HMT 1

5 0 0
                                    

"I remember every sunseeEET!! I remember every word you saaAAID!!! We were never gonna say goodbye, singin' LA DA DA------"

"H-hoy Louisse! Halika dito bilis, ma-may sasabihin ako sa'yo!"

Feel na feel ni Louisse ang pagkanta ng biglang dumating si Kaye. Sayang, favorite na part niya pa naman yun. Medyo nagulat pa siya sa hingal na pagtawag sa kanya ng kaibigan habang tumatakbo ito sa corridor.

"Bakit? Ano ba 'yon at kung makatakbo ka wagas?"

Tumigil siya sandali sa paglalakad para maabutan siya ni Kaye. Sabay na nito ay ang pagtanggal niya sa earphone niya para makausap ito nang maayos.

"Si.. Si.. Si ano kasi..."

"Ano?"

"Baka kasi magalit ka kapag sinabi ko eh."

"Sasabihin mo na nga sakin di ba?"

"Ano ba 'yung sasabihin mo?"

"Si ano.. Dun sa may kabilang sectio-----"

"Ayusin mo nga!!! Nakakainis na."

Totoong naiinis na siya dito dahil masyado siyang binibitin nito.

"Eto na nga eh! Si Jensen, yung student sa kabilang section. Kilala mo 'yon di ba?"

"O-oo, eh ano naman?"

"Pinagkakalat kasi nung mga classmate niya na manliligaw daw siya sa'yo bukas."

Naisip niyang nabibingi na ata siya. Si Jensen? Manliligaw sa kanya? At take note, bukas pa. May schedule, hanep lang.

"Seryoso? umayos ka Kaye."

"Totoo nga! Ayaw pang maniwala eh, akala naman niloloko siya"

Sabi nito na hinaluan pa ng acting na pandrama ang sinabi.

"Anong liligawan? Close ba kami?" sarkastikong pagtatanong niya.

"Bakit? kailangan ba close kayo bago manligaw? Hello? Modern world na ateng! Hindi na uso 'yan."

"Heh!!"

Yan na lang ang tanging nasagot ni Louisse.

"Naku Louisse, this is the opportunity, grab it girl! Chance mo nang umalis sa club ng mga NBSB."

Sa totoo lang hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng nililigawan. Hindi siya excited. Hindi. Hindi talaga. Ang pakiramdam ni Louisse ngayon ay yung parang kinakabahan na najejebs. XD

HOLD ME TIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon