Kabanata 1

27.7K 891 221
                                    

Kabanata 1

Habang nagmamaneho papunta sa address ng Monte Hospital, nag-iigting ang panga ko. They really want Spade to comeback, huh.

Three months after being saved by Adam, umupo agad ako bilang Empress sa underworld ng buong asya. Antonio Aurin is dead. Si Kuya Raiven ang naisulat niyang tagapagmana ng kanyang yaman habang nasa akin naman ang kanyang mga illegal na negosyo. Tanging si Mommy at Adam lang ang nakakaalam na buhay ako. Not even my brother, Raiven.

Agarang pinalitan ni Adam ang pangalan ko. From Natasha Venice Aurin, to Tasha Reyes. Yes, I'm bringing my mother's surname. Nandidiri ako sa 'Aurin'. I'd rather not have his wealth as an Aurin. I'm not into his business anyways. Mas gusto ko pa'ng pamahalaan ang illegal na mundo.

I immediately stomped on my break, I almost hit the fortuner in front of me! Inis akong napabuga ng hangin. Maraming nagkukumpolan sa daan na tila ba'y may nagaganap na kakaiba. I stepped out of my car and went near the commotion. Nakipagsiksikan pa ako para makapunta sa harap upang makita ang pangyayari.

Napataas ang kilay ko nang makita ang isang motor rider na naghihingalo, he's bathing his own blood and no one is giving him a helping hand to help him. Or even called an ambulance.

Inis akong lumapit dito, kinabig ko ang babaeng mukhang engot na panay tili at pinapaypayan ang sarili. Sarap sagasaan. Umupo ako sa gilid ng biktima, he's semiconscious. I opened the window or his helmet for him to breathe some air

"Can you move your legs?" Napatingin ako sa binti nito ngunit hindi ito gumalaw.

I roamed my eyes around with an stoic face. "What now?! Won't you call for an ambulance to save this person!? Or you're just going to watch him die in this intersection!?"

Nagsiunahang silang mag-dial sa kanilang mga telepono. Bumaling naman ako sa lalaking kasalukuyang nakahiga sa semento. I didn't remove his helmet, I might touch some nerves on his neck that can be a reason for him to die on the spot.

Minutes later, dumating na ang paramedics. Naghawanan naman ang paligid upang padaanin ang stretcher. Nag-angat agad ako ng tingin sa isang nars nang basta-basta na lang itong umupo at akmang tatanggalin niya ang helmet nang kinabig ko ang kanyang kamay.

"Are you the family of the patient?" taong nito.

"No." I looked at her and her hands before looking at the victim. "But you're acting carelessly as if you're not a nurse. It's not right to move his helmet carelessly."

"Are you a doctor?" sabad naman ng isang nurse.

"Yes. A licensed Neurosurgeon." Tinaas ko ang sleeves ng white longsleeves ko at isa-isang tinignan ang mga paramedics. "Give me a neck brace."

Tumalima naman ang isang nurse, tinignan ko ang isa na nakaluhod ang isang tuhod sa semento at nakatitig sakin. I rolled my eyes.

"Now is not the right time to stare. Help me remove his helmet."

Dahan-dahan naming tinanggal ang helmet ng lalaki, dumating naman agad ang neck brace kaya nagpatulog din akong ikabit ito. Pansin ko ang malalim na paghinga ng biktima na tila ba ay nahihirapan.

"Give me the stethoscope." Nanatili ang titig ko sa biktima habang nakaangat ang isang kamay sa ere.

Nang maramdaman kong may nilagay na ng nurse ang hinihingi ko, I immediately used it and checked his chest. Agad kong tinanggal ang stethoscope at nilapag ito, I lifted his shirt and found a bruise on his side.

Napabuga ako ng hangin at binalingan ang dalawang paramedics. "Bring him to the hospital. Tell the doctor to have an ultrasound on his chest as soon as you arrive. I'll get going."

Forgetting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon