Bakasyon na, pero wala pa rin akong balita kay Mia. Hindi ko rin alam pero si Mama, wala ding nababanggit sakin tungkol kay Mia.
"Anak may bisita ka"
Teka sino ba bisita ko? Hindi naman ata si Mia kasi ang sabi ni Mama Bisita hindi Bestfriend.
Bumaba naman ako. Hindi ko inaasahan ang bisita kong to. Si Ethan.
"Anong ginagawa mo dito?" Cold kong tanong sa kanya. Gustuhin ko mang bastusin siya. Kaso nandito si Mama.
"Pwede ba tayong mag usap?"
"Nag uusap na tayo" Hindi ko na mapigilan. Galit talaga ako.
"I mean serylsong usap"
Tumingin ako kay Mama. Tumango siya.
"Sige na anak, nagpaalam na siya kanina"
Inaasahan ko na di niya ko papayagan pero malakas ata talaga to si Ethan sa Mama ko.
"Tara na" Tutal okay naman ang soot ko, pwede na to.
"Gusto ko lang magpaliwanag" Pag umpisa niya sa USAP daw namin.
Nandito kami ngayon sa Park.
"Naaalala ko itong lugar na to, dito tayo unang nagkakilala, Ikaw, Ako at si Mia." Weh? ang tanda ko unang nagkita kami nung birthday ni Mia.
"Nakalimutan mo nga agad ako." Tapos tumawa siya ng mahina."Ilang beses akong bumalik dito, nagbabakasakali na makita ko ulit kayong dalawa, pero ang totoo ikaw lang naman ang gusto kong makita" Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatitig sa akin.
"Ang kaso hindi ka naman madalas dito, si Mia ang lagi kong nakikitang nakaupo mag isa na parang may hinihintay. Kaya sa kanya ako mas napalapit, Inalam ko din sa kanya ang bahay niyo, at masayang masaya ako ng makita kita minsan sa labas ng bahay niyo. Kilala na ako ng Mama mo noon pa, pero ang Papa mo pinagbawalan niya ako na magpunta, mga bata pa raw tayo kaya naman hindi na ako bumalik pa sa inyo." Nagpause siya tapos bahagyang ngumiti. Patuloy pa rin ako sa pakikinig.
"Si Mia ang nakikita ko palagi dito. Kaya noong first year na tayo niligawan ko siya. Naging kami at sobrang saya ko noon, Hiniling niya rin na wag na naming ipaalam sayo ang relasyon namin. Hindi ko alam kung bakit." Naalala ko noon na may usapan kami ni Mia na bawal pang magboyfriend kapag first year pa lang. Kaya siguro hindi niya pinaalam.
"Masaya kami palagi at dito din kami laging nagkikita. Hindi nga lang sa school kasi baka nga makita mo at yun din ang oras para sainyong magbestfriend."
"Bakit kayo naghiwalay?" hindi ko napigilang itanong. Ewan ko lang bakit nakikinig pa rin ako sa kanya.
"Hindi ko rin alam ang dahilan niya, bigla na lang siyang nakipaghiwalay sakin. Ang sabi niya masyado pa raw kaming bata. Nasaktan ako pero palagi pa rin akong sumusunod sa kanya hindi nga lang sa loob ng school, alam kong ayaw na ayaw niya noon" Kita kong nasaktan nga siya.
"Pero hindi ko inaasahan na naging magkaibigan ulit kami, ewan ko ba bigla niya na lang ako kinausap na parang magkaibigan kami, kaya ayun friends na kami. Nung birthday niya nga nagkakilala ulit tayo. Hindi kita masyadong namukhaan pero nung sinabi niya ang pangalan mo naalala na kita, ikaw nga yung bestfriend niya."
"Palagi ka niyang kinikwento sakin kaya naisip ko na ligawan kita para makita ko kung magseselos ba siya. Mahal na mahal ko siya kaya pati friendship niyo nagulo." Nakakunot na ngayon ang noo ko. Naalala ko na naman ang kawalang hiyaan na ginawa niya.
"At first, Oo lahat lang kasinungalingan pero habang tumatagal na bumabalik yung nararamdaman ko sayo nung una kitang nakita." Nakikinig pa rin ako sa mga pinagsasabi niya.