumawag sa telepono n'ya. Dali dali din s'yang lumabas kasama si Jerry.

Saktong palabas yung nurse, pumasok naman si Jerry.

"Nasaan si Manager Kong?"

"Pumunta sa hall ng ospital, madami kasing reporters ang naga-abang."

"Para malaman ang kalagayan ko?"

Totoong may bukol nga s'ya sa mukha.

"Pasensya na talaga, nagpatingin ka na ba?"

"Oo, sabay sabay tayong dinala dito. Osya, magpahinga ka na. May mga kakausapin pa ko."

Tumungo lang ako at saka humiga.

Nawalan talaga ako ng malay pero sa totoo lang, wala naman talaga akong nararamdaman na sakit.

Siguro dahil sa mga ininom kong gamot pero parang mas masakit yung kalooban ko.

Hindi ko na papanuorin ang live interview ni Manager Kong dahil alam kong kalokohan lang ang sasabihin nila doon.

Papalabasin nila na malubhang pilay ang nakuha ko kaya hindi ko muna matutuloy yung activities ko.

Kakatapos lang ng drama at isang pelikula ko pero sunod sunod na guesting, photoshoot at gatherings ang nakalatag sa akin. Balak pa nila na umpisahan ko na yung susunod kong album.

Pagod na pagod na ako pero tuloy tuloy lang ako dahil dito ako masaya. Hindi ko maintindihan yung sarili ko.

Ito ang pangarap ko pero hindi ko alam bakit parang hindi ako kuntento. Parang may kulang.

---

Yaaas! I'm soooo happy that I am able to publish this now. Everyone, please love Le-On! ❤❤❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Found, YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon