Prom Night

429 15 8
                                    

--

"Oy, Courtney!"

"Neey! Wooooy!"

"Bebe Neey!"

"Si Aiden oh!"

"Saan? Saan?!" 

"Nasa puso mo." tignan mo 'to si Ash parang tanga. Sinamaan ko nga siya ng tingin. -.-''

"Para ka kasing timang diyan. Kanina pa kita kinakausap parang wala lang." Tinatawag? Ako? Hindi, hindi, Yung upuan. Okay, basagin ang sarili. 

"Sorry naman.. Ano ba yung sinasabi mo?" tanong ko.

"Sabi ko, May susuotin ka na ba para sa Friday?" 

"Ha? Anong mayroon? Birthday mo?" 

"Gagey! February ngayon, Hello?! July 27 po ang kapanganakan ko!" Oo nga pala.. TEKA! February? Hindi nga? Akala ko September lang..

"Oh? Akala ko September lang.. Bilis naman, O ano ngang meron? Kasal mo?" 

"Mas lalong hindi no! Shunga ka na bey?! Prom po! P-R-O-M!" sigaw niya sa tenga ko, talagang nilapit pa. Kahit kailan talaga 'to.

"Alam ko spelling ng Prom no. Tsh."

"Sa sinasabi mo, alam ko na ang sagot sa tanong ko." 

"Ano?"

"Siyempre wala pa! Ni hindi mo nga alam na sa Friday na yung Prom eh. Hindi ka ba nakikinig sa announcement ni Sir kanina? Sa Friday na po ang Prom, at Monday na ngayon, Heller?" 

"Sorry naman, Bukas nalang ako maghahanap." 

"Tarush bey! Dapat mainlove na sa'yo si Papa Warren Aiden Esguerra ah!" Ingay talaga neto. May makarinig lang na iba. Nakoooo!

"Tumigil ka nga dyan. Baka gusto mo maturn off sa'yo si Jerome? Ayaw nun maiingay, sige ka, Tsaka itigil mo nga yang out of the world words mo. Mapagkakamalan kang bading diyan eh."

"Uwaaaaa! Hindi nga? Sige na nga. wuhuhuhu. Ay teka. May napansin ako sa'yo? PMS 'te? Akala ko ba sabay tayo magkakaron? Bakit wala pa ako?" Lukaret talaga 'to.

Hindi nanamin natapos yung kwentuhan ng dumating ang teacher namin sa Physics. Tapos ayun, late nanaman siya. Psh, Kailan ba hindi? Kung naguguluhan kayo kung sino si siya, Siya lang naman si Warren Aiden Esguerra, Classmate ko siya 1st year highschool pa lang, at simula noong crush ko na siya hanggang ngayong 4th year na kami at hanggang ngayon sikreto ko pa rin yon na kami lang ng bestfriend kong maingay ang nakakaalam. Hanggang tropa na lang nga kami eh. T^T 

Hindi pa pala ako nakakapagpakilala, ako si Courney Twinkle D. Reyes, Cute ng pangalan ko no? Yun na nga lang siguro ang maipagmamalaki ko eh, Pangalan ko. Describe ko pa ba sarili ko? Ahm.. Medyo maliit, Yung buhok ko hanggang dibdib, Yung mata ko malaki daw, pero yung pagkamalaki niya cute kasi mahaba yung pilik mata ko tapos maputi. Tamad ako. hahaha. Pero nasa top ako siyempre, Consistent top 2 ako, tapos ang top 1 naman eh, si Ashlyn Jill G. Bautista, Siya yung nagiisang bestfriend ko, Bestfriend ko na siya since Elementary. Napagkakamalan na nga kaming kapatid eh, masiyado kasi kaming close talaga. 

Dismissal na, Pero tinatamad pa akong mag-ayos ng bag. Ganyan ako katamad, kaya goodluck nalang sa mapapangasawa ko.. kung makakapagasawa ako. Hahaha. 

"Bey. Hindi ako makakasabay pauwi ah, Si mami kasi eh, aalis kami. Babawi nalang ako bukas. Promise!" yun umalis na ang mahal kong bff pagkatapos akong ikiss sa pisnge.

Prom NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon