Ayoko Sa Tao

12 0 0
                                    

Matapos kumain ni Gina sa isang sikat na fast food chain, naisipan niyang maglakad-lakad muna bago tuluyang umuwi. Medyo maaga sila natapos sa kanilang klase kaya hindi niya alam kung saan siya papunta. Mag-isa lang siya, at hindi na 'yon bago sa kaniya.

Mag-isang kumain.

Mag-isang mag-aral.

Mag-isang umuwi.

Mag-isang maggala.

Wala siyang naging kaibigan, ni kaklase niya'y nilalayuan niya. Gusto niyang magkaroon nang kaibigan ngunit, takot siya. Takot siyang masaktan ulit.

Sa paglakad niya'y napatungo siya sa isang parke. Napangiti siya sa kaniyang sarili sapagkat wala pang masyadong tao ang nakatambay rito. Umupo siya sa isang mahabang upuan at pinanuod ang mga ibon na naghahanap ng pagkain sa gilid ng ilog kung saan nakatapat ang parke.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at headset at nakinig nang musikang pabalik-balik na niyang pinakikinggan.

"Totoo Pre?"

Pinikit niya ang kaniyang mga mata nang marinig na naman niya ang boses na ayaw niyang marinig.

"Pre? Si GINA? Napasagot mo?"

Please, tapos na 'to. Ayoko na tong balikan.

Inilagay niya sa full volume ang kanta na pinapakinggan niya umaasang matatabunan no' n ang mga boses sa loob ng kaniyang isipan.

"Di ko akalaing mapapasagot mo si Gina pre. Galing mo talaga."

Kinuha ni Gina ang earphones niya at ibinalik sa kaniyang bag. Ibinaling niya ang tingin niya sa ilog at bumuntonghininga. Ipinikit niya ang kaniyang mata at tuluyang pinakinggan ang boses na matagal nang gustong sakopin ang kaniyang isipan.

" Gina? Pasaan ka?"

Nilingon ni Gina si Jason na humihingal sa pagtakbo.

"Hinahabol niya ba ako?" tanong ni Gina sa kaniyang sarili.

"Pauwi na. Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ni Gina kay Jason at huminto sa paglalakad na nakakunot ang noo.

"Huwag mo naman akong bigyan nang ganiyang tingin." sabi ni Jason na nakangiti habang inaayos ang kaniyang bag sa likuran niya.

Nagbuga siya ng malakas na hangin atsaka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sabay tayo."

"Ha?!"

"Bakit gulat ka? Malapit lang naman mga bahay natin ah. Atsaka magkaklase naman tayo 'di ba?" Tanong ni Jason kay Gina suot ang kaniyang ngiti.

"'Di ka naman sumasabay sa akin noon." Sagot ni Gina na nakakunot pa rin ang noo.

"' Yon na nga eh. Natatawa ako sa sarili ko kasi malapit na tayong grumadweyt pero 'di pa rin kita lubos na kilala kahit na magkalapit lang tayo nang bahay." Sabi ni Jason sabay kamot sa kaniyang ulo.

"Eh ano naman ngayon? Kung malapit na tayong grumadweyt, bakit nag-aaksaya ka pa ng panahon na makilala ako?" Tumalikod si Gina at nagpatuloy sa paglalakad at hindi na hinintay si Jason.

Sa hindi inaakalang pangyayari, sinundan ni Jason si Gina habang nagpatuloy itong maglakad pauwi.

" Malapit ka na pala Gina." Malakas na sabi ni Jason kay Gina.

Napatalikod si Gina at nagulat sa nakita niya na si Jason.

"Ano bang balak mo Jason?"

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon