HMT 2

3 0 0
                                    

Hindi na nagdalawang isip si Jensen na habulin si Louisse. Kahit na medyo nakalayo na ito dahil sa bilis nitong tumakbo. Dinaig pa ng itsura ni Louisse yung mga bida sa horror movie na nakakita ng multo.

'Kabayo ba 'tong babae na 'to, ba't ang bilis tumakbo?

Saglit na nilingon ni Louisse ang likuran niya dahil alam niyang nabitawan niya 'yung bag niya. Lalo siyang nabigla dahil nakita niya si Jensen na hinahabol siya at daladala ang bag niya. Mas lalo niya pang binilisan ang pagtakbo. 

Wala siyang pakialam kung hawak nito ang bag niya. Ipapakuha niya na lang 'yon sa mga kaklase niya. Ang ayaw niyang mangyari ay ang malapitan siya nito. Dahil tulad kanina, hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso niya nang makasalubong niya ito.

"Louisse wait!!"

Lalong binilisan ni Jensen ang paghabol dito, hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya na habulin si Louisse. Pupwede niya namang dalhin na lang ang bag nito sa room nito.

Halos isang metro na lang at maaabutan na niya ang babae, medyo nahihirapan pa siyang tumakbo dahil sa sobrang dulas ng sahig.

At speaking of the floor, masakit na rin ang binti ni Louisse sa kakatakbo. Alam niyang hindi siya pwedeng tumakbo ng matagal. Gusto na niyang huminto pero inaalalala niya pa rin ang humahabol sa kanyang si Jensen.

'Tumigil ka na please, huwag mo na kong sundan.'

Sabi ni Louisse sa kanyang isipan. Ngunit desidido talaga 'tong si Jensen na habulin siya.

Napalingon ulit siya rito, ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari ay bigla na lang siyang na-out of balance.

"AAAAAHHH!!!!!"

"LOUISSE!!"

Hindi na nakontrol ni Louisse ang katawan niya at tuluyan na itong napabagsak sa sahig. At alam niyang isa itong masamang bagsak.

Hindi na rin agad naging maagap si jensen upang makahinto agad dahil biglaan ang pagbagsak nito. kaya napatid siya at bumagsak. At hindi rin iyon bastang bagsak. Dahil bumagsak siya......

Sa katawan ni Louisse.. :">

"AWW!" lalong nasaktan si Louisse dahil sa naramdaman niyang mabigat na pumatong sa kanya.

"Oh sh----!" bahagyang napamura si Jensen dahil noon niya lang napagtanto kung saan siya dumapa.

Kasabay niyon ay ang pagkabigla ni Louisse. Hindi agad ito nakapagsalita dahil sa nakadagan sa kanya.

Matagal pa silang nagkatitigan . Walang naglakas na loob na umimik dahil awkward ang posisyon nila kung titignan.

HOLD ME TIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon