"Minsan akala mo naiwanan ka na.. yun pala may darating pang iba na mas kumportable at makakaupo ka pa"
Halos 10 hakbang na lang nasa pila na ako ng bustop ng 970, ang tanging bus na pwede ko sakyan diretso sa opisina. Di ko pa nararating ang pila may dumating pang isang bus 970 din pero di sya huminto kasi nakasakay na ang lahat ng pasahero sa naunang bus.
Inis ang una ko naramdaman, panghihinayang, tatayo pa ba ako sa bustop at mag aantay o itutuloy ko na ang lakad ko sa train station. Dahil sa ayaw ko mag-antay at di uso sa akin ang " Patience is a virtue". Nag decide ako mag tetrain na lang nga ako at ayaw ko magbakasakali at baka matagal pa dumating ang kasunod na bus. Di pa ako nakakalayo sa bus stop. Naaninag ko na may paparating na bus, since far sighted ako naaninag ko na 970 sya. Karipas ako ng takbo pabalik sa bus stop at sa kaswerithang palad bago pa dumating ang 970 bus nakapila na ako. Dahil sumakay na at nagsiksikan ang mga pasahero sa mga nauna na bus maluwag ang pangatlong bus na dumating para sa akin. Kumportable akong nakaupo hanggang sa opisina ng walang katabi. At dahil kaunti lang kami malamig ang aircon. At dahil kaunti lang ang nag aabang sa bustops na aming dinadaanan at kaunti lang din ang kailangan bumaba mabilis ang byahe ko papuntang opisina, naabutan pa nga namin ang mga naunang bus.
Ang love parang bus din na inaantay. Di mo alam kung ang nahanap mo na ba ang the best or meron pang kasunod na mas higit pa sa nahanap mo na. Minsan sa takot natin mainwanan na ng byahe nag sesettle na lang tayo sa kung sino ng andyan, kung sino ng pwede at natatakot tayo na baka wala ng sumunod pa kung meron man baka matagal pa. Minsan naman habang nag aantay tayo naiinip na tayo at nagdedesisyon na lumakad ng palayo dahil sa napagod na tayo sa kakaantay.
May panahon sa king buhay na nag settle na lang ako sa kung sino na ang andyan, di na ako nag antay ng mas higit pa dahil sa takot kong maging miyembro ng NBSB ( No boyfriend since birth) ayun maling tao ang minahal ko masabi lang na may jowa ako. Ayaw ko din maging miyembro ng SMC (Samahan ng malalamig ang Christmas) ayun minadali ko pumasok sa isang relasyon na walang pundasyon. Sa sobrang takot ko na di maging "in" pinilit ko magkajowa. And ending "nganga" dahil madalas akong naiiwang mag-isa. May relasyon akong pinasok na madami akong kaagaw, meron naman you and me against the world ang peg, meron pa ngang di ko alam ano ba status ko sa buhay nya kasi sya din di nya malamang alam ang tunay na status nya. Kung siguro naging mas mapasensya lang ako at tumingin tingin pa sa paligid ko baka sakaling di ako nagkamali ng pili sa mga lalaking minahal ko at baka sakaling narating ko din ang destinasyon ko ng kumportable at nakaupo kagaya ng nangyari sa akin knina sa bus ngayong umaga.
Hindi bale leksyon na lang yun sa akin para sa susunod ay alam ko na ang gagawin marahil kailangan ko pang umalis ng mas maaga sa bahay papasok para maski matagal pa ang kasunod na bus ay pwede pa akong maghintay at di ako matakot na late na ako. O di kaya naman pwede naman akong magtrain atleast yun moving kahit na pasalin salin. Ganun din ang gagawin ko sa buhay pag-ibig magiging mas mapasensya lang ako sa pag aantay dahil sigurado namang may darating pa ulit di ko alam kung kelan pero alam ko na darating din un kung matuto lang akong maghintay. o di kaya naman magdedate lang ako ng magdedate para malaman ko kung ano ba talagang klaseng lalaki ang gusto ko makasama habang buhay.
MALG/12:19PM10152014/mydesk/cyberport
BINABASA MO ANG
970
Short StoryMinsan akala mo naiwanan ka na.. Yun pala may darating pang iba na mas kumportable at makakaupo ka pa...