Sol at Luna

195 1 1
                                    

Gumawa ng dalawang bagay ang panginoon, ang Araw at Buwan ngunit ang tawag nila dito ay Sol at Luna. Ang Sol ay araw at ang Luna ay buwan.

Si Sol at Luna ay matagal na nagmamahalan sa isa't isa ngunit di sila pwedeng magkita.

Nakiusap si Sol sa Panginoon na magkita sila ni Luna. Gumawa ng paraan ang panginoon na magkita sila Sol at Luna, at dito na nagawa ang Eklipse ng araw (Solar Eclipse).

Pinapunta ng panginoon si Suta ang bituin kaila Sol at Luna upang sabihin sakanila ang tungkol sa Eklipse ng araw.

Sabi ni Suta kaila Sol at Luna na mangyayari lang ang Eklipse ng araw tuwing isang beses sa labing-walong buwan. Pumayag sila Sol at Luna at nag hintay ng labing walong buwan.

Makalipas ng labing walong buwan ay nangyari ang Eklipse ng araw at Nag kita na rin sa wakas sina Sol at Luna, tuwang tuwa at sa sobrang tuwa ay napaiyak si Sol at Luna. At don nagtatapos ang ating kwento.

Gintong Aral: Walang impossible sa pag-mamahal.

Alternate title: Ang alamat ng "Ekplise ng araw".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sol at LunaWhere stories live. Discover now