1

6 0 0
                                    

Makalipas ang ilang linggo ayan nanaman ako sa pagbrowse sa dating app, buwan ng marso di ko masyadong matandaan ang date pero alam ko wala na ko trabaho nun, ang hirap pag taong bahay ka eh ikaw gumagawa ng lahat, araw-araw kasama ko ang nanay ko mamalengke. Araw-araw maaga ko gumigising para samahan ko sya mamalengke. Dahil alam ko marami sya pinapimili araw-araw tapos paulit-ulit naman ako naghihintay sa tindahan ng mga kakanin, nakakainis nga eh isang oras mamalengke tapos ang init-init pa dun ang daming tao, araw-araw madami tao syempre public market yun, mga 7:30 am kami umaalis ni mama sa bahay para mamalengke, sa paghihintay ko kung sinu-sinong tao ang nakikita ko, nakakatanguan ko dahil madalas yun mga kakilala ko ang nakikita ko, naghihintay pa din ako sa tapat ng kakanin, may napansin na ko tao na talagang napukaw ang tingin ko, yung para bang tinatanong mo ang sarili mo kung ' parang nakita ko na tong tao na to, di ko matandaan kung saan at kailan pero parang familiar talaga sya sa akin'.  Yan yung unang beses ko syang nakita, di ako nageexpect na makikita ko pa sya uli. Dinaanan nya lang ako pero nagiisip ako kung kilala ko ba sya kasi talagang familiar sya sa akin, hanggang sa umuwi kami di ko sya nakilala man lang..




Kinabukasan..

Ganun pa din ang routine ko, gumigising pa din ako ng maaga para sumama kay mama mamalengke, sa paglilibot ko ng palengke nakasabay ko sya, sa dami ng nakikita ko sa palengke sya at sya talaga yun malinaw sa paningin ko. Yun mapapaisip ka nanaman kung saan mo talaga sya nakita, kasi pakiramdam mo matagal mo na syang kilala..  Pero syempre sa pagkakasalubong namin na yun di ko nanaman sya nakilala man lang, ni wala akong lakas ng loob para man lang habulin at tanungin kung nagkita na ba kami talaga. Kaya binalewala ko nanaman yun kasi nga alam ko di ko naman na sya makikita..




Sumunod na araw..




Same routine sumama nanaman ako kay mama sa palengke, pero this time nauna na muna kami magwithdraw sa SM sa labas ng SM. Alam mo yung di mo inaasahan pagkakataon, nakita mo syang nakatayo sa tapat ng paradahan ng jeep, nung mga araw na yun napapatanong ako sa sarili ko 'bakit ko sya lagi nakikita 3times? Tapos sya at sya lang pero di ko sya kilala, di ko alam kung nagkakilala ba kami o nakita ko na sya talaga?'. Wala talaga ko kaide-idea na kung saan ko sya nakita o nakilala pero lumakas ang tibok ng puso ko, yun parang pakiramdam na alam ng puso mo na kilala mo sya pero di mo lang makilala kasi di pa eto yung panahon na yun. So nangyari binalewala ko, kasi eto nanaman ako di nanaman ako umaasa na makikilala ko sya since di naman nya ko nakikita.. nagtungo kami palengke hanggang sa makauwi kami, if im not mistaken naglilinis ako ng bahay nyan that time dahil alam ko darating ang Tita galing Japan, so nakaugalian nanamin mag general cleaning twing darating sya galing Japan. Habang nagccharge at naglilinis ako tumunog ang phone ko nagnotify na may nagadd sa akin sa FB. Dahil sa pag kacurious ko kung sino ba yung nagadd sa akin laking gulat ko na yung taong nakikita ko ng ilang beses sa palengke at SM ang nagadd sa akin. Nagulat talaga ko bumilis ng mabilis ang tibok ng puso ko, di ko ugaling magwave sa messenger lalo na pag di ko kakilala talaga, pero sya, ako ang nauna magwave, ako unang nagmessage. Ang dami ko message sa kanya na nagsasabi na sya yung nakikita ko sa palengke dumadaan, sya yung nakita ko sa SM sa may paradahan ng jeep. Tinanong ko din sa kanya kung kakilala nya ba ko? Pero sabi nya hindi, sabi nya nakikita nya lang ako sa suggestion friend nya kaya inaadd nya ko, pero nagtataka talaga ko, nagtataka ko na nagkataon lang ba na nakikita ko sya? Nagtaon lang ba na bigla nya ko inaadd? Di ko alam maraming tanong sa isip ko, ni hindi ko na nga pinansin yun dating app na ininstall ko para makapagmove on ako nun, ni di ko na nireplyan yung mga nakakachat ko nun dahil nasa kanya ang atensyon ko. Nagkachat kami ng mas madalas, nagkausap nagkavideo call, madalas ako magpuyat ng dahil sa kanya, yung dati nagpupuyat ako para sa laro pero nung nakilala ko sya nagpupuyat ako para sa kanya kasi pag nagkakausap kami madalas nasa trabaho sya inaantay ko lagi ang breaktime nya para makakulitan ko sya. Di kalaunan pakiramdam ko kilalang-kilala ko sya. Pakiramdam ko matagal na kami magkakilala. Yan ang nararamdaman ko nung mga panahon na yun. Hanggang sa dumating yung point na ako nagsabi na bawal kami mainlove, kasi ayoko pa, kasi ayoko. Pero sabi nya bawal kasi IN-LOVE sya sa iba.. :(

Tanggap ko naman na in-love sya sa iba, nakakapagtaka lang na bakit nya ko inertertain? Bakit sa twing mag kausap kami parang masaya sya sa akin? Parang iba, parang ang sakit na malaman meron pala syang ibang inaantay? Oo ako ang nagsabi na bawal kaming main-love sa isa't-isa. Pero iba pala talaga no? Kasi nakasanayan mo na e. Oo mabilis ako mahulog sa tao, yun tipong pag magaan ang pakiramdam mo mararamdaman mi talaga, yun tipong sanay na sanay ka sa presensya nya, tapos hindi mo alam kung paano mo iiwasan ng biglaan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESTINY hits YOU. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon