Andito kami ngayon ni terrence sa cafeteria.kaming dalawa lang kasi may mga gagawin pa sila steven.
"Anong gusto mo?Ako na bibili " sabi ni terrence
"Ikaw na bahala" sagot ko at ngumiti sa kanya
Umalis na si terrence para bumili ng kakainin namin. Mayamaya dumating na si terrence at kumain na kami. Habang kumakain kami may lumapit na babae kay terrence
"Pwede ba akong maki table? Puno na kasi eh, wala ng bakante" sabi ng babae kay terrence. "kung ok lang?" dagdag nya pa
Tumingin ako sa paligid at ang dami namang bakante. Tumingin uli ako kay Terrence at nakatingin siya sa akin na para bang nanghihingi ng permiso na paupuin sya.
"Okay lang" sabi ko at tumabi na sya kay terrence
"Ahhh Cas, si Stacey nga pala family friend, Stacey si Cassy Bestfriend ko" pagpapakilala ni terrence saming dalawa sa isa't isa. Nagngitian lang kami sa isa't isa.
"Oh Terrence,sayo na lang oh,ang unti ng binili mo baka mangayayat ka nyan" sabi ni stacey sabay bigay kay terrence ng 2 hita ng manok.
Grabe tong babaeng to kung makakapit sa braso ni terrence.LANDI NETO
"Sige una na ako ah" sabi ko ng matapos akong kumain, sabay tayo
"Sige tara, Stacey una na kami" sabi ni terrence at tumayo na rin sya
"Terrence,iiwan mo kong mag-isa?" grabe pati ba naman sa salita, pinapahalata masyado
"Sige na terrence samahan mo na sya, pupuntahan ko pa yung kapatid ko eh,sige bye enjoy"sabi ko
"We will" sabi nung maharot na yun. We will mo yung mukha mo, San kaya ako pupunta neto?
Naglalakad ako ng may humawak sa balikat ko, nilingon ko kung sino yun pero hindi ko kilala.
"Ms.Cassy, bat nag-iisa ka?"tanong sakin nung lalaki
"Ano bang pake mo?"sabay tanggal ng kamay nya sa balikat ko
"haahahahh yan yung gusto ko sa babae eh matapang "sabi nya sabay tawa ng nakaka asar
"Kilala ba kita?" tanong ko sa kanya
"Hindi, pero ako kilala kita" sabi nya sabay ngiti ng maluwag
"Ano naman?Pwede ba tigilan mo na ako"sabi ko sabay talikod at isang hakbang ko pa lang may humawak naman sa pulsuhan ko
"Ano na naman?" nabibwisit na ako sa lalaking to
"hindi pa tayo tapos mag usap eh"
"May kailangan ba tayong pag usapan?"
"Oo, tungkol sa future natin"
"ULUL(ganyan talaga yung pagkakasabi nya) pwede ba tigilan mo na ko, gusto mo ba dalhin muna kita sa mental? mukhang tumakas ka na naman eh"nabibwisit na talaga ako sa pangit na to. Tumawa lang sya sa sinabi ko.
"Alam mo may gusto ako sayo, ang ganda't ang sexy mo kasi eh" sabi nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa pero nagulat ako ng bigla syang bumaksak
"Bakit mo ko sinapak?" galit na galit na sabi nya
"Gusto rin kita eh" sabi ng lalaking tinig sa gilid ko
"Gusto kitang sapakin kasi ang panget panget mo" sabi ni ............................................................................................................................................................................................................................................................TERRENCE. Bakit sya nandito? Diba kasama nya yung haliparot na yun.
"Huwag na huwag ka ng lalapit sa babaeng to kahit kailan " sabi ni Terrence
"Bakit pagmamay-ari mo ba sya?" tanong nung lalaki kay Terrence. Nakatayo na pala to si takas mental.
"Yes, She's mine so back off" sabi ni terrence sabay hawak ng kamay ko. Hala bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Lumayo na kami dun sa takas mental na yun pero bigla kaming tumigil.
"Bakit kaba kasi nakikipag-usap sa mokong na yun?" Biglang tanong nya sakin ng pasigaw
"Ba-Bakit ka sumisigaw?"Pahina na ng pahina na sabi ko habang nauutal pa
"Sorry"mukhang natauhan na sya sa pinaggagawa nya
"Dapat kasi sumama na ako sayo eh,nagkaganito tuloy tsaka dapat d mo na ako iniwan dun kay stacey"sabi nya at speaking of haliparot
"Oo nga pala, asan na si Halipa-----si stacey" buti na lang natikom ko yung bibig ko
"Iniwan ko dun mag-isa sa cafeteria" sabi nya
"Bat mo iniwan yun?" buti nga sa kanya
"Mas importante ka sakin" bakit ganto yung nararamdaman ko.Pa check-up na kaya ako? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
YOU ARE READING
THAT DAY STARTS TODAY
RomanceBeing a bestfriend,we just want to be with him\her no matter what happen.We just want to be at there side when they need it because thats the job of being a bestfriend but what if one day we feel that we want more than that and we want to be at ther...