Naramdaman niya ang malambot na bagay na kinalalagyan niya. Bumalik ang ulirat ni Luke at iminulat ang kanyang mga mata.
Puting kisame ang unang tinamaan ng kanyang mga mata. May nakasabit doon na isang napakagandang chandeller sa gitna ng magandang kisame.
Bumalikwas ng bangon si Luke sapo ang kanyang sintido at nakaramdam pa siya ng kaunting pagkahilo ng mga oras na iyon. Napapikit siya ulit at halos mabuwal siya sa kanyang pagkakaupo sa malambot at malawak na kama.
Bumalik sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanya. Hindi siya nagkakamali..nasa loob na siya ng mansiyon at nasa isang kwarto siya.
Ng igala niya ang kanyang paningin ay namangha siya. Napakaganda ng loob ng kwarto at napakaaliwalas. Napansin niya ang isang malaking painting na nakasabit sa dingding. Sa itsura palang nito halata mo ng mamahalin at classy.
Pinilit niyang tumayo sa kama subalit natigilan siya dahil biglang bumukas ang pinto mula sa kung saan.
Iniluwa ng pinto si Marlon na nakatapis lamang ng puting tuwalya at walang pang itaas. Halatang kagagaling lamang nito sa paliligo.
Agad itong lumapit sa kanya at hinimas ang kanyang noo. Yumakap agad sa kanya si Marlon. Nasamyo ni Luke ang mabangong sabon na ginamit nito sa pag ligo.
"Bro okay kana?" tanong ni Marlon habang yapos siya nito.
"Medyo nahihilo pa din ako" sagot ni Luke.
Kaagad itong kumalas sa pagkakayapos sa kanya at hinawakan ang baba ni Luke. Huli na at nasiil na siya ng isang masuyong halik sa labi ng kanyang katipan.
Mabilis lang ang halik ni Marlon pero ramdam ni Luke ang init at sarap ng labi nito.
"Wait lang bro ah magbibihis lang ako..saglit lang" sabi ni Marlon at lumakad ito papalayo patungo sa kabinet ng kwarto.
Walang pakundangan itong tinanggal ang nakatakip na tuwalya at tumambad sa mga mata ni Luke ang nakakaakit na hubog ng katawan ng lalakeng mahal niya.
Napangiti si Luke ng bahagya ng masilayan niya ang medyo buhay na pagkalalake ni Marlon. Nag suot agad ito ng puting brief. Kasunod ng cotton short at naglagay ng deodorant sa kanyang kili-kili.
Pakiwariy niyay nanunuod siya ng isang TV commercial ng deodorant. At ang pogi ng model.
Kumuha ito ng puting sando at nag suot. Lalong kumisig sa paningin niya ang lalakeng ito at di niya mapigilang mapahanga ulit. Sana kung lahat ng nahihilo ganito makikita mo..baka matanggal agad ang hilo mo.
Tumingin sa kanya si Marlon at kumindat kasabay ng isang matamis na ngiti. Lumapit ito sa kanya at tumabi sa pagkakaupo niya sa kama.
"Kumusta pakiramdam mo bro?" Masuyong tanong nito at umakbay sa kanya.
"Okay na ako" maiksing sagot ni Luke sabay alis ng kamay ni Marlon na naka akbay sa kanya.
Medyo gumaan na nga ang pakiramdam ni Luke ng mga oras na iyon..ewan ba niya kung bakit? dahil ba ito sa mga nakakamanghang nakita niya?
"Aba bakit naman ang sungit mo yata?" pilyong turan ni Marlon.
" Ewan ko sayo" umikot ang mata ni Luke kunyari nagtataray siya.
"Hoy yang mata mo ah..nako pag ako talaga di nakapag pigil ei..." pilyong banta ni Marlon.
"Oh sige ano..oh ano sige ituloy mo?" sagot ni Luke. Para na silang mag asawa na kunwari nag aaway sa isang melow drama.
"Kantot ka sa kanin ngayon" sagot ni Marlon at humagalpak ito ng tawa.
"Hoy mister..excuse me..magbayad ka mona bago ka makakantot" natatawang sagot ni Luke.
![](https://img.wattpad.com/cover/194193854-288-k240492.jpg)
BINABASA MO ANG
BRO MAHAL KITA (IKATLONG AKLAT)
De TodoAko si Marlon. Kaibigan at taga hanga ni James. Hindi niya alam na labis ko siyang hinahangaan at iniidolo dahil sa angkin niyang kabutihang loob at galing sa pagkanta. Halinat buksan natin ang aking kwento at buhay pag-ibig. NOTE FROM THE AUTHOR: ...