Pag-ibig na sa una ay kasinungalingan
Na sa una ay pampalipas oras lang
Na sa una ay isang kathang isip lamang
Na di mo alam na pupunta sa ganitong hantungan
Nagbago ang lahat ng unti - unti siyang natutunan
Natutunan na mahalin at alagaan
Alagaan ng buong puso at wala ng kasinungalingan
Kasinungalingan na humantong sa ganitong nararamdaman
Binibini sana wag mo ng pakawalan
Dahil di na alam ang gagawin pag ako pa'y iyong iwan
Iiwan sa ere at bigla na lang papakawalan
Papakawalan kung kailan nahulog na ng tuluyan