Oppa nyo, Asawa ko 1

43 21 30
                                    

C1: The battle between us.

Matapos nilang kumain sabay sabay ng hapunan ay nag pasya silang mag pahinga na ng maaga at bukas nalang ipag patuloy ang pag ku kwentuhan dahil na din sa pagod sila sa mabahang byahe.

Iba't ibang posisyon na ang ginawa nila Araei sa kama pero hindi nya pa din maramdaman ang gusto nyang maramdaman sa piling nito.

Patuwad naman kaya? Sawa na ko ng nakatihaya eh.

Tumawad si Araei. Sandali syang tumahimik para pakiramdaman ang sarili.

Anak ng tilapia?! Bakit ba wala akong maramdaman kahit anong tuwad ko?! Uhm try kaya namin ng nasa ibabaw sya?

Agad tumihaya si araei, bumukaka pa sya para maluwag ang pagitan ng mga hita nya.

Ayan! Kasyang kasya na!

Muling pinakiramdaman ni araei ang sarili habang nakapikit at naka kagat labi.

Napasabunot sya sa sariling buhok at napaliyad.

"Ahhh! Bakit ba kasi hindi ako makaramdam ng antok?"

Napasabunot sya sa sariling buhok at napaliyad dahil sa inis sa sarili. Sinuntok suntok pa nito ang unan na kanina nya pa nilalapastangan.

Hindi makatulog ng maayos si Araei kanina pa kahit iba't ibang posisyon na ang ginawa nya. Madaling araw na din pero talagang dilat na dilat pa rin ang mata nya.

Nakabusangot na nilingon ni araei ang katabing kama nya. "Talaga bang dito ka matutulog ha? Anak ka ng tilapia oh!" sigaw nya kay Eun hoo na nasa kabilang single bed sa kaliwa nya.

Oo, pinag sama ng kani kanilang mga magulang ang kanilang mga anak dahil tutal sa kasalan na din naman daw ang punta, bakit hindi nalang mauna ang apo?

Ngunit tumutol dito si Araei kaya para mapapayag sya, bumili nalang ng panibagong kama para kay Eun hoo. Wala ng nagawa si arei dahil sayang naman DAW ang pera.

Nanatiling wala kibo ang binata. Nakapikit lang ito habang naka kumot at may yakap na unan.

Bingi lang? Walang tenga ganun?! Anak ka nga talaga ng tilapia!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bingi lang? Walang tenga ganun?! Anak ka nga talaga ng tilapia!

Padabog na tumayo si araei sa kama nya tsaka nakapamewang na humarap kay eun hoo na walang pakealam sakanya, "Hoy! Kelan ka ba babalik sa korea ha? Sipain nalang kita palipad, gusto mo? libre pa!" sigaw nya sabay kuhit sa balikat ng binata.

Nilapit nya ang mukha kay Eun hoo, "Tulog ka na ba talaga?" tinusok tusok pa ni araei ang pisngi nito pero nanatiling nakapikit si Eun hoo.

Hindi makapaniwala si Araei na nakatulog si Eun hoo sa sitwasyon nila ngayon. Samantalang kasi sya hindi mapakali kakaisip sa mga pwedeng mangyari sa pagitan nila.

Hindi naman daw sya assuming at feelingera. Marunong lang talaga syang mag alala dahil sa reyalidad at mga possibleng mangyari.

Tumalikod na si Araei, "Maka alis na ng---ahhh!" gulat na sigaw nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oppa nyo, Asawa ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon