"*Yawn* Nakakasawa na."-sambit ng isang lalaki sabay higa sa kama nya.
Yan si Nash Aguas. Patapon ang buhay. Tipong palaging "bahala na".
Saan sya nagsasawa? Malamang sa buhay nya. Aral sa umaga, trabaho sa gabi, yan ang paulit ulit nyang ginagawa.
Alas kwatro na ng umaga. Kakauwi nya lang galing restaurant. Nagsisilbi sya bilang crew doon para magkapera.
Halos kakahimbing pa lang nya sa pagkakatulog ng bigla syang binulabog ng tunog na halos araw araw ay kinakaiinisan nya.
*Kriiiiiiiiiiiiiing*Kriiiiiiiiiiiiiing*
"Bwisit."-tanging bigkas nya sabay patay ng alarm clock na nangbulyaw sa kanya.
Inaantok na tumayo sya sa kama. Ala-sais na. May pasok pa sya. Dalawang oras na tulog, medyo sapat na.
Kumain na sya at nag ayos na. Pagkatapos ay umalis na sya sa kanyang bahay.
Isang bahay na sya lang ang nakatira. Isang bahay na akala mo ay in-abandoned na. Pamana ito ng umampon sa kanya na ngayon ay wala na.
Pagkarating sa eskwelahan ay agad itong sumubsob sa armchair nya. Pagod na pagod pa sya.
Bawal naman syang lumiban sa klase dahil scholar lang sya. Matalino si Nash. May itsura din. Pero di sya yung tipong sa eskwelahan nya'y napapansin.
Maya-maya pa'y may narinig syang yabag ng paa na papalapit sa kanya.
"Hi Nash!"-napaupo sya ng maayos nang marinig nya ang boses na yon. Sumalubong sa kanya ang nakangiting dalaga.
"Uhm, good morning Alexa."-nahihiyang bati ni Nash sa babaeng katabi nya.
Ang totoo nyan, may gusto sya kay Alexa, matagal na. Kaso.. isa syang dakilang torpe na di na masabi ang nararamdaman nya.
Mabait si Alexa, masayahin at maganda pa. Kaya sinong tanga naman ang hindi magkakagusto sa kanya?
Nagsimula na ang klase. Tinatamad na nakinig si Nash sa teacher nya.
-----------------
*Riiiiiiiiiiiiiing*
"You may take your recess."-sambit ng guro nila. Nag unahan ang kanilang mga kaklase samantalang naiwan sila ni Alexa.
"Sabay na tayo?"-pag aaya ni Nash
"Uhmm... Kasi---"- di na natuloy ang pagsasalita ni Alexa nang may tumawag sa kanya.
"Babe! Tara!"-sabi ni Thirdy habang kumakaway-kaway pa.
Napakunot ang noo ni Nash.
"Si Thirdy. Sinagot ko na sya kahapon. Sige Nash, una na kami."-paalam ni Alexa.
Nabato sa kinatatayuan nya si Nash. Pagkatapos ay napabuntong hininga nalang sya. Anong panama nya kay Thirdy? Sikat na, mayaman pa.
Lalong nawalan ng gana si Nash sa mga sumunod na subject. Inantay nya nalang ang uwian.
*Kriiiiiiiiiiiiing*
Agad syang umalis at umuwi sa bahay para makapagpalit ng uniform para sa trabaho nya.
Hanggang ngayon ay wala pa rin sya sa mood. Maging sa trabaho ay nakasimangot si Nash.
"Aguas, ilang beses ko na bang sinabi sayo, wag mong dalhin ang problema mo dito. Kita mo yung mga customer? Ayan, nahawa na sayo. Tignan mo ang epekto ng ginawa mo. Nawawalan sila ng gana. Umaalis sila sa resto oh!"-sumbat sa kanya ng manager nya.
"Sorry po."-sabi ni Nash.
"Kanina ko pa naririnig yan sayo. Alam mo? Dapat siguro magpahinga ka muna. Solusyunan mo muna yang problema mo. Pag okay na, saka ka ulit mag aapply dito."-sabi ng manager. Isa lang ang pinapahiwatig ng manager nya. Tanggal na sya sa trabaho.