Mahal rin Kita

5 0 0
                                    

Ano nga kaya ang pakiramdam na mabuhay sa mundo ng walang kinikimkim na kahit ano? Iyong wala kang tinatagong sakit, pagsisisi, panghihinayang, pagmamahal, galit o takot. Mas masaya nga siguro, mas malaya.

You would never have a second thought of doing what you wanted to do because not a single thought would ever hold you back from doing it in the first place.

Bata pa lang ako, alam ko nang bilang na lang ang araw ko sa mundo. People around me were treating me like a fragile snow globe that could be broken if not being carefully taken care of. Lahat sila pinaparamdam sa'kin kung gaano ko ka-kailanganin ang maayos na kalinga. Sabi nga nila, 'mangyari na ang pwedeng mangyari sa iba, 'wag lang 'yong sa'kin dahil hindi pa nila kaya'.

Masarap sa pakiramdam ang binibigay nila na atensyon pero kahit kailan, hindi ako naging masaya. Sino ba naman kasi ang magiging masaya, di ba? Hindi ko naman talaga kailangan iyon. It's just that I'm sick.

Yes, that boy felt so blessed dahil sa kabila ng pagiging weak and fragile niya, marami ang gustong mag-alaga at magmalasakit sa kanya.

But after a while, he realized that no one really cares. They were obligated to take care of him. They just felt responsible but they don't really care. His family, his relatives, all of them.

Except for one. Kyla.

Pangalan niya pa lang, napapangiti na ako. Maramdaman ko lang ang presensya niya, nawawala na ang sakit na dinadala ko. Ngitian niya lang ako, natutunaw na parang bula ang takot na nasa puso ko.

Mahal na mahal kita, Ky.

Siguro minsan, naririndi ka na sa kasasabi ko na mahal kita, pero Ky, mahal na mahal talaga kita.

Noon pa man, minahal na kita.

Naalala ko lahat. Mula nong nagkatabi tayo sa opening ceremony ng second semester at kailangan nating fill-up-an ang papel na nasa mesa. You were so serious writing the paper and I had wanted to get your attention, kaya nagpanggap akong walang maipansulat. You looked irritated and your actions didn't even deny that. You practically yelled at me. Nakakatawa nga, eh.

Ang cute mo kasing magalit.

You looked so adorable. How I remained calm on that day, I would never know.

Did I mention this to you before?

I lied. May ballpen ako that time. It was the first day of school, for Pete's sake! Gusto ko lang talagang gumawa ng excuse para makausap ka. Gusto ko lang na mapansin mo 'ko. Gusto ko lang kunin ang atensyon mo.

I know it wasn't the best idea and it was definitely wrong, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin 'yon. I realized from that moment na gusto na kita.

Gustong-gusto na kita.

Paano nga pala magkagusto sa taong alam mong hindi mapapasaiyo?

"Anong ginagawa mo?" Tiningnan mo ako ng nakataas ang kilay. Nakatayo na naman kasi ako sa harapan ng mesa mo na kinakainan mo ng lunch sa cafeteria.

Nginitian lang kita. Nilagay ko sa mesa ang dalawang tray na puno ng pagkain and you sighed in defeat.

I know you were irritated. You were exasperated, but Kyla you were not mad. You were fond of me.

Nasanay ka na sa presensya ko. Sa ilang araw na pagpapansin at pagbubuntot ko sa'yo, alam kong nasanay ka na.

"I remembered telling you I'll eat lunch with you." Umupo ako sa katapat na upuan at nginitian kita.

"But I don't remember saying yes." You said, rolling your eyes. I chuckled.

"I know."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The best damn thingWhere stories live. Discover now