Chapter One

15 1 0
                                    


Taming His Cold Heart
A Novel Written by Unica Faith Antonio

Chapter One:



     IT WAS SURELY a tiring night when boss called it off for today. Naparami rin kasi ang mga customer na kumain sa restau-bar niya, and most are guys... alam niyo na? They are addicted in drinking alcoholic liquors. Buti na nga lang din ay tapos na ang trabaho namin sa araw na ito. Sigh. Nakakaloka! Pagod na pagod ako!

     "Good job everyone! Thank you for your hardwork!" Boss Jairus said as he greeted everyone with a clap! "Sige na! Let's call it a day. Anong oras na rin naman, kaya umuwi na tayo! Haha... maaga pa tayo bukas kaya kailangan natin ng maraming lakas!" Dagdag pa nito. This guy is surely crazy. Actually, he is just three years older than me. Pero napakabata kung mag-isip.

     "Whatever. Mauna na ako! Ciao!" batid ko sa kanila saka nagpaalam na para umalis. Sa aming lahat, ako lang ata ang may kayang sumagot sa lalaking yan. Duh... para namang karespe-respeto ang lalaking dinaig pa ang bakla sa kaartehan. Psh.

     "O—oy! Hintayin mo ko! Ihahatid pa kita, diba?" biglaang pag-awat ni Khael sa akin. Isa siya sa mga kasamahan ko dito sa trabaho, and I must say that... he is really persistent. Kapag ginusto niya ay ginusto niya.

     "Shut up, Khael. I have my own bike, kaya hindi mo ako kailangang ihatid." I said in my serious tone.

     "Oh, come on! I can't let a woman go home by herself. Kunsensya ko pa kapag may nangyari sa iyo, diba?" sagot naman nito.

     "Sus! Mga galawan mo rin, Khael, ano? Bakit hindi mo na lang kasi itanong sa kaniya kung ano ang address nila? Mas madali pa iyon, brad!" Boss Jairus added. Psh. Wala na. Nagsama-sama na ang mga baliw.

     "Pwede ba iyon, boss?" ika ni Khael sa naging tugon ni Boss Jairus sa kaniya. Todo ngiti pa ang loko dahil sa sinabi nito.

     "Hindi! Kaya pwede ba? Tigilan niyo nga ako! And specially you, Khael! Hindi ang isang gaya mo lang ang magiging tipo ko! Tabi nga!" sigaw ko sa kanila saka walang sabi-sabi na hinawi sila paalis sa daraanan ko. They are just a bunch of nonsense people. Hindi ko hahayaang sayangin lang nila ang oras ko. Mga bwisit!

     "Teka... anong nangyari roon?" rinig kong pagtatanong ni Julius, kapatid ni Boss Jairus, na mas matino naman sa kakambal niya.

     "Baka naman may dalaw?" suhestiyon ni Boss Jairus. Baliw talaga!

     Hindi ko na nga sila pinansin at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Their ability of thinking is out of the world! Hindi ko sila ma-gets! Ang hirap-hirap nilang intindihin at pakisamahan! "Oy! Robyn! Ayaw mo ba talagang ihatid kita?" rinig kong sigaw ni Khael mula sa malayo.

     Saglit nga akong huminto sa paglalakad at saka walang sabi-sabing nilingon siya sa kaniyang kinalalagyan, "Can you stop pestering me, Khael? Sinabi ko na sa iyo, diba? I can manage to go home by myself! Alin ba roon ang hindi mo maintindihan?"

     "A—ano... kasi gus—gusto..." uutal-utal na batid nito. Hindi ko na siya pinatapos pa bagkus ay mabilis na akong sumakay sa motor ko at saka pinaandar na ito. I don't have enough time for him. Marami pa akong dapat na isipin kaya huwag na siyang sumali pa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon