Mahal Kita

11 1 2
                                    


This is because I was inspired with the song, I did it with You by Lady Antebellum. 

------

"Mahal kita, Kyla."

Palagi mong sinasabi sa akin 'yan. Araw-araw, minu-minuto. Minsan nga, tinatawagan mo pa ako kahit madaling araw na para lang sabihin sa'kin 'yan. Masaya tayo noon, eh. Pinasaya mo ako kahit lang sa dalawang salitang 'yan.

We were contented back then. Naisip ko na nga na ikaw na 'yong lalaking pinangarap ko, na sa wakas, dumating na rin ang lalaking makakasama ko sa aking pagtanda. Sa dinami-dami pa naman ng babaeng nagkakagusto sa'yo, ako pa 'yong pinili mo.

Salamat.

Salamat dahil ako 'yong babaeng minahal mo ng ganito.

Naaalala mo pa ba?

Hindi ako makapaniwala nung unang beses mo akong kinausap. First day of the second semester. Nanghiram ka ng ballpen kasi naiwan mo 'yong sa iyo. Sinupladahan pa nga kita nun, eh, pero nginitian mo lang ako. Pagkatapos ng araw na 'yon, palagi ka nang nakabuntot sa'kin. Araw-araw, walang palya. Kinakausap mo ako palagi kahit puro bulyaw lang ang inaabot mo sa'kin. Naisip ko nung una, baka pinaglalaruan mo lang ako. Maloko ka pa naman din at puro kalokohan lang ang nasa isipan. Napabilang ka kasi sa mga 'popular' sa school.

You were on the top of the food chain and I was—I was on the exact opposite. I was the ordinary girl.

The invisible, the nobody, pero sa kabila ng lahat ng 'yon, nahulog ako sa'yo.

I'm falling and I keep on falling at nung bumagsak ako?

I fell hard.

Alam mo ba kung ano ang nasa isip ko nung na-realized ko 'yan?

Nahuhulog ako sa'yo pero walang ikaw na sasalo sa'kin.

Bakit mo naman ako sasaluhin? Hindi mo naman ako gusto, di ba?

Naiinis nga ako sa'yo, eh. May mga oras kasi na sobrang lambing mo sa'kin. May mga araw na binibigyan mo ako ng mga sinyales na gusto mo rin ako, pero paano naman ako makakasiguro? Eh, ganun ka naman sa lahat ng mga babae, eh. Para sa'yo, isang babae lang rin ako. Walang espesyal sa'kin.

Gusto kong umasa. Gusto kong kumapit sa isang porsyentong posibilidad na gusto mo rin ako dahil sa mga pinapakita mo sa'kin, pero hindi talaga, eh.

Kaya wala akong planong magtapat. Hindi ko sasabihin sa'yo ang nararamdaman ko. Para saan pa, di ba? Alam ko namang walang patutunguhan 'tong nararamdaman ko para sa'yo.

Isang araw, nag-away tayo. Nakita mo ako na kausap si Finn, 'yong kaklase natin. Ewan ko nga, bigla ka na lang nagalit at hinablot ang kamay ko palabas ng room. Naisip ko, 'baka ito na 'yon, nagseselos ka na', pero alam kong nag-a-assume lang ako. Assumera ko talaga.

Bakit ka naman magseselos? Eh, hindi mo nga ako gusto, di ba?

"Ano ba, Miko?!" I shouted at you. Hila-hila mo pa rin ako.

Ang higpit na pagkakahawak mo sa kamay ko at nasaktan ako nun.

"Ano bang problema mo?!"

Bigla kang tumigil sa paglalakad at binitawan mo ang kamay ko. Tiningnan mo ako ng seryoso and all of a sudden you said, "Mahal kita."

Hindi ako makapaniwala. My eyes went big for a second and my breathing hitched. Nabigla ako nun. Naisip ko na naman na baka gino-good time mo lang ako. Doon ka naman magaling, eh. Ilang beses mo rin ginawa sa'kin 'yon.

The best damn thingWhere stories live. Discover now