Virginity

9.6K 65 9
                                    

VIRGINITY

Maselan pag-usapan pero i-try nating bigyan ng kalinawan.

Sa panahon ngayon, sinong magkasintahan ang virgin pa? Kung meron man malamang na nasa isang porsyento lamang ang kanilang bilang. Mga kaibigan, itanggi nyo man o hindi pero kelangan natin tanggapin ang katotohanan na talamak na ang pre-marital sex sa lipunan. Para bang isang normal na sitwasyon na lang ito sa magkasintahan lalo kung nagmamahalan.

May mga lalaki na medyo frustrated pag nalamang hindi na virgin ang kanyang girlfriend. Bakit kaya? Kelangan ba talaga mafrustrate? Isa lang ang nakikita kong dahilan. Kasi sa isip nila "Sayang! hindi ako ung nakauna". Pero bago ka mag-isip ng ganyan tanungin mo nga sarili mo, virgin ka pa ba? Kung virgin ka pa at ung babae hindi pa o sige maiintindihan kita kung mafufrustrate ka. Pero pano kung hindi na? Aba wag ka magreklamo sa partner mo dahil patas lang kayo. Sa mga babeng iniiyakan ung virginity nila kasi binigay nila pero niloko sila ng guy, isa lang masasabi ko. Pwede naman magpigil eh, ayaw nyo lang, ginusto nyo din. Pero to be fair, sa mga lalakeng virginity lang ang habol sa babae.

MGA HINAYUPAK KAYO!!! MAPUTULAN SANA KAYO NG KINABUKASAN!!!

A girl should be treated as a fine treasure na dapat pag-ingatan at hindi bilang isang sex object ng mga kalalakihan. Reminder: Hindi sex toy ang mga kababaihan. Minsan natanong ako, "Ano daw ang gagawin ko kung hindi na virgin ang magiging girlfriend ko?" Eto ang sagot ko, sagot na sasabihin ko kung sakaling tanungin ako ng magiging gf tungkol jan. "Hindi na importante kung kanino ka nauna, ang importante kung kanino ka magtatapos ng panghabangbuhay." Alam ko madaming aalma sa nakasaad dito pero sana unawain nyo na limitado lang din ang kaalaman ko bilang tao kaya kung may suhestiyon kayo, malaya kayong magkomento.

Kayo? Anong masasabi nio tungkol sa VIRGINITY.

Comments? Violent reactions? Feel free to write down all your concerns in the comment box below. Thank you!

ALL RIGHTS RESERVED 2015 © Otepography

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pilipinas! Game ka na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon