First encounter

30 2 0
  • Dedicated kay Aira Hinunangan
                                    

Hays pasukan na naman. Bye bakasyon hello baon! Dadami na naman ang gagawin ko at magiging busy na naman ako. Madaming kaibigan, homeworks,

projects at crushes. Eh basta gusto ko crush lang muna. Tinatamad na din kasi ako mag boyfriend eh istorbo lang. I have many ex's, may mga sineryoso

ako at tumagal naman din pero nawala naman na sila ngayon. Wala talagang permanente sa mundo. Halos lahat ng ex ko puro laro lang. Kaya sanay na

din ako sa lokohan.

Ang dami kong kwento di nyo pa pala ako kilala ako nga pala si Aria K. Santos definitely maganda, mabait minsan, maldita lagi, patay gutom, matalino

minsan, at nag iisang dyosa sa balat ng saging pero syempre joke lang.

Speaking of pasukan hays yung bestfriend kong lukaluka nung elementary ay makakasama ko ulit. Nung grade 7 siya ay sa public siya then nung

grade 8 sa private siya malapit lang sa kanila at ngayon gusto nya daw akong makasama kaya dito siya sa school ko kasama ako. Tsk paano

nalang ako? Di na ako makakaen ng maayos dahil buraot siya, di na matatahimik ang buhay ko dahil sa kanya, mababasag yung eardrums ko kakakanta nya, magulo siya, tarantado, lukaret,

baliw, baka mapasama ako dahil sa kanya naku naman ang inaalagaan kong image ay sisiraan lang ng walang kwenta kong aroganteng, basagulera,

maldita, panget, burara na bes-

"PATEEEEEEEED ^________^V" speaking of the devil. Bungad nya palang yan saken pamatay na

"Oh?" Walang gana kong sagot. Dahil sa kanya di ko na tuloy yung pag iisip sa kinabukasan ko. hays

"Di mo ba ko namiss gaga?" naka pout nyang sabi.

"Namiss naman kahit papano pero ngayon? Hinihiling ko nalang na di ka dumating hahahahahahhaha" tawa ko ng malakas

"Oh alam ko namang maganda talaga ako" sagot nya out of no where!

"Letche!"

At pagkatapos ng mahaba naming bangayan ay pumasok na kami sa West Ridge High.

Private siya pero di naman tulad ng mga sobrang sosyalin na schools na exclusive for rich kid only. Dito basta afford ang tuition go push enroll na

pero kung di mo afford well wag ka na lang magbalak. Halo-halo na din kase dito pero di naman masyadong dugyot ang skwelahan na to. Pagpasok,

As usual pinag titinginan na naman kami ng mga studyante dito. For real? Ngayon lang ba sila nakakita ng magaganda? Tss

Nagpatuloy lang kami ng paglalakad hanggang sa marating namin ang room namin ang room ng Grade 10 students.

Pagpasok namin nagtinginan lahat ng kaklase ko especially yung mga old students na nakakakilala sakin, nagtataka siguro sila kung bakit may

kasama akong halimaw yung bestfriend ko. Kaya ayun nag sitanungan na nga ang mga tsismoso't tsismosa.

"Aria sino yang kasama mo?"

"New student yan ah? Sino sya?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Days Inlove with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon