¡

47 1 7
                                    

"Gusto mo lumabas?"

"Ayoko, umuulan."

Bawat patak ng ulan mula sa kalangitan, ay aking pinagmamasdan. Ang pag-bugso ng malakas na hangin, ay nagpapalamig sa akin. Ang madilim at maulap na langit, ay aking tinitignan.

Ang malakas na kulog, at nagliliwanag na kidlat.

Sinasamyo ko ang malamig na hangin, habang mata ko'y nakapikit, at ika'y iniisip. Iniisip ko't pilit binabalikan ang nakaraan, ang panahong kasama pa kita, hawak ko pa ang iyong kamay, nahahalikan ko pa ang mapula mong labi, at nakikita ko pa ang nakakaakit mong mukha. Kay sarap mong alalahanin. Kay sarap nating alalahanin.

Kung may daan lang pabalik sa nakaraan, dadaan ako roon, at babalikan ka. Babalik ako sa oras na tayo'y magkasama, susulitin ko ang bawat segundo, minuto, at oras na kasama ka. Papabagalin ko ang takbo nito, upang matagal kitang makasama. Kung pwede lang, hindi na ako lalabas. Hindi na ako babalik sa kasalukuyan, hihintayin kong sumara ang lagusan, at makukulong na ako dito sa nakaraan, kasama ka.

Ayoko ng bumalik sa kasalukuyan, dahil ayoko ng masaktan.

Natatakot akong harapin ang hinaharap, dahil baka hindi ko kaya. Hindi ko kaya na wala ka.

Dito nalang ako sa nakaraan, kung saan kasama kita, at tayo'y nagiibigan.

Ngunit kay sakit isipin, na hindi ito totoo, ni hindi pwedeng mangyari. Walang lagusan, wala ng ikaw, wala ng tayo. Sa imahinasyon lamang ng isip ko pwedeng mangyari lahat ng pinapangarap ko. Sa imahinasyon ko na lamang tayo magkasama.

Sa tuwing umuulan, naalala ko ang luha ko ng ako'y iyong iniwan. Ng ika'y bumitaw sa aking hawak, at sinabi ang iyong paalam, atsaka lumisan. Parang ang kidlat ang kirot sa puso ko, at ang kulog ang mga hikbi ko.

Sana...tumigil na ang ulan. Naalala ko ang mapait na yugto ng nakaraan.
_

{/hello hindi ko talaga ugali mag lagay ng ganito pero sige. ahm meron pa po itong pangalawang series hehe kahit wala kayong pake :'((/}

ulapWhere stories live. Discover now