Pandora

26 1 0
                                    

Reivy's POV

"Ace, napakaepal mo baaaa!!" sigaw ni Shey kay Ace habang nagbabatuhan sila ng unan.

"Anong ako?! Ikaw kayaaa." ganti naman ni Ace. Saktong tumama ung binato niyang unan kay Althea.

"Aray! Sino ba yon?!" galit na tanong ni Thea.

"Si Sheeeyy!!" turo ni Ace. Sa inis naman yata ni Shey, binato niya ung unan na napulot niya at tumama na naman yon kay Thea.

"Ano baaaaa???" medyo natatawa nang sambit ni Thea sabay bato ng unan kay Shey.

"Puntiryahin si Aceeeee!!" sigaw ni Shey sabay bato ng mga unan kay Ace. Nakisali naman si Thea sa kanila at nagsimula na silang magbatuhan ng unan.

"Tekaaaa!!" sigaw ni Thea. "Sali naman natin sila, yiiiiieeee...." sabay tingin ni Thea samin nila Cyndy, Dhenszy, Izzy at Angel.

"Wag nyo kong dadamay jan nananahimik ako dine.." pagbabanta ni Cyndy. HAHAHAHA! Pero mas lalong ngumiti si Thea ng nakakaloko sinabayan pa ni Ace at Shey.

"Tigilan nyo ko, mga walang isip! Inu----" bago pa matapos ni Cyndy ung favorite line niya ay binato na sya ni Shey ng unan na tumama sa mismong mukha niya.

"Iiihh!! Kagaslaw ba!!" sabay bato ni Cyndy kay Shey na naiwasan naman nito at tumama kay Dhenszy.

"Aray!" dahil walang masisi, binato na lang nya si Izzy na malapit sa kanya. Si Izzy naman napatigil sa pagcecellphone at gumanti ng bato kay Dhenszy pero ang natamaan ay si Angel....Kaya ngayon lahat na sila nagbabatuhan ng unan.

Ang kalat na nga ng kwarto ni Althea dahil sa kagaslawan nila eh. Buti na lang hindi ako kasa----

"Ehem....Si Miss Valedictorian ay nanahimik......" narinig kong sabi ni Ace. Sabay-sabay naman silang lumingon sakin at lahat sila NAKANGISI!

'Lord, ayoko pa pong mamatay!'

Agad ko ng kinuha ang unan na malapit sakin bilang panangga dahil alam kong maya-maya lang ay aatake na sila!

"Launch attack!" sigaw ni Thea at sunod-sunod nila kong binato ng unan.

Halos isang oras din kaming nagbatuhan at nagpaluan ng unan ng may biglang nagdoorbell....

"Huy, guys! Kaingay niyo! Di niyo tuloy nadinig ung nagdoorbell!" sigaw ni Shey.

"Tanga! Ung doorbell kasi ung nadinig namin hindi ung NAGdoorbell! Bobo!" pambabara naman sa kanya ni Ace tapos nagsimula na ulit silang magpaluan ng unan.

"Tangina mo kanina ka pa!" ani Shey.

"Baka gusto nyong bumaba para tignan kung sino ung nagdoorbell haneh..." maya-maya ay sambit ni Cyndy.

"Oo nga nakakahiya naman sa may ari nung bahay.." pagpaparinig naman ni Izzy. Natawa na lang ako... Kahit kagagraduate lang namin ng Highschool wala pa din silang pinagbago kahit magmature nakalimutan na yata nila!

"Oo na! Ako na! Sabi ko nga..." sabi ni Thea tapos tumayo at bumaba para tignan kung sino ung nagdoorbell....







"Guys, laptop daw para kay Ate Reivy." bungad ni Thea pagpasok niya sa kwarto. Teka, narinig ko ung pangalan ko eh... "Oh, Ate Reivy para sayo daw.." sabi ni Thea sabay abot sakin nung laptop.

"Para sakin?" naniniguradong tanong ko pa.

"Hindi, para sakin. Ayan oh, For: Reivy Alfanta. Ako ba si Reivy?" pamimilosopo sakin ni Thea. "Charott lang, hehehe. Kyut ko noh?" lahat na lang kami napailing sa sinabi niya. "Sama niyo!" reklamo niya with matching pout pa!

Tinignan ko ung laptop at nakita ung isang note.

'For: Reivy Alfanta
From: Pandora.'

"Pandora..." mahinang sambit ko.

Bubuksan ko na sana ung laptop ng may nakita na naman akong isang note sa pinakagilid. Maliit lang yon na note kaya hindi mo agad mapapansin.

'Find my voicemail for you, Reivy.'

Agad naman namuo ung kaba sa dibdib ko. Iba talaga pakiramdam ko sa Pandora na yan eh. Ang masama pa, kilala niya ko pero ako, hindi ko sya kilala.

"Wow, Ate Reivy! Taray may pa laptop ahh, yiiiii." pang-aasar ni Shey sakin. Nginitian ko na lang siya at binuksan na ung laptop.

Pagbukas agad kong hinanap ung voicemail. Nakucurious ako sa laman nung vm na yon, eh.

Di naman ako nahirapan dahil nakita ko sya agad.

"Ate Reivy, ano yaaann??" maya-maya ay tanong ni Shey.

"Laptop! Alangan namang tao yan..." pambabara ulit ni Ace kay Shey.

"Malilintikan ka na sakin, Ace! Isa pa, tangina mo!"

"Pandora?" nagulat ako ng magsalita si Cyndy sa may bandang likuran ko.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Althea.

"Hakdog." sabat naman ni Ace. Agad naman syang nakatanggap ng batok mula kay Thea.

"Hindiii kasi, ssssshhh!!" suway ni Cyndy. Agad naman natahimik ang lahat at natuon ang pansin sa kanya. "Reivy, ikaw magpaliwanag." sumama naman agad ung mukha ni Ace, Shey at Thea. Si Izzy at Dhenszy napailing na lang..

"Sabi kasi dito, buksan daw ung voicemail." pinakita ko sa kanila ung note.

"Ahhh...." react naman nilang lahat tapos tumahimik na ulit sila nung i-play ko na ung vm...

Bloody NightWhere stories live. Discover now