Nagsimulang magtrabaho si Mark pagkaraan ng tatlong linggo. Ang unang linggo ay ang classroom training kasama ang ibang mga empleyado. Inilagay siya ng kompanya sa isang local hotel gayunpaman ay hindi na siya babiyahe ng dalawang oras papunta at pabalik araw-araw.Ilang gabi pagkatapos ng klase ay nakikipagkita siya kay Joyce sa kaniyang opisina para I discuss ang kanyang prospects, kanyang work plans at goals at ang na-imap out na kanilang bagong teritoryo.
Sabi ni Joyce na susubukan niyang i-arrange at maki ride-along sa kaniya at least isang beses sa ilang linggo para tulungan siyang makabuo ng magandang simula.
Dalawang beses na nasa opisina sila hanggang ala siyete ng gabi. Noong Miyerkules ng gabi ay lumabas sila para kumain at nagusap tungkol sa buisness at alas otso pasado na noong hinatid siya ni Joyce pauwi. Napagtanto niyang magtatrabaho siya para sa isang workaholic. Napansin niya rin na maaga pumapasok si Joyce ngunit late na umuwi.
"Mahaba-habang oras ka talagang nagtatrabaho noh Joyce?" Biglaang tanong ni Mark.
"Oo, siguro nga," sabi niya, "Pero mahal ko 'tong ginagawa ko. Malaki na yung anak kong babae at nagtanan na, yung asawa ko namang si Justin ay isang airline pilot. Lumilipad siya galing sa U.S papunta sa far east...Tokyo at Hongkong... at pabalik kada linggo. Wala siya mula linggo hanggang huwebes. Kaya madalas akong magtrabaho during the week, at umuwi sa malaki, at walang buhay na bahay.
'Hmm', napaisip si Mark, kung nakukuntento ba si Joyce sa buhay niya.
Noong Biyernes, ang huling araw ng training, sabi ni Joyce kay Mark na lalabas siya sa opisina at babiyahe kasama siya hanggang Miyerkules. Nakiusap din siya na mag set up ng isang buong araw na may 4 o 5 confirmed appointments at tatawagan din nila ang ibang clients. Isasarado nila ang ibang sales.
================================
Nag-set na si Mark ng 5 appointments. Naging 0 for 2 sila nung umaga pero nagsarado sila ng 2 out of 3 noong hapon, at nagawang mag set up ng ilan pang appointments para sa mga susunod na araw.
Hinayaan ni Mark na si Joyce ang gumawa at siya ang tagasunod. Agad silang nakabuo ng chemistry sa isa't isa. Na enjoy ng mga prospects ang kanilang performaces.
Nagsimulang masanay si Mark sa kaniyang trabaho at mas gumagaling ng mag isa, pero sa bawat oras na sasabay si Joyce sa kaniya ay isa lamang produktibong araw. Maliban kung nag cancel ang appoinments sa kanila, palagi silang nakakapag close ng isa o dalawa at nakakakilala ng mga magagaling na future prospects.
Maagang dadating si Joyce at magsusunog sila ng kilay buong umaga, at pagkatapos ay ililibre siya ni Joyce ng pananghalian, at magsusunog uli sila ng kilay buong hapon. At bago pa sila maghiwalay pagtapos ng araw, ay kukunin ni Joyce ang kaniyang "datebook" at i-schedule ang kanilang susuond na ride-along.
Bawat araw na nakalipas habang magkasama sila ay 7-9 na oras at kalahati, sa kotse, magkatabi sila habang nasa harap ng isang client, at sa lamesang kinakainan for luch. Naging komportable sila sa isa't isa, ang kanilang pagpipigil ay bumaba. Magkasama silang tumawa, paminsan- minsang hawak sa isa't isa habang naguusap, at sabay nagbahagi ng mga personal ng bagay sa isa't isa.
"May itatanong ako sayo," sabi ni Joyce isang beses habang kumakain sila.
"Sige," sagot ni Mark. "Ano yun?"
"Medyo may accent ka. Ang unique pakinggan. Tiga san ka?"
Ngumiti si Mark at sumandal sa kanyang upuan. "Pinaganak ako sa Batangas at tumira don hanggang maging 12 years old ako. Tapos gusto ng mama ko na pag aralin ako dito sa Maynila kaya lumipat kami dito. Pero nag pa iwan ang papa ko sa Batangas."
"Ahh, kaya pala. Pano nagtagpo magulang mo?"
"HAHAHA nuks naman nagtagpo. Pero kapampangan kasi si mama, Matangakad na babae. Senior siya sa college, tapos nun nung Christmas Break nila eh nagbakasyon siya papuntang Batangas para mag snorkeling trip, at don sila nagkita ni papa. Isa siyang Captain ng barko. Umuwi siya at nagtapos ng pagaaral habang nasa tiyan niya ako. Pagkatapos niyang grumaduate ay bumalik siya kay papa. Magkasama na sila since, hanggang sa dinala niya ako dito noong twelve ako. Nagmakaawa si mama na sumama sa amin si papa pero walang interes si papa. Nandoon parin siya, namamarko parin. Naguusap parin naman kami at binibisita ko parin siya paminsan minsan; palagi niya parin akong pinipilit na bumalik sa Batangas at gumawa ng buisness kasama siya. Siguro nga papayag ako someday."
"Parang karakter nung isang Hemingway novel ung papa mo." Sambit ni Joyce.
"Ang pangalan niya ay Alonso. Isa siyang descendant ng Caquetio Indians at ng Dutch. Mahal niya kung saan siya nakatira at ang ginagawa niya." Dagdag pa ni Joyce.
"Sa tingin ko, iyon siguro ang sekreto ng kasiyahan," sabi ni Joyce. " Sino, Ano at Saan. Mukhang may dalawa sa tatlo ang papa mo."
"Ha?" Tanong ni Mark.
"Sino, Ano, Saan," sabi niya. "Kung sino ang kasama mo, Anong ginagawa mo at Saan mo ginagawa iyon. Kung kasama mo ang taong nararapat sayo, ginagawa mo ang gusto mo at tumira kung saan mo gusto, iyon ang totoong kasiyahan. Kung meron kang dalawa sa tatlong yon, edi magiging masaya ka parin. Kung isa lang, then I don't think so." Sagot ni Joyce.
"Hmm," sabi ni Mark. "Di ko naisip yon ah. Talino mo talaga."
"Ikaw ba Mark? Ilan ang meron sayo sa tatlong 'yon?" Tanong ni Joyce at kinindatan ng bahagya si Mark.
"Two out of three. Meron akong nung Ano at Nandito ako kung saan ko gusto."
"Walang Sino?" Tanong niya.
"Nah, wala pa sa ngayon, masyado pa akong busy sa bago kong trabaho at sa lahat." Sagot ni Mark. "Yung last ko natapos kami months ago lang. So sa ngayon eh Who-less muna ako."
Natawa si Joyce at binayaran na ang Lunch Tab. Sinimulan ulit nilang magtrabaho at nakabenta sila ng bagong account. Pagkatapos ng araw ay pinanood na lamang ni Mark si Joyce na mag drive palayo at di niya mapigilang isipin ang kindat niyang iyon. Napaisip siya kung sino nga ba ang Sino at agad na binura ito sa kanyang isipan.