The One That Got Away

21.7K 315 63
                                    

Closure. Ito ‘yun, eh! Kaya siya naging “the one who got away” kasi walang malinaw na closure. Kung anuman iyong meron kayo, hindi talaga nagsara. Unfinished business. Open-ended. Bitin. 

Kung napag-usapan ninyo ng mabuti at naghiwalay kayo ng maayos, hindi siya “the one who got away.” Siya lang ang “the one who left” or “the one you left behind.”

Kaya ka napapa-what if, kasi hindi naman talaga kayo nagtapos ng maayos.

Kaya ang daming tumatakbong “what could have been” sa utak mo kasi you didn’t give your all, or you didn’t say everything you wanted to say, or may mga tanong ka na walang sagot…

Oo, lahat tayo, merong “the one who got away.” Siguro habang binabasa mo ito, naiisip mo siya… ang isang malaking “what if” sa buhay mo.

At bigla kang naniwala kay Barry Manillow na baka somewhere down the road ay muling mag-krus ang mga landas ninyo. Tapos, kayo din pala sa huli! 

Iniisip mo na “puwede pa;” baka kaya hindi nag-work noon kasi hindi pa kayo handa. Baka may second chance pa. Baka puwede pang magkabalikan…

 ***

May dahilan kung bakit wala na sila sa buhay natin ngayon…. At may dahilan kung bakit iba na ang kasama nila, at iba na ang kasama natin…

At kung pinipilit mo na mahal pa rin ninyo ang isa’t isa – na what you had with each other was true love at posibleng may continuation pa ang love story ninyo – sorry, pero hindi ito soap opera o romcom na pelikula…

It’s a sad reality that you have to face and accept: Sa totoong buhay, hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan.

At iyong “the one that got away” mo, ay maaring “THE ONE” na para sa iba.

Parang Kayo Pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon