Isang hapon, at ang araw ay kalahating litaw at kalahatiy lubog sa dulo ng tanawin ng dagat....
"Huuuuwaaa..."
"Huuuuwaaahh..."
Isang pag piyangak ng sangol ang maririnig sa isang lumang mansion........
Nagkalat ang mga dugo ng pamilya ng bata sa lahat ng dereksyon.......
..
Ang lumang mansyong na iyon ay nasa pinaka gitna ng isang malawak na lupain sa tabing dagat na pagmamayari ng pinakamayamang tao sa Asia....
Sa alapaap Nakatunghay ang isang nilalalang na labis na pinaniniwalaan ng marami ngunit hindi pa napapatunayan o kahit manlang nasasaksihan ng nino mang nabubuhay pa sa ngayun....
Ang nilalalang ay may mahaba at malapad na pakpak na gawa sa liwanag.......kilala ang kanyang uri bilang mga ANGHEL...
Natatanaw mula sa mga alapaap na kanyang kinatutungtungan ang mansyon kung nasaan ang batang umiiyak..........
Lumipad pababa ang ang nilalang......
bumulusok ito pababa ng sobrang bilis.....
akmang tatama na ito sa lupa..,,, nang ibinukas nito ang pakpak at biglang tumigil sa pagbagsak.... lahat ng lupang sakop ng kanyang pakpak ay nabiyak at nadurog.....
Lumapag siya sa tapat mismo ng maindoor....
nagmasid sya sa paligid at naglakad palapit sa napakalaking doubledoor na pinto... kasabay ng paghawak nya sa door bar ay narinig niya ang isang malamyang boses....
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo....???"
anang isang babae....
Tumalikod ang anghel upang harapin ang babae ng biglang.....
...wiissssk....
Iwinasiwas ng babae ang isang espadang nagliliwanag ng itim....
Ngunit ng tinaman ang anghel ay naglaho lang ito na parang bula....
"Sa tingin mo ba ay bastabasta akong mahuhulog sa mga walang dangal mong estilo...."
anang anghel matapos nitong lumitaw sa balkonaheng nasa itaas mismo ng maindoor....
Tumingala ang babae at ngumiti na tila may nilalaman...
Hinawakan ng babae ng mahigpit ang espada na para bang naghahanda sa pagatake...
Nagtitigan lang sila at parehong nagaantay sa atake ng isa't isa...
Walang maririnig sa paligid kundi ang mabilis na pintig ng puso ng babae.....
Unang sumugod ang babae....
Tumalon siya pataas ng balkonahe....
at...
wissssskk.......
Iwinasiwas niyang muli ang espada ngunit nagulat siya sa nangyare.....
Sinalo lamang ng anghel ang matalim niyang espada gamit lamang ang dalawang daliri....
"Ramdam ko ang kalungkutan sa espadang ito."
anang Anghel...
Tumapak ang babae sabalustrahe ng balkonahe at pumajak palayo....
"Alam mong kailangan kong patayin ang batang yun.....Malaki ang kinalaman niya sa hinaharap, siya ang magiging dahilan ng pag bagsak ng langit...." anang babae matapos lumapag sa lupa...
"Oo...at alam ko rin na maaaring sya rin ang dahilan ng pagsasaayos ng bilyong taong tunggali ng mabuti at masama......."
sagot ng anghel...
Nagbuntong hininga ang babae....habang nakatingala sa balkonahe kung nasaan ang anghel...
"kung gayun..... ay wala akong magagawa kundi ang unahin ka...... "
Akmang susugod muli ang babae ng bigalang tumigil ang lahat....
Nakahinto ang lahat maging ang mga dahong Nagliliparan sa paligid
Animoy tumigil ang oras....
Hindi rin makakilos ang babae....
'Anung ginagawa mo sakin...'
isip ng babae sapagkat hindi sya makapag salita.....
"Parasaan pat tinawag akong 'The Third Angel of Heaven' kung di ko kayang pangatawanan yun,,, hindi ba......" wika ng anghel....naparabang nababasa kung anu ang iniisip ng babae.
'Yan pala ang tunay na kapangyarihan mo
-Gabriel-.....'isip ng babae...
"Ahahahaha....Napakarangal ng pangalang iyan upang itawag saakin....-alam naman natin na tulad mo kaya ko rin gawin ang mga bagay nawalang karangalan tulad nito...."
Satitig lamang ng anghel, ang napupunit ang braso ng babae.....
"aaaaarrrrrhhhhh"
",.....aaarrrrrrrghhhhhhh"
Sumigaw ng napakalakas ang babae...
Nagpatuloy ang pagpunit sa braso nito hanggang sa makita na ang mga buto ng balikat nito....
"Arrrrrgggghhhhh"....
....psssk...psssssskkkk...
Ungol ng babae habang sumisirit ang dugo mula sa putol nitong braso at mga paa....
Bumulwak ang lamang loob ng babae at namatay....
"Wala na rin akong balak bumalik sa langit..." anang lalaki sa pirapirasong bangkay ng babae....
Humarap ang lalaki papasok sa balkonahe at naglakad.....
...
Bumungad sa kanya ang duguang paligid at pirapirasong labi.
Lahat ng bagay ay may bahid ng dugo
..
maging ang kisame at mga pader....
Tila ba may kung anung mabangis at walang awang nilalang ang kumatay at lumantak sa kanila.....
"Huuuuwwwaaaahhh"
..
naririnig parin ng anghel ang iyak ng bata at sinundan nya ito..
Dinala sya nito sa isang kwarto na puno ng espada.... kung saan saan nakatusok ang espada,,, meron sa kisame sa sahig sa pader sa lahat ng bagay sa kwarto,,, maging sa kamang kinahihigaan ng bata...
Swerte na lamang at hindi nahagip ang bata ng isa sa mga espada....
kinuha ng anghel ang bata at lumabas ng bahay....
Ibinuka nito ang malapad,mahaba at nagliliwanag nitong pakpak.....
Kinampay niya ang mga ito at lumipad paitaas ng napakabilis.......
....
....
Authors Note:
Hay buhay.....
ito na talaga toh.....
tuloy tuloy na toh...
uhmmm.... sa first chapter...
pakilala ko na sa inyo sa protagonist natin....
sensya na kung medyo marahas ha....
so....hanggang dito lang...ayaw kong magbigay ng spoiler ee...XD

YOU ARE READING
SWORD:The Blue Angel
Fantasyhehehe.... nainspired lang ako kay Ate direk_whamba... hehehe...