MAMA MAYANG and The Amnesia Boy

2.3K 73 0
                                    

Maymay' POV

Ako si Marydale Entrata isang simpleng babae na nangangarap at lumalaban sa buhay para sa sarili at sa mahal sa buhay.

4th year HRM(Hotel and Restaurant Mangament) student na si maymay at kaunting kembot na lang graduation na.

Pinag-aaral niya ang sarili niya at bukod pa doon ay pinapakain pa niya ang kanyang mga mumunting mga ampon sa kanyang tahanan.

3 na ang kanyang mga ampon.

3 years ago...
Si Dina na 12 years old na kanyang kabitbahay noon sa Camiguin na naging biktima ng pambubugbog ng step dad nito at nagulat na lamang sya na naglayas at hinanap ang kanyang tinutuluyan dito sa Manila.

2 years ago naman..
Sina Kiko at Ana na napulot niya sa Edsa.
Nakuha ni Maymay silang dalawa noong 5 pa lang si kiko at 3 pa lang si ana na pagala-gala sa Edsa at napag-alaman niya na natokhang pareho ang kanilang mga magulang.
Ngayon ay 7 na si kiko at 5 na si Ana.

Madaling maawa si Maymay sa mga walang matuluyan at ulila.

Sya rin kasi mismo ay ulila na nang lubos. Magkasunod na pumanaw ang kanyang mga magulang 5 years ago...

Mabuti na lang at dumating sa buhay niya ang kanyang mga anghel kung hindi mag-isa na lamang syang maninirahan sa kanyang tahanan.

-------------------------------------------
Kiko: Mama Mayang! May lalaki sa loob ng gate natin at duguan!

Maymay: Ha? Halika sa loob kiko baka masamang tao yan! Sa loob lang kayo mga bata ako na ang bahala.

Kumuha sya ng walis at dahan dahang lumabas ng bahay nila sa may gate at nakatutok ang walis nya sa gwapong lalaking nakahandusay sa harap niya ngayon.

Maymay: hmmm muka namang hindi sya masamang tao.. Ang gwapo naman neto parang porener. (bulong niya s sarili)

Maymay: Sir.... You wake na its morning na already you understand me?

Sabay tapik niya sa muka ng maputing lalaking mahaba ang pilikmata at akala niya talaga ay foreigner..

Tulog na tulog ang lalaki at hindi parin natinag.

Maya maya..

Ahhhhhh!

Napasigaw ang lalake nang maramdamaan niya ang lamig ng tubig na ibinuhos sa kanya ng dalaga.

What did you do? Tanong ng lalake

Maymay: Sorry sir to interrupt your bedtime but its morning already and you need to wake up na po.

Nakapalibot na ang mga bata sa lalake at may daladalang sarisariling weapon kuno.. Yung isa may dalang trashcan yung isa pangsungkit ng sinampay at isa kaldero..

Asan ba ako? Sino ba kayo? Bakit ako nandito? Tanong niya at tila naguguluhan pa sa nakikita..

maymay: ha? Nagtatagalog ka pala pinahirpaan mo pa ako. Bakit ikaw ang nagtatanong dapat ako ang magtanong sa iyo niyan... Bakit ka nandito sa bahay namin? Ano ba ang pangalan mo?

Napahawak sya sa ulo niya dahil sa sakit ulo dahil sa hangover... at pansin niya na may dugo sa bandang ulo niya kaya pinunasan niya..
"Actually hindi ko na maalala"---

Dina: hala! Hindi nya maalala baka kagaya sa Teleserye mama mayang may amnesia na yan!

Maymay: OH MAY GOSH! Anong gagawin natin mga bata? Ibig sabihin hindi niya masasabi kung saan sya nakatira o anong pangalan niya sino ang pamilya niya tapos sa bandang huli makikita sya ng jowa niya at itatanggi niya na kilala niya ito, mag-aaway sila pero bandang huli maaalala din niya tapos magkakabati na sila at magpapakasal.. Huhuhu grabe pala nangyari sayo kuya! Sana gumaling ka agad yang amnesia mo!

(Amnesia what? Hindi ko lang maalala yung nangyari kagabi)

SOMEONE LIKE YOU (completed) MAYWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon