Odelle's POV
"Ma!!!!! Ma!!!!" Sigaw ko sa harapan ng banyo nagbaba-kasakaling naroon sya loob sa nito?
Pero nang wala akong narinig na sumagot kaya walang ano ano'y malakas kong binuksan ang pintuan nito...
"Ma- *WHAAAAAA!!!!" Sigaw ko, habang nakatitig sa lalaking kaharap ko ngayon..
Agad naman nyang tinakpan ang bibig ko kaya natahimik narin ako, napatingin ako sa kamay nyang naka hawak sa mukha ko, patungo sa Maamo nyang mukha pababa sa hubo't hubad nyang katawan. Hanggang sa mapatingin ang mata ko sa pagitan ng kanyang mga hita, kaya napasigaw nanaman ako!
"*Whaaaaa!!!" Malakas ko muling sigaw, sa pagkakataong ito napansin nya ang dahilan kung bakit ako napasigaw at dahil yun sa kanyang pagkalalaki kaya imbis na ipantakip sa bunganga ko ay inilagay nya yung kamay nya dun sa Ano nya...
"Odelle!!! Ano ba yan!! Bat sigaw ka ng Sigaw!!!" Sigaw rin ni Mama, diba ang galing nanaway sya na nagsisigaw ako... Sya rin naman...
At narinig ko na ang mga hakbang nya na papalapit sa amin, ngunit hindi ko inaasahan na ganon sya kabilis makakarating... Kaya naabutan kami ni Mama na nakaganito...
"Ay sus ginoo!!!! Anak, bat yan pang batang yan yun hinahalay mo!! Mga kabataan talaga ngayon... *Tsk! Tsk!" Ang nasabi ni Mama dahil sa sobrang gulat...
*Shemay!! Sa hiya ko ay tumakbo nalang ako palabas ng Bahay namin... At naglakad nalang patungong school...
Ano ba naman yan... Nakakahiya talaga yung ginawa ko... Pero teka nga! Sino ba yung lalaking yun! At bakit dun sya sa bahay namin nakikiligo! Nang dahil tuloy sa kanya ay wala akong baon ngayon... Nakaka-inis...
Naglakad nalang ako, papuntang school... Mahaba habang lakaran to mga Ate!!
Pagkarating ko ng school ay parang gusto ko nalang uli umuwi sa bahay dahil sa amoy araw nako,
Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang mga pares ng matang mapanuri at ilang bulong-bulungan...
'Uy.. diba sya yung nasa Bulletein... Shocks! Napaka-panget naman pala nya..'
'Sya na yun!! Anlakas ng loob nyang landiin ang Baby Kiefer natin!! Kabago-bago lang nya dito!!'
'And Girl she looks poor... Ewww! Pano sya naka-pasok sa school nato? Tumatanggap na pala ng mga pulubi dito! Cheap!!'
Ayan ay ilan lamang sa mga narinig kong bulong-bulungan nila... Hindi ko nalang sana sila papansinin ng biglang may lumapit sa akin na mga 'CLOWN'? este mga babaeng may makapal na make-up pala...
"Hoy ikaw! Anlakas naman ng loob mong Landiin ang Kiefer namin!" Matigas na sabi ng babaeng mukhang clown na parang may atomic bomb sa ulo dahil sa sobrang sabog ng pagkaka-pony nya at habang naka-tirik pa pataas ang kanyang kilay.
Tumingin muna ako sa likod ko nag-babakasaling hindi ako ang kinakausap nila,"Ako ba ang kausap nyo?" Taka kong tanong sa kanila... Nakita ko naman na tila nairita sila sa sagot ko dahil napa-kunot ang kanilang noo,
"Bakit may iba pabang taong nasa likuran mo? Hindi naman kami duling no!" Sabi naman nung isa pang babaebg naka-pig tails naman na binagayan ang laki ng kanyang tiyan.
"*Ah... Pasensya na. Wala kasi akong alam sa mga sinasabi nyo kaya mawalang galang na mauuna nako mahuhuli na kasi ako sa klase ko e." Huli kong sabi bago ako maglakad ngunit nagulat nalang ako ng biglang hablutin nung babaeng stickman yung braso ko para iharap muli sa kanila
BINABASA MO ANG
My Letseng Ganster (Bekimon Series 1: Odelle Ocampo)
RomanceMasaya na sana ang bawat araw ni Odelle sa pinapasukang Paaralan kung dilang dahil sa asungot na laging ginu-gulo sya na nagngangalang Carl Pacheco ang dakilang Gangster sa Ludwig University. Pano kung sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay paglar...