CHAPTER 2

18 1 0
  • Dedicated kay Carmela Hernandez
                                    

Nagulat si Mitch nung sinabi kong sasama ako.

Mitch: Really?! Sasama ka?!

KC: Akala ko ba gusting gusto mo ‘kong sumama? Tapos ngayong parang di ka makapaniwala. Ang gulo mo rin noh.

Di ko din naman kasi siya masisisi kasi alam niya din ang sitwasyon ko at ang pagkaka-alam niya ay sasama ako sa mommy ko.

“Ako? Sasama sa mommy ko… Of course, not. She should’ve set me free a long time ago para wala na siyang problemang aayusin dito sa Pinas.” I carelessly told her.

Pero deep inside, gusto ko pa rin makasama si mommy kahit gaano ako pinagtatabuyan ng bago niyang pamilya.

Magse-seven na ng gabi at dali-dali akong sumakay ng jeepney papunta sa bahay nila Mitch. May project pa kasi kaming tatapusin bago mag-field trip at kailangan daw iyon tapusin ng buong klase. Kaka-hassle!

“Hija…”

“Ay, anak ng---

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ang isang matandang babae. Mahaba ang buhok niya at napakatamlay ng mukha. Ano kayang kailangan niya sa akin?

“Nanay, may problema po ba?” mahinahong sabi ko sa kanya.

“Hija, kahit anong mangyayari… Kahit anong mangyayari, wag na wag mong-

*BEEP BEEEEPPPPP*

“Nanay, una na ako!” dali-dali akong bumaba at hindi na tiningnan ang matandang babae sa jeep. Kahit anong mangyayari daw, wag daw akong mag-ano? Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko hanggang sa makarating ako sa harap ng bahay nila Mitch.

Mitch: KC!!! Ano ka bang babae ka! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Nag-aalala tuloy ako. Halika, tara na!

Ewan ko ba kung sasabihin ko ang sinabi nung matandang babae, basta… Aatupagin ko muna yung project baka kasi uminit ulo nitong kaibigan ko.

Pagkapasok naming ng bahay, agad akong sinalubong ng ngiti ni Don-Don, isa sa crush ng bayan-este classmate ko.

Don-Don: Uy, andyan na si Miss Taray!

Mitch: Anong Miss Taray ka dyan. Ang sabihin mo, may gusto ka lang sa bespren ko! Ano, di ka makaimik.

Tumawa lang si Don-Don habang hinahampas siya ni Mitch. Sa totoo lang, may crush si Mitch kay Don-Don since grade school kaso may iba daw itong gusto kaya di na umasa masyado si Mitch sa lalaking ito. “Kung maglalambingan din kayo dito, humanap na kayo ng kwarto niyo.” Pang-aasar ko sa kanilang dalawa habang inaayos ang gamit ko. Ang cute cute kasi nila.

Ayun, napatigil sila at dumiretso sa salas. Kitang-kita ko ang pagka-busy na mga kaklase ko. Seryosong seryoso talaga sila na tapusin ang project para maka-attend silang lahat sa field trip. Sa gilid ng salas, nahuli kong nakatitig si Chris sa’kin at kaagad itong binalang sa ibang direksyon.

Si Chris John Javier lang naman ang pinakasuplado sa klase namin. Mapili pagdating sa makaka-usap nitong tao. Matalino. Moody daw ayon kay Don-Don, ang kanyang kabarkada. At sa lahat, magwapo siya. Oo, akalain mong playboy pero hindi naman talaga. Mapanghusga lang kasi ang mga estudyante sa university namin.

Don-Don: Ayieee, sasama na siya sa field trip.

Sabay akbay sa akin.

KC: Malamang… Sabihin mo lang pag ayaw mo’kong sumama, madali akong kausap.

Don-Don: Eto naman, binibiro lang kita eh. Ang lungkot lungkot mo kasi. Ano bang problema mo, ha?

Problema ko? Madami. Sa sobrang dami, hindi na ako makapag-isip ng ayos. Yun ang gusto kong sabihin kay Don-Don pero di ko na ito sinabi pa kasi bakas sa mukha niya na sobrang saya niya ngayong gabi.

KC: Wala! Alisin mo nga ang kamay mo. Ang bigat bigat!

Don-Don: Oh, bakit ka namumula? Kinikilig ka sa akin noh? Aminin.

Patawa niyang sinabi sabay pagkilita niya sa gilid ko.

KC: Ano ba! Ang kulit mo! Sabing tama na eh!

Don-Don: Di ako titigil dito! Sabihin mo na kasi na crush mo’ko!

Aba, ang kapal ng mukha nitong mokong na ito ah. Sasampalin ko na sana siya nang Makita ko si Mitch na nakatulala sa aming dalawa. Napatigil ako.

Parang galit na nagseselos ang kaibigan ko.

Nakakainis naman kasi si Don-Don.

KC: Tigilan mo nga ako, Daniel!

Tumigil nga siya dahil ramdam niya sa boses ko na seryoso na ako. Ayokong saktan si Mitch lalo’t na gagraduate na kami.

“Mitch!” sigaw ko sa kanya nang nakita kong lumabas siya ng bahay. Sinundan ko si Mitch habang papalabas siya ng gate. Saan naman ito pupunta?

“Mitch! Usap tayo!” patuloy kong pagsigaw sa kanya. Buti nalang at nahawakan ko ang braso niya ngunit nabigla ako sa ginawa nito.

“Putang-ina naman oh! Bakit sa dinami-dami pa, ikaw ang pinili niya!” Tuloy ang pagluha ni Mitch sa harapan ko. Hindi ko tuloy maintindihan ang gagawin ko.

Mitch: KC, alam mo naman na may nararamdaman pa ako kay Daniel at alam nating lahat na… Na wala akong katiting na pag-asa kasi…. Kasi… gusto ka niya.

Hindi. Hindi ito maari. Hindi ako naguguluhan dahil sa pagsabi sakin ni Mitch na may gusto sakin si Don-Don, naguguluhan ako na baka ito ang maaring ikasira ng pagkakaibigan naming dalawa.

KC: Mitch, hindi yan totoo. May girlfriend na si Don-Don, di ba? Ikaw pa nga ang nagsabi. Inaasar lang ako nun kanina.

Mitch: Hindi! Siya mismo ang nagsabi sa akin na gusto ka niya!

Walang tigil sa kaluluha si Mitch.

Mitch: Break na sila ng girlfriend nila months ago at iyon ay dahil sayo.

KC: Sa akin? Bakit? Hindi kita maintin-

Mitch: Mahal ka niya, KC! Hindi mo ba yun ramdam? At eto lang naman akong nagpapakatanga para di masira ang pagkakaibigan namin sa isa’t-isa.

Naramdaman ko na basa na pala ang mukha ko sa luhang di ko inakalang lalabas. Sana hindi nalang ako pumunta dito. Sana hindi ko nalang pinansin si Daniel. Sana…Sana hindi nalang sa akin nagkagusto si Daniel.

“I’m sorry but I need to be alone.”

Lumipas ang ilang araw nang hindi ko nakasama o nakausap man lang si Mitch. Minsan, lalapit siya sa akin at may iaabot pero hanggang dun nalang yun.

Mitch, I’m so sorry.

Buong araw kong iniisip sa sarili ko na wala na talaga kaming patutunguhan ni Mitch. Siguro, it’s for the best din kasi maghihiwalay na rin kami pagkatapos ng lahat. Pag may inasikaso na kaming mas importante, makakalimutan na naming ang samahang binuo naming sa higit na maraming taon.

Ayaw ko man umattend ng field trip bukas, kailangan ko ito para maka-graduate tulad ng pangako ko kay Mitch dati. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon