XANDRA POINT OF VIEW
Ano ba?sabing bitawan mo ako eh bingi ka ba? Sigaw ko pero para siyang bingi at patuloy lamang ang panghihila niya sakin ano ba? Nasasaktan na ako sigaw ko muli kaya napatigil siya sa panghihila at humarap sakin saka niya binitawan ang kamay ko
Sorry
Ha ano daw? Tama ba ang narinig ko? Sorry daw?
Alam mo kung hindi ka tumakbo hindi ka madadapa,hindi ka magkaka-sugat alam mo malilintikan kami kay master pag-nakita nya yang sugat mo
Naikunot ko naman ang noo ko malilintikan sila pag-nakita ng master nila ang sugat ko? Bakit naman sila malilintikan? Sino ba ang master nila? Teka ano bang pakielam ko kung sinong master nila? Eh di ko nga sila kilala
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko si red
YUAN POINT OF VIEW
Napaatras naman ako at napahawak sa kaliwang braso ko ng kumirot ito
Ang lakas ng loob mo pero wala ka rin palang binatbat
Naikuyom ko naman ang kamao ko kahit na nakamaskara siya alam kong nakangisi siya
Aaminin ko ang bilis ng bawat kilos at atake niya kaya hindi ako makasabay sa kanya at kahit na anong atake ang gawin ko mabilis siyang nakakaiwas
Agad naman akong naalerto ng mawala siya sa harapan ko
Pinakiramdaman ko naman ang paligid at agad akong napangisi
XANDRA POINT OF VIEW
Hinihingal naman akong napahawak sa puno buti na lang natakasan ko sya
Si red ano na kayang nangyari sa kanya? Sana naman walang nangyari sa kanya kasi naman bakit sya pa ang dumating kainis
Pano kung may nangyaring masama sa kanya ng dahil sakin?
Kung babalik ako dun baka tu-
Xandra
Agad naman akong napalingon sa taong tumawag sa pangalan ko
Re-red
****
Ma-maraming salamat ka-kanina at sa pag-hatid mo sakin dito sa bahay namin pa-pasensya na din ng da-dahil sakin nag-karoon ka ng sugat sabi ko saka ako tumungo dahil nahihiya ako sa kanya kasalanan ko kasi kung bakit sya nagkaroon ng sugat sa kaliwang braso nya hindi ko alam kung malalim ang natamo niya pero wag naman sana
Next time mag-iingat ka
O-oo sa-salamat at pasensya ulit sabi ko saka ko binuksan ang pinto at bumaba na ako ng sasakyan niya i-ingat ka pauwi pahabol kong sabi at pinaharurot na niya ang sasakyan niya
Xandra apo
Agad naman akong napalingon
Lola sabi ko at mabilis akong tumakbo papalapit kay lola saka ako yumakap at nagmano sa kanya
Oh apo nasaan ang salamin mo? Bigla ko namang naalala ang salamin ko na nabasag na dahil sa pag-kakadapa ko kanina at teka anong nangyari sayo bakit ka may sugat sa tuhod at siko mo? Naku naman bakit napansin pa ito ni lola saka bakit ngayon ka lang di ba 10:30 ang labas mo?
BINABASA MO ANG
THE REVENGE OF NERD
RandomIsang babae ang mag-hihiganti dahil sa masama at masakit niyang nakaraan Ang babaeng mag-babalik para singilin ang lahat ng may kasalanan sa kanya Kilalanin siya sa THE REVENGE OF NERD