PROLOGUE- MARLON

1.8K 27 1
                                    

Lumipas ang maraming buwan matapos ang trahedyang nangyari sa buhay ni James at Rex ay tuluyan ng nakabawi ang magkasintahan. Maluwag na itong natanggap ng pamilya ni James ang relasyon ng dalawa. Nakamit na rin ni Rex ang hustisyang matagal na niyang inaasam at sa kasalukuyan ay pinag babayaran na ni Rita ang kanyang mga kasalanan. Nahatulan ng korte ng Reklusion perpetua o panghabang buhay na pagkabilanggo si Donya Rita matapos ang masusing paglilitis sa korte. Lubusan itong ikinatuwa ni James at Rex dahil alam nilang hindi napunta sa wala ang kanilang mga pinagdaanan. Ang hustisya para sa kanyang ama at ang kahayupang ginawa sa kanila ng kanyang madrasta. Kayat marapat lamang ng pagbayaran niya ang lahat ng ito. 

Pero hindi naman ganoon  kasama ni Rex sa kanyang madrasta dahil kusa  niya parin itong dinadalaw sa kulungan.Paminsan minsan ay pinupuntahan niya ito para kausapin at tingnan ang lagay nito. Isang matandang lumpo na si Rita ngayon. Lubhang malaking pinsala ang natamo nito sa kanyang paa ng mabaril siya ng mga autoridad kayat nagdulot ito ng kanyang pagkalumpo. Nakakalakad pa din naman siya subalit may saklay na siya sa kanyang balikat.

Sa tuwing maghaharap silang tatlo nila James at Rex ay walang pakundangan itong humihingi ng tawad sa kanilang dalawa. Matanda na ito at halata na sa kanyang itsura. 

"James at Rex I'm really sorry for the damages that I've done. Alam ko hinding hindi ko na maibabalik pa ang ano mang nasira ko sa parte ninyo pero umaasa ako na mapapatawad niyo ako balang araw. Napakasama kong tao, wala akong kwenta.. patawarin niyo ako sa mga nagawa ko." humagulgol na sa pag iyak si Rita.

"Napatawad na kita mama" si Rex ang unang sumagot.

Sumisinok pa si Rita dala ng matinding pag iyak nito. Ramdam naman ng dalawa ang lubusan nitong pag sisisi sa kanyang mga nagawa.

"Ikaw James, mapapatawad mo ba ako?" tanong ni Rita kay James na sa mga oras na yon ay kasalukuyang tulala at nakatitig lamag sa kanya. 

"Hindi ganoon kabilis magpatawad Donya Rita sa kabila ng mga nagawa mo sa akin at sa pamilya ng taong pinakamamahal ko, pero sana isang araw mahugot ko rin sa puso ko ang salitang pagpapatawad, alam ko hindi pa sa ngayon pero tao lang ako alam ko darating din ang panahon na mapapatawad kita" Sambit ni James.

Tango nalang ang naging tugon ng matanda. Bakas sa mukha nito ang pag sisisi at lungkot na nadarama.

Sa Mansyon....

Naghihintay si Marlon na dumating sina James at Rex dahil may maganda siyang balita para dito. Nakapasa na siya sa entrance exam ng kurso na BS in Marine Transportation. Mababakas ang kasiyahan sa mukha ni Marlon. Alam niyang ito na ang simula ng magandang kapalaran para sa kanya at sa kanyang pamilya. Lubos din siyang nagpapasakamat kay James at Rex dahil sa kabutihang loob nito sa kanya. Sa kabila ng kanyang mga nagawa ay natumabasan pa ito ng mas higit pa at subra-subra. Siya ngayon ang inatasan ni Rex na mag asikaso ng kanilang negosyo sa Manila. Hindi naman mabigat na trabaho ito dahil siya lang naman at titingin sa kalagayan at takbo ng negosyo ni Rex at mag asikaso sa mga tauhan nito at tuwing weekend ay umuuwi siya sa mansyon para mag report sa dalawa.

Kaya naman madalas din silang magkita kita at mag bonding kasama na ang pamilya ni James at Rex. Sa mansiyon na rin nakatira sina Mang Ding at aling Ana kasama ang mga kapated ni James na sina Alex ,Franchesca at si Brix. Si  Sheryl naman ay kasalukuyan ng nasa Maynila at nag aaral na din sa kolehiyo sa kursong BS in Secondary Education dahil gusto nitong maging Teacher balang araw. Si Alex naman ay nasa kasalukuyan ng grade 10 sa highschool at nasa grade 7 naman si Franchesca at nasa elementary naman ang bunsong si Brix. Malalaki na ang mga kapated ni James na kapwa gwapo at magaganda ding mga bata. Si Alex ay may malaking hawig sa kuya James niya. Dahil nagbibinata na ito, lumalabas na din ang aking karisma nito. Si Sheryl naman ay maganda din para itong modelo sa ganda at pweding pwedi itong sumali sa mga patimpalak tulad ng Binibining Pilipinas. Malaki ang potensiyal nito na makasali sa mga ganon.

BRO MAHAL KITA (IKATLONG AKLAT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon