Kabanata 2

7 0 0
                                    

The golden ring

Matapos ng kalahating oras na pagbaba ko sa bundok. Kung tutuosin maaari naman akong magbigkas ng isang salamangka ngunit pinili ko na lamang na maglakad upang makita ko ang magagandang tanawin habang naglalakad ako.

Nang tuluyan na akong makababa ay huminto muna ako upang magpahinga. Umupo ako sa ilalim ng isang puno at kinuha ang isang jacket na hindi ganon kanipis kagaya ng suot-suot ko. Nagpalit muna ako dahil nararamdaman ko na naman ang init.
Nang matapos na ako kaagad kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Ngunit ilang sandali pa'y nakarinig ako ng malalakas na ingay.

"Saan nanggagaling ang nakakabinging ingay na iyon" tanong ko sa aking sarili

Maya-maya pa'y kusang naglakad ang aking mga paa patungo sa hindi mapunong lugar. Habang naglalakad sa daang iyon, lalong lumalakas ang ingay. Hinawi ko ang malalaking damo at nakita ko ang napakaraming tao na abala sa kani-kanilang gawain. May ibang abala kaka-sigaw upang makabenta ng kani-kanilang paninda. Ng ibang bata naman ay nagtatakbuhan at naglalaro. Napangiti ako, naalala ko katulad ko lang rin sila nung bata pa ako. Inayis ko nang mabuti ang aking suot at nagsimula nang maglakad patungo doon.

"Magandang araw binibini" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Tumambad saakin ang isang lalaking may hawak na kahoy na may mga nakahilerang mga alahas rito.

"Nais mo bang bumili ng alahas?" tanong nito na may ngisi sa kanyang mukha

Napatingin akong muli sa ma alahas. Ang iba rito'y mukhang simple lamang ngunit magaganda ang mga disenyo. Pero mas nakaagaw ng aking pansin ang 6  sa kanila "Pasensya na pero may kailangan pa akong puntahan" Pagsisinungaling ko dahil maglilibot lang naman talaga ako dito. At isa pa mukha namang hindi ko kakailanganin ang mga alahas na iyan

"Ganon ba? ngunit nakikita ko sayo'ng mga mata na nais mo ang iba rito"

"pasensya na talaga"

"sige na, ilang linggo na ako dito ngunit walang may nais bumili ng aking mga paninda. Ikagagalak ko kung ikaw ang magiging unang bibili ng mga alhas ko" dugtong niya pa

"naiintindihan ko ngunit kahit gusto ko man bilhin ay wala naman akong dalang pilak" pagsisinungaling ko

"Maganda ka, hindi katulad ng iba diyan na magagaspang ang mga balat ay makinis ang iyong kutis. Ang suot mong balabal ay napakamahal di tulad ng mga tao diyan na nakasuot lamang ng mga punit punit na damit. At isa pa ang bag na dala mo ay maraming laman, malamang may dala kang pilak diyan" Nagulat ako sakanyang sinabi.Paano niya nalaman?

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang isang puting polseras. Maganda ito,simple lamang. Mayroong mga salita na nakaukit rito ngunit hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito

"Ang puting polseras na iyan ay nagkakahalaga ng 4 na pilak. Sinasabing naghahatid ito ng swerte.Lahat ng bagay na nanaisin mo ay makukuha mo" pagliliwanag nito. Tumango na lamang ako at kinuha ang isa pang polseras.

Ang polseras na ito ay kulay itim. May mga sulat rin na nakaukit rito at kagaya nang nauna hindi ko rin maintindihan ang mga ito

"Ang isa namang iyan ay kabaligtaran ng puting polseras" Napatingin ako sakanya at pinakinggan ang kaniyang mga sinasabi "kung ang puti ay nagdadala ng swerte, kamalasan naman ang dala niyan.Ngunit bawat kamalasan ay may kapalit... Kapangyarihan" Nabigla ako sa mga sinasabi niya. Totoo kaya yun? "Katulad ng isa nagkahalaga naman iyan ng 4 na pilak"

Inabot ko naman ang isa pa. Gawa ito sa ginto, may nakaukit na kulay itim dragon dito at nakaukit dito ang mga salitang lubos na kinagulat ko 'mortem. o ang ibig sabihin ay Kamatayan. Nabitawan ko ito na ikinatawa ng lalaki sa aking harapan

"Hahaha, natakot ka ba? Ang polseras na iyan ay ang pinaka kakaiba sa lahat. Kapag nasa panganib ka at suot-suot mo ito, mapoprotektahan ka nito. At kapag suot mo ito, maaari mo ring mahanap ang buhay at kamatayan mo. Kapag kaharap mo na ang taong nakatakdang pumatay sa iyo ay makakarinig ka nang pagkumpas ng kampana " Sa bawat salitang sinasabi niya ay tumataas ang balahibo ko.

"M...maganda nga ito. Kung ganon kapag sinuot ko ito at makakaharap ko ang taong iyon ay may pagkakataon akong sumalakay at umiwas?"

"umm...oo makakaharap mo nga siya pero sa oras na tumunog ito ay ang oras na kikitilin na niya ang iyong buhay. kaya wala kang kawala" ang sagot niya. Iniwas ko na lamang ang tingin ko rito at ibinaling ito sa isang singsing. Kulay ginto rin ito at kagaya nang isa, may nakaukit rin sitong isang dragon at ang pinagkaiba nga lang ay kulay pula ito. May nakaukit rin na salita rito 'vota o ang ibig sabihin ay hangarin o Desires.

"Ang isang iyan, parehas sila ng disenyo ng gintong polseras.Ngunit ang pinagkaiba nga lang, kung ang isa ay naghahatid ng kamatayan, ang isa namang iyan ay kagustuhan mo lamang ang ibibigay. Lahat ng iyong hinihiling at lahat ng dapat mong malaman ay ipapakita niyan saiyo"

"nakakasiguro ako don" dagdag niya pa sa kaniyang sinabi

"At paano mo naman nasabing totoo iyon?" pag-aalinlangan ko sa kaniyang sinabi

"Dahil naranasan ko na iyon" maikli niyang sagot

"Naranasan.. mo na?"

"Oo, ang kaso nga lang imbis na masayang bagay ay malungkot na pangyayaei ang naganap" "pero wag ka mag alala.Nakakasigurado akong hindi katulad ng saakin ay maganda ang kapalaran mo. Nung pagkakataon na 'yon kasi, miserableng bagay ang hinihiling ko" Pambawi nyang sagot. Magtatanong pa sana ako kung anong nangyari ngunit mas minabuti ko na lang tumahimik dahil baka alalahanin niya pa ang nakaraang sinasabi niya.

Inabot ko naman ang 2 kwintas na magkasama. Ang isa ay kulay bughaw at ang isa nama'y kulay dilaw. Parehas may ang mga puso sa bawat isa kaya't mas lalo kong nagustuhan ito.

"Ang isang yan ay nagkaakhalaga naman ng 3 pilak. Pinaniniwalaang kapag sinuot ng dalawang tao ang mga kwintas na iyan ay hindi na sila magkakahiwalay pa. At kahit man magkalayo sila, mahahanap at mahahanap rin nila ang isat isa. Sa madaling salita, para lamang iyan sa mga magkasintahan" Nagagandahan ako rito ngunit sa tingin ko'y hindi ko naman ito magagamit. wala nman akong kasintahan eh!

Kukunin ko pa sana ang isang kwintas na kulay bughaw at may babaeng nagdadasal ang disenyo nito.Ngunit nagulat ako ng hinampas ng lalaki ang aking kamay.

"Ah..ah... Paumanhin ngunit hindi ko ito ipinamimili at kung ipamimili ko man ito, Sa tamang panahon"
Napatango na lamang ako sa kaniyang sinabi kahit hindi ko man iyon maintindihan.

"Sige bibilihin ko na lamang ang gintong polseras at ang gintong singsing. Magkano lahat?"

Napangiti ito at wari ba'y namamangha "Hindi ko akalaing sa lahat ang mga ito ang pipiliin mo. 10 pilak na lamang para sa magandang binibining katulad mo"

Binigay ko na sa kanya ang 10 pilak at kinuha na ang dalawang alahas. Nilagay ko muna ito sa bag ko upang hindi mawala o manakaw. "Maraming salamat rito" tukoy ko sa mga alahas at tumalikod na

"Maraming salamat rin sa iyo, Mahal na Alda"

Nagulat ako nang bigla niyang tawagin ang aking pangalan. Ngunit nang pagtalikod ko, wala na siya at tanging puno na lamang ang aking nakita.

   P...Papaanong kilala niya ko?

Published: July 17, 2019
~~~
wag na po kayo magtaka kasi hindi talaga mawawala sa akin ang pagiging tamad
Thank you po ulit!😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Austropia's shadowsWhere stories live. Discover now