"A lot of you cared, just not enough" bulong na basa ko sa libro na hawak ko.
yes, totoo naman talaga yun mas maganda pa na maging mag isa dahil walang gulo walang problema
may sariling mundo ika nga nila.
"may nabasa ka na din ba na puwedeng mapanis daw ang laway kapag hindi nag sasalita?" napalingon naman ako sa nagsalita
it's zeny
hindi ko siya kaibigan.. no wala talaga akong kaibigan since elementary hanggang ngayon na nag college na ako sanay na ako sa word na "mag isa"
"tara kain tayo?" dugtong niya umiling naman ako hindi ako sanay na makihalubilo sa iba kasi ang mundo natin ay hindi mo masasabi kung may mabuti pa.
she's zeny hindi ko kaibigan pero kung ituring ako ay kaibigan na niya masayahin siyang babae and napaka daldal natutuwa ako sa kanya pero ayokong lumalim pa ang pagkatuwa ko sa kanya.
i have to limit my boundaries after all
No one will stay
they leave one day
"hay nako.. tara na kasii!" sabay hatak niya sakin nalaglag ko tuloy yung libro na hawak ko hindi ko na nakuha dahil hinatak na niya ako palabas ng campus since 2nd year college na kami pinapayagan na kami na lumabas
of course we are college now
"sa bubuyog tayo kakain" masayang sabi niya napailing na lang ako malapit lang naman ang jollibee dito pagpasok namin pinaupo niya agad ako sa upuan tatayo sana ako kasi ayoko ngang kumain pero pinigilan niya ako
"hep! kapag umalis ka sa bubuyog na to sisirain ko talaga yung libro mo.. i'm serious maddy" sabay lakad niya papunta sa counter napailing na lang ulit ako yan lagi ang tinatawag niya sakin
feeling close? i guess
i love my books kaya sumunod ako sa gusto niya
para siyang batang tuwang tuwa na hindi ako umalis hanggang sa matapos kami kumain siya lang ang kwento ng kwento sa buhay niya
she's only daughter and mayaman din her parents own a lot of resort pero hindi halata sa kanya kasi she's simple at sobrang kulit.
"nga pala nag ka shota ka na?" tanong niya habang nag lalakad kami pabalik sa campus umiling naman ako
NBSB
"gusto mo ibugaw kita?"nanlaki naman ang mata ko natawa naman siya sa reaksyon ko
her words i don't like sometimes para ngang hindi anak mayaman to
sino ba namang matutuwa sa bugaw?
"marami akong friends na guys may mga single dun don't worry bugaw lang kita dun may jowa ka na in one snap bongga!" with matching palakpak pa napahawak naman ako sa ulo ko
babae ba talaga to?
since 1st year college na kami mag kaklase and ang course namin ay AB- Psychology
hindi na lang ako kumibo at nauna ng maglakad sa kanya papasok ng room sakto wala pa yung prof. namin
vacant din kasi namin ngayon imbes na ako lang kakain mag isa eh may ugh. nevermind
ilang minuto ang lumipas at dumating na din ang prof. namin sa filipino 01 i know tinaggal na ang subject na filipino sa college but dito sa pinag aaralan ko which Romano University
ayaw nila so ito may subject kaming fil. 01 maraming nag rereklamo pero marami ding may gusto
after all ito ang pambansang wika natin kaya may kasabihan nga na
"Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda - Dr. Jose Rizal "
tangkilin ang sariling atin
"ugh. i hate this subject pag ba nakapag trabaho na tayo gagamitin ba natin yang panlapi at unlapi?"bulong na sabi niya napailing na lang ako
dami niyang reklamo marami tayong matutunan when it comes sa language natin
after ng class namin nagligpit na ako ng gamit uuwi na ako since 2 subjects lang naman ang naka sched. sakin ngayon
i want to rest
"sabay tayo?" napalingon naman ako nakasandal siya sa pinto at kami na lang pala ang tao dito. hindi na ako kumibo at tinuloy yung ginagawa ko
kahit naman ayaw ko susunod siya edi bahala siya
"kain tayo ulit ah?" dugtong habang papalabas kami ng university
"kumain na tayo kanina" taka kong sabi sa kanya gutom na agad siya?
"gutom na ako eh and isa pa sagot ko naman so wag ng maraming reklamo"sabay hatak na naman sakin pumunta kami sa tindahan ng fishball medyo malapit sa university
siya na ang kumuha ng pagkain ko umiiling ako pero wala eh matigas ang ulo ayun tinanggap ko na sayang din naman yung pera na binayad niya
"dun tayo sa rooftop" aya niya ulit sakin at hinatak na naman ako papasok sa university and umakyat kami sa pinaka taas.
actually bawal dito dahil delikado but siya lang ang bukod tanging matigas ang ulo may nakaharang na gate dito at nakalock pa pero naopen pa niya ewan ko kung paano niya nabuksan to
"alam mong bawal dito"natawa naman siya sakin at umupo sa railings tumanaw siya sa araw na papalubog na
lumapit naman ako sa kanya at umupo din napatingin nga ako sa baba eh medyo nalula ako kasi ang taas
" mahirap mag isa no?" napatingin ako sa kanya bigla siyang sumeryoso
"yun ang akala mo"
"akala ko din dati masarap mag isa hindi pala hindi mo makita yung salitang ngiti o tawa man lang" napakunot ang noo ko sa sinabi niya
problema nito?
nakakain lang ng fishball nag kaganyan na
"alam ko namang ayaw mo akong maging friend pinagpipilitan ko lang naman yung sarili ko sa taong alam kong ayaw naman talaga sakin" bigla siyang yumuko nataranta naman ako kasi bigla siyang umiyak
lalapit sana ako sa kanya kaso may biglang tumawa napatingin tuloy ako dun
"gago! hahahaha hindi bagay sayo" may lalaking matangkad at medyo maputi i think nasa 5'8 ang height niya
"tang ina mo nakita mong nag dradrama ako dito" napatingin naman ako kay maddy na halatang napikon
huh?
nagdradrama?
"ito ba yung binabanggit mo sakin noon pa? hahahah na hindi mo makuha ang loob" natatawang sabi ng lalaki sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa
fuck?
"tsk! panira ka ng moment buset!"sabay irap ni zeny at nag walk out
"noon ka pa niya gusto maging kaibigan ewan ko ba sayo bakit parang ilag ka sa tao" napapailing na sabi niya
"no one will stay"
"that's not true" napailing na lang ako at naglakad paalis pero bago man ako makalayo may sinabi siya na narinig ko naman
"Mateo.. zeny's boyfriend"