May nakapagsabi sa akin na ibat iba daw ang timeline ng isang tao. Na normal lang ang nararamdaman mo inggit sa iba pero dapat hindi ka magpapaapekto o magpapatalo sa nararamdaman mo. Kasi darating din daw un oras mo na maabot mo na ang matagal mo nang inaantay.
Pero paano kung hindi mo maintay? Paano kung nawawalan ka na ng pag-asa? Paano isang araw magising ka na lang na tumigil ka na umasa maabot mo din ang gusto mo?
San ka aabutin ng inggit na nararamdaman mo? Hanggan san ang kaya mo itaya para sa pangarap mo?
Maniniwala ka pa rin ba na habang buhay ay pag-asa?