THE REAL EPILOGUE ( Second to the Last )

6 2 3
                                    

Her Point of View

"HAHAHAHA. Ang kulit mo talaga Chie." sabi ko tumatawa na naman. Paano ba naman ayaw magpatalo?

"Hindi naman, medyo lang." tugon niya sa sinabi ko.

Hayy buti nalang may alam pang isang way si Archie at nagpapasalamat ako dun.

"Sige Dave pahinga ka na." malambing niyang sabi.

"Okiiiiieeeeeee." masaya kong sabi sa kanya. Kaya ayun nagpahinga na ako.

9 hours ago...

Nagising ako...

"Gising ka na pala Ms. Davyne. Gusto lang naming ibalita sa'yo na may Eye Donor ka na." masayang sabi sa'kin ng Doctor.

"Anak, makakakita ka na ulit." masayang sabi ni mama.

Oo nga pala, alam na nila Papa at Mama. Napapunta nga sila ng wala sa oras nung nalaman nila yung nangyari sa'kin. Aw! Na-touch naman ako sa kanila.

Yiiiiieeeee~ Kinikilig na naman ako. Excited na ako. Kelan kaya yung operasyon? At sino naman kaya yung Eye Donor ko?

"Kelan po yung Operasyon ko?" agad kong tanong sa kanila.

"Pwede na ngayon. Ready ka na ba Ms. Davyne?" natatawa na si Doc sa'kin.

"Oo naman po Doc." masaya at makulit kong sabi sa kanya.

"Mr. and Mrs. Dela Cruz mamaya na po yung Operation kaya kailangan niyo na po i-settle ang lahat-lahat." seryoso ng sabi ni Doc.

"Okay po." sabi ni Papa.

"Narinig mo ba yun anak?" masayang tanong ni Mama.

"Oo naman po Ma. Kaya nga po excited na ako." sabi ko kay Mama. Kasi masaya naman talaga ako e.

OPERATION...

Done!

Naging SUCCESSFUL yung Operation. At ngayon nakakakita na ulit ako.

May nakita akong yellow paper.

Binuksan at binasa.

Dear Davyne,

Pagbasa ko pa lang nun ay bigla na akong naiyak.

Unang-una sa lahat gusto kong sabihin sa'yo na mahal na mahal kita. Pangalawa ay maraming salamat sayo kasi pinasaya mo ako. Pangatlo nang dahil sa'yo e nakumpleto ako. Pang-apat alam ko sa mga oras na ito ay nabalik na ang iyong paningin, masaya akong malaman yun. Patawad sa nagawa ko. Pang-huli ingatan mo 'tong mata ko ha? Huwag mo hayaang magkasalamin. Joke lang! Ikaw na ang bahala. Huwag na huwag ka ding iiyak. Yung mga mata ko ang magsisilbing direksyon sa buhay mo. Huwag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo at hindi na kita hahayaang masaktan ng iba kasi yung mata ko na yung pipili ng tamang tao para sa'yo. Okay ba 'yun? Sana maging masaya ka. I LOVE YOU DAVYNE DELA CRUZ. :*

Love,

Archie

Bakit mo 'to ginawa? Mas lalo ako nitong hindi magiging masaya. Pagkatapos kong basahin yung sulat niya ay umiyak lang ako ng umiyak. Iniwan na ako ng kaisa-isang lalaki na mahal na mahal ko talaga. Ang unfair ng buhay.

--------------------------------------------------------

Minsan hindi lahat ng bagay pantay pantay kaya nga minsan nasasabi ang mga katagang " Life is UNFAIR " db? Kasi na sa mundo tayo ng walang katiyakan kung ano yung mga pwedeng mangyari sa'tin sa mga susunod na araw kaya nga din nauso yung " Expect the Unexpected " e. But remember that in every challenges, struggles, difficulties and problems in life ay we have One God na nandyan ready at handa tayong tulungan. ^________________^

Read.Read.Vote^^

©CrenCei2

Creating Memories to Cherish 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon