Introduction of the game.
This game is based on you life limit.
Sa panahong ito, lahat ng tao na ipinapanganak ay naguumpisang i-train ng kanilang mga magulang para sa isang laro. Laro na makakapagpabago ng kanilang buhay. Ang pagsasanay na kanilang ginagawa ay hindi naka-focus sa physical aspects kundi sa emotional. Para lang itong pagpasok sa paaralan ngunit pagkatapos ng graduation ay sasabak sila sa isang labanan. Labanan kung saan masusukat ang kanilang buhay.
Kapag sumapit na sa ika-15 nilang edad ay maaari silang ipadala ng kanilang mga magulang sa Liferia. Lahat ng tao dito ay may kanya-kanyang misyon. Pero kadalasan ay optional lang ang mga ito, isa lang ang paraan para makalabas dito, makahanap ng lifetime partner.
Ang lugar na ito ay parang Earth lang din. Pero meron silang portals na maaari kang magpalipat-lipat ng lugar sa madaling panahon. May pagkain at mga bahay. Pero nangangailangan ng pera, walang trabaho dito, ang kailangan mo lang gawin ay pumatay. It's either creeps or kapwa tao. Kung mabait ka, ang creeps ang papatayin mo, pero may goodside naman ang pagpatay ng tao. Madadagdagan ng 1 year ang buhay mo sa Real world. Don't worry, hindi ka mamamatay, magre-resurrect ka. Kapag na-kill ka ay mababawasan ng 1 year ang life mo sa real world, parang palitan lang kung sinong naka-kill sayo.
Marami pang nakaabang na quests para sayo sa Liferia, inexplain ko lang yung mga nangyayari sa Liferia at differences nila in real life. (Earth)
Next chapter na ang ating bida. :)