Wheel of Life towards Death

30 2 1
                                    

Sa pag gulong buhay, kasabay ng pag-ikot ng mundo. Maraming bumabalot na kababaglaghan sa ating mundong ginagalawan, at ang ang kamatayan ay naghihintay lamang. Sasama ka ba? Makakaligtas ka kaya, kapag nasa kamay ka na niya?

Klei's POV
Panibagong kaso na naman ang in-assign sa amin ni Chief Luke, ang head chief namin sa aming team. Isa akong crime investigator sa isang respetado at primyadong Investigation Etablishment. Ito ang Elite Task Force for Crime Investigation, at ang aming team ay ang Task Force Alpha. Pamilyar na boses ang narinig ko ngayong umaga, " Klei Namshin Dela Cruz", sigaw ng nanay ko. Tumayo ako sa aking kama, at tumigil sa gitnang parte ng aming hagdan. "Nay, buong-buo naman po ang tawag niyo sa akin, kung tawagin ko din po kayo sa buong pangalan niyo, Mrs. Belinda Dela Cruz". Tumawa kami ng sabay ni Nanay. "Pasali naman ako", pagyakap sa amin ng Tatay ko, si Elwid Dela Cruz. Pareho silang nagtatrabaho ng aking Nanay kaya si Yaya Mary lamang ang minsang nag-aasikaso sa akin. Naiintindihan ko naman sila dahil pare-pareho na kaming may trabaho at pampalipas oras lang daw sa kanila ito. Nag-iisa akong anak kaya minsan nalulungkot din ako, pero okay lang yon dahil nandiyan naman ang mga kasamahan ko sa aming team.

Luke Michael's POV
Ano ba naman yan, late na naman si Klei bulong ko, habang inaayos ko ang mga papeles para sa panibagong kaso na ihahandle namin. "Chief Luke Michael Santos, umagang-umaga, ay nakasimangot ka diyan", sabi ng bestfriend ko at team member ko na si Anthony. " Wala, late na naman paano si Klei, ididiscuss ko na yung bagong kaso natin", sabi ko. "Ahh kaya naman pala", sabi ni Anthony.

Nagmamadali na akong pumasok dahil tiyak na sermon na naman ang matatamo ko kay Chief. " Bab, kanina ka pa hinahanap ni Chief, paglapit sa akin ng bestfriend kong si Camilla. "Kaya nga ako, nagmamadali ihh" bulong ko sa kaniya. Lumapit na sa amin si Chief. " Ano ka ba naman Klei, diba sa sabi ko sa inyo, ididiscuss ko na yung bagong kaso sa inyo ngayon, dahil sisimulan na natin yun bukas", sigaw sa akin ni Chief. "Sorry po Chief, traffic po kase, medyo na late din po ako ng gising dahil nag-check pa po ako ng ibang paperworks", paraan ko. "Okay, all of you tara na sa conference room", utos sa amin ni Chief. "Bab, buti na lang at nagmamadali tayo, kundi sasabunin ka talaga niya ni Chief", bulong ni Camilla sa akin. "Oo na, huwag ka nang maingay at baka mapansin tayo", pabulong ko din naman. Pagdating namin sa conference room ay agad na kaming umupo sa aming designated seats. "Okay, mamaya ay pupunta na tayo kung saan naganap ang krimen, maliwanag na ba?". "Yes Chief", sabay-sabay na sagot ng buong team. "Klei, take the lead" sabi ni Chief Luke. Tumango ako bilang pagsang-ayon.Nagmadali kaming nag-ayos ng mga gamit namin upang mapabilis ang pagpunta naman sa crime scene.

Pagdating namin sa crime scene, ay agad na kinuha ng aming team ang aming gamit, tinulungan ko ang aking team members upang i-fix ang ibang apparatus namin. Si Klei ang pinag-lead ko dahil gusto ko siyang makitang busy, I find her cute when I see her busy. "Huyy, tara na, matunaw yan hala ka, wala ka nang titingnan, hahaha", pang-aasar sa akin ni Anthony. "Tumigil ka nga, huwag kang maingay at baka may makarinig sayo" pagtigil ko sa kaniya. Patuloy na kaming naglakad papunta sa crime scene. Nauna sa amin sila Klei at Camille papunta doon. Abalang-abala si Klei sa pag-check sa natagpuan naming bangkay. Isinagawa namin ang process of investigaton. Isang estudyante ang nakita namin, Cheska Lorraine Agoncillo, ang pangalan ng 18 years old na babaeng aming natagpuan, base sa kaniyang I.D. na nakita naming nakakalat sa damuhan, wala siyang damit at tanging underwear lamang ang suot niya na may bahid ng dugo. Kaya rape ang nangyari sa babae. Isang malaking bato ang nakita namin na malapit sa kaniyang ulo, na tanda na ito ang ginamit upang wakasin ang kaniyang buhay. Isang pamilyar na relo, ang nakita rin namin, ngunit hindi ko alam kung kailan, at kung kanino ko nakita. Ginawa namin ang Finale Process at inilagay na namin ang katawan ni Agoncillo sa body bag upang ihanda for autopsy.

Pagdating namin sa office, ay isinaayos ko na agad ang mga papel tungkol sa nakita naming bangkay, at ihinihahanda ko na ito for report. Kanina ay sinabi sa akin ni Bab na panay ang titig sa akin ni Chief Luke, habang nag-iimbestiga. Medyo kinilig ako dahil matagal ko nang itinatago ang lihim na pagtingin ko sa kaniya. Hindi ko namamalayan na napapatitig na pala ako sa kaniya. "Ehhhheemm, para bang painting si Chief Luke?", pang-aasar sa akin ng kaniyang bestfriend na si Anthony. "Haaa, wwwala, hindi no", nabubulol kong sinabi. Ipinagpatuloy ko na ang pag-aayos ko ng mga paperworks hanggang sa may tumawag sa landline phone namin, nagulat ako dahil sa seryoso ako sa aking ginagawa. Kring, Kring, Kring. " Ahhmm, Hello, ETF, Crime Investagion Office, how may I help you?", pagsagot ko. Walang sumasagot sa kabilang linya, kaya patuloy ako sa pagsasalita ng "hello". Hanggang sa isang mahinang halinghing ang aking narinig, at naulinigan ko ang sinasabi sa kabilang linya, ang mga salitang "susunod ka na!". Pagkarinig ko mga salitang iyon, ay biglang humina at nawala ang signal. Medyo kinabahan ako sa mga oras na iyon, kaya binilisan ko na ang aking ginagawa, upang makauwi na agad. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto si Bab pala. " Bab, ano ka ba, you scared me to death!", reklamo ko. "Sorry naman Bab, aayain sana kitang kumain, gutom na gutom ako", sabat niya. Hindi ko na muna tinapos ang lahat ng aking mga ginagawa, at lumabas na kami ni Camilla upang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi agad ako upang magpahinga. Habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan, ay may nag pop up sa aking phone. Unknown Calling, sinagot ko ito dahil nako-curious ako, ngunit walang sumasagot, pinatay ko ito dahil sa pag-aakalang wrong dial lang. Nagmadali ako sa pag-uwi dahil pagod na pagod ako at kinakailangan ko nang magpahinga. Pagdating ko, ay bigla na namang may tumawag, napansin ko na parehas ang tumawag kanina habang nasa sasakyan ko. Sinagot ko ito, baka si Bab ang tumatawag at nag-iba siya ng number. Isang mahinang bulong ang narinig ko, "susunod ka na" paulit-ulit na sabi ng isang boses na naririnig ko, habang tumatagal ay lumalakas ito, at naibato ko ang aking cellphone. Sakto namang pagbaba ng aking nanay. "Anong nangyari?", tanong ng aking nanay. "Wala po, Nay, nabagsak lang po", tanging nasabi ko sabay kuha ng aking cellphone. "Bibili na lang po ako ng bago", pagpapatuloy ko. Pumunta agad ako sa aking kwarto at natulog, Kinabukasan maaga akong nagising, chineck ko muna ang aking social media accounts. Nakakita ako ng tatlong notification, nag message pala si Chief Luke, "Goodluck sa atin Klei, sana ay ma-resolve natin ang kaso, advance cingratulations". Kinilig naman ako dahil bihira lang siyang mag-message kaya nag reply naman ako ng "Sana nga po. Thanks, Chief". Naghanda na akong para pumasok sa office. Pagbaba ko ay kumain muna akong almusal na inihanda ni Nanay. "Mag-ingat ka anak, mahal na mahal ka namin", bilin sa akin ni Nanay at Tatay bago ako umalis sa aming bahay. Dumaan muna ako sa mall para bumili ng bagong cellphone, ininsert ko na ang aking dating simcard at sd card. Pagdating ko sa office ay pumunta agad ako sa aking table. Kinuha ko ang mga hindi ko natapos na mga files, hanggang sa napansin ko ang picture ng relo. Tiningnan ko itong mabuti, pamilyar sa akin ang relong ito, hindi ako maaring magkamali, nakita ko na gamit ito ni Anthony.

Nakita ko na bumalik si Klei sa crime scene, kaya sinundan ko siya. Parang hindi siya mapakali at naghahanap ng sagot sa tanong na kung sino ang pumatay kay Agoncillo. Pagdating niya doon, ay patuloy niyang inuusisa ang mga bawat sulok sa lugar na iyon. Hanggang sa may nakita siyang I.D., hindi pang mag-aaral ang I.D. na iyon, sumigaw siya ng malakas ng dahil sa curiousity ko ay lumapit na ako. Nagulat siya ng lumapit ako sa kaniya at bigla niya akong niyakap. Pinakita niya sa akin ang
I.D. na kaniyang nakita. Nabigla ako nang makita ko ito. "Si Anthony?", tanong ko. "Oo siya nga, pati yung relo kay Anthony rin iyon", sabi ni Klei. "Pero, pan..?", hindi ako natapos sa pagsasalita, nang biglang sumulpot si Anthony sa aming harapan. "Well, well, well, napakagaling mo naman talaga Klei, no wonder na ikaw nga ang best employee in the whole world" sabi ni Anthony. "Pero, hindi naman natin nakita yang I.D. mo dito, noong gabing nag-imbestiga tayo?"pagtataka ko. "Nakita ko ang I.D. sa may mga malalagong damo, tinago niya ang I.D. para hindi natin nakita" matapang na sagot ni Klei. "Oooopppsss, bravo, kinabahan nga ako, baka nakita niyo noong gabing iyon, pero mga tanga kayo, hahaha", pang-aasar ni Anthony. "Wala kang awa, paano nagawa mo ito sa 18 taon na dalaga?", tanong ni Klei. "Ako pa ang walang awa, si Lorraine ang walang awa, sinaktan niya ako. Naging girlfriend ko siya, at pinaglaban ko siya. Kahit halos ayaw ng pamilya niya sa akin, ginawa ko ang lahat ng kaya ko para magustuhan ako ng pamilya niya, dahil sa tiyaga ko nakuha ko ang loob ng Mommy at Daddy niya. Isang araw susunduin ko dapat siya sa kanilang school, nakita ko na may kasama siyang lalaki at magkayakap sila. Nilapitan ko sila, at sinabi ni Lorraine na ayaw na niya sa akin at yung lalaki daw ang kanyang bagong boyfriend. Tumakbo ko sa aking sasakyan, galit na galit ako ng mga panahong iyon. Nang dahil sa galit ko nagawa ko siyang gahasain at patayin, nanlaban siya kaya natanggal ang aking relo at I.D. Wala akong pinagsisihan dahil nakaganti ako, hahahaha", pagpapaliwanag ni Anthony. "Diba sabi ko sayo Klei, ikaw na ang susunod, oo ako ang tumatawag sa iyo, natakot ka ba? hahahah". "Hayyyyoooppp kaaa" sigaw ni Klei. Hinarangan ko si Klei. "Chief, umalis ka diyan", utos ni Anthony, bumunot siya ng baril at itinutok sa akin, nang akmang babarilin na niya ako, umalis si Klei sa likod ko, at siya ang nabaril. Binaril ko din sa Anthony dahilan upang lumugmok siya. "Klei, bakit mo ginawa iyon?", tanong ko kay Klei. "Yun ang dapat, Chief. Salamat sa lahat ng pagmamahal mo, ramdam ko iyon kahit hindi mo sinasabi. Mahal din kita", sabi ni Klei, at binawian na siya ng buhay. Nakita ko si Anthony, binaril din niya ako, nilabanan ko at nabaril ko din siya, dahilan upang mamatay siya. "Mahal na Mahal kita Klei", ang mga huli kong salita bago ako binawian ng buhay.

Sinundo na kami ni Kamatayan, at sumama na din siya sa amin, wala na talaga tayong magagawa kapag hawak na niya tayo, ang tanging magagawa natin ay tanggapin ang katotohan mawawala na tayo sa mundong ito. We should accept and be thankful that we live, and did our missions in life. Treasure those precious memories with our friends and especially our loved ones. Maghintay ka lamang, at magkakasama rin tayong lahat. Wag kang mag-alala, susunduin ka din namin!

- Klei and Luke Michael-

Wheel of Life towards DeathWhere stories live. Discover now