True Story

7 0 0
                                    

Hi ako nga pala si Anne, at ang kwento na to ay totoo at nangyayari sa buhay ko, di ko naman gusto ikwento lahat-lahat ng pangyayari sa buhay ko, but this story is very special to me. Lalo na pag naalala ko kung paano kami nagtagpo, paano ko nakilala yung taong babago sa buhay ko, kung paano nya pinakita na worth it pala ko mahalin..






I had a heart break last year october 2018. Nakipagbreak ang boyfriend ko sa akin, nagtagal din kami ng 1year and 1 month? Not sure.. basta ang naalala ko lang nakipaghiwalay sya kasi ayaw na nya, kasi gusto daw nya hanapin ang sarili nya? Sa totoo lang naranansan ko naman yun ganun sitwasyon way back 2015.. Kaya naintindihan ko sya kung bakit parang bigla sya nanlamig, o nawala yun pagmamahal nya.. Ang sakit lang sa part ko na sya yun nakipagbreak? Haha kahit sino naman siguro sa ating mga babae diba? Masakit pag tayo ang iniwan.. pero di natin alintana na yung mga lalaki na iniiwan natin kung nasasaktan diba?😅 So ayun nga back to my story. Nakipaghiwalay sya, so ako tinanggap ko pero hinabol ko sya ng halos 3 buwan. Kaso matigas sya eh, everyday nagtatanong ako kung san ba ko nagkulang sa kanya? Yun tipong binaba ko ang sarili ko maiangat ko lang sya yun tipong kinalimutan ko ang sarili ko maramdaman nya lang na may nagpapahalaga sa kanya. Halos nakalimutan ko na nga mahalin ang sarili ko para buo ko ibigay ang pagmamahal ko sa kanya.. Pero wala eh 🤷🏼‍♀️ pag hindi para sayo ilalayo sayo talaga ng Panginoon dahil gusto nya mapunta ka sa tamang tao, masasaktan ka ngaun pero makikita mo sa huli ngingiti ka uli tulad ng kung paano nya ginusto na maging masaya ka.. God is really Good.😊

After ng 3months kong paghahabol sa kanya napagod din ako, napaisip ako na mabait si G kasi alam nya na hindi para sa akin ang Ex ko, mahilig ako sa mga dating apps kaya nagdownload ako ng dating app. Marami ako nakakausap, nakikilala sabi nga nila mas okay daw na magsabi ka sa di mo kakilala kasi di ka nila ija-judge. So ang ginawa ko nakipagusap ako sa mga taong feeling ko okay naman kausap yun may sense of humor.🤣 so nagtataka kayo bakit wala pa dito sa kwento ang destiny ko? Haha oo wala pa mahaba pa kasi gusto ko kasi ikwento lahat-lahat kung paano nangyari.. so ayun stay put lang tayo lahat, di naman ako pro sa pagsusulat i just wanna share my true story.😊

So ayun back to the story, may nakilala akong guy sa dating app naging smooth naman ang pagcchat namin hanggang sa nagmeet kami, akala ko nga sya na eh?😅 kaso di talaga.. nagbabazaar kami ng best friend ko nung mga time na yun december 2018, nagulat ako nang magpunta sya sa isang food park kung saan andun ang bazaar namin, since first time namin magmeet naging okay naman hanggang sa nanligaw sya sa akin ng halos isang buwan, pero alam mo yung almost perfect pero di mo alam kung bakit di mo sya nagawang magustuhan o mahalin? Yung pakiramdam na parang gusto mo syang papasukin sa buhay mo pero di mo magawa kasi pakiramdam mo may kulang? Kung naramdaman mo yung ganun pakiramdam please comment then pakikwento kung anong pakiramdam para maishare mo sa akin.😊 so ayun nga di ko alam kung bakit di ko sya magustuhan kung asa kanya naman ang lahat. May looks, may money, may car, may stable job, may sense of humor pero di ko alam kung bakit di kami nagwork? Sinabi ko sa kanya na hindi pa ko ready na magmahal ng iba, sabi nya willing to wait pero sabi ko wag na kasi ayoko naman na maghintay sya sa bagay na walang kasiguraduhan. Ang ugali ko kasi is ayoko nung may nasasaktan akong ibang tao, okay ako na ako na lang ang nasasaktan.. Kaya ang nangyari nagstop sya sa panliligaw nya, nastop sya na ichat o tawagan ako at pag tumatawag o nagcchat sya iniignore ko ayoko kasi na maisip nya na pinapaasa ko sya..

PS: FAVORITE KO PO SI NADINE. Totoong kwento po ito, ilalagay ko ang picture ko at ng taong espesyal sa akin sa huli ng kwento na to.😊💕

PS uli ayan na yung story na malapit na kami magtagpo ni destiny..💕

DESTINY hits YOU. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon