Hear Me
HER POINT OF VIEW
When I was a kid me and my bestfriend use to play Songka. Bata palang kami marami na kaming pangarap, una na doon ang pagiging Doctor n'ya at pagiging Sundalo 'ko. Parang baligtad diba? Tuwing naaalala 'ko ang mga panahong iyon natatawa nalang ako na nalulungkot.
Nasa Damuhan kami non nong may dala dala s'yang stethoscope na tinakas n'ya pa sa tito n'ya. Habang naka upo s'ya sa damuhan ako naman nakatayo at nakahamba na parang sundalo. Nagtawanan kaming dalawa dahil sa kabaliwaan naming pareho.
Pag dating nang gabi, nasa bahay namin s'ya. Nasa terrace kami ng kwarto 'ko, Pareho kaming nakatanaw sa kalangitan habang nangangarap. bigla namang may dumaang Shooting Stars sa biglaang paraan. Nagulat ako at niyugyog 'ko s'ya.
"Let's wish" masaya 'kong sabi sa kanya. "Wish 'ko sana, hindi ako makalimutan at iwan ni Andrei." sambit 'ko.
"Sana po matupad ni Shane ang pangarap at plano n'ya."
masaya ako nong araw na iyon.
Flashback
Makalipas ang isang linggo nakita 'ko si Andrei na kasama ang mga kaibigan n'ya. Napilitan akong lapitan at pakinggan ang pinag-uusapan nila dahil mukhang masaya si Andrei.
"Tara, punta tayo?" kaibigan ni Andrei
"Maganda ba doon?" Tanong 'ko out of Knowhere. Napatingin naman silang lahat sa akin at sabay-sabay na nagtawanan.
Napailing si Andrei saka ako hinila palayo.
"Shane hindi ka pwedeng sumama sa amin. Bawal ka doon!"
"Bakit ikaw pwede? Bakit ako hindi? Magkaibigan naman tayo ah. Kaibigan 'ko din naman sila ah."
"Hindi sa ganun. Hindi mo kasi ako naiintindihan, Basta bawal ka sasama."
"Sasama ako, kahit anong gawin mo. Kahit anong sabihin mo hmp."padabog akong Umalis at pumunta sa bahay. Wala na s'yang nagawa kundi ang hayaan ako sa gusto 'ko. Kumuha ako ng jacket dahil Malamig ang simoy ng hangin.
Sumakay kami ng tricycle at napunta kami sa tabing dagat. Malakas ang hampas ng alon at parang nag babadya pa ang ulan na bumuhos sa kalangitan. Nagpaalam ako kay mama at ang dahilan 'ko? Kasama ko naman si Andrei kaya agad nila akong pinayagan.
Pag daong ng bangka sa pampang ay ako ang unang sumakay, biglang bumuhos ang malakas na Ulan. Halos hindi 'ko na matanaw ang dulo ng dagat pero sumama parin ako. Atsaka alam 'ko namang safe ako dahil kasama 'ko si Andrei.
Tumabi sa akin si Andrei pagkasakay n'ya. "Sabi 'ko wag ka ng sasama!"
"Bakit naman? Kasama naman kita. Alam 'ko namang hindi mo ako pababayaan." wala s'yang nasabi kaya napangiti nalang ako.
Agad namang umandar ang bangka. Pero kapansin-pansin na hindi maganda ang panahon. Yung bangka na sinasakyan namin ay gumigiwang dahil sa lakas nang alon. Halos yung mga hampas din ng alon ay bumabasa sa amin. Napayakap ako kay Andrei.
"Natatakot ako." Sambit 'ko. Hinawakan n'ya ang ulo ko saka n'ya ako kinulong sa yakap n'ya.
"Wag ka na matakot. Ako bahala sayo." Sabi n'ya at nagpatuloy kami sa paglayag. Pero sa maling ihip ng hangin na sinabayaan ng malakas na hampas ng alon, Biglang bumaligtad ang bangkang sinasakyan namin nahulog ako sa bangka at nauna ang ulo 'ko sa paglaglag na tumama sa Borayungan ng bangka. Bigla akong nahirapang huminga kaya hindi ako agad nakaahon. Halos nawawalan narin ako ng hangin. Bago ako tuluyang makapikit napansin 'ko na may tumulong sa akin para makaligtas ako.
YOU ARE READING
Hear Me (One Shot)
Short StoryEvery bestfriend we have can hear us Not just by ears But also, By heart PLAGIARISM IS A CRIME