"Anak ng Kalikasan"
Ako si Fina isang babaeng makulit sa aking mga magulang. Nangungulit kasi ako sa kanila pag nag papakwento ako.
Ang mga magulang ko pala ay sina ina Zyra at ama Lawied."Anak" tugon ni ina kakapasok niya lang sa kwarto kasama si ama.
"Ina, ama" tugon ko na naka ngiti
At alam ko kung bakit sila nandito kwekwentohan nanaman nila ako. Na ngangako kasi sila na magkwekwento sila sakin ngayong araw tungkol sa anak ng kalikasan.
"Handa ka nabang malaman ang kwento ng anak ng kalikasan?" tanong ni ama na ikinatango ko
Nababasa ko sakanilang mga mata ang pag ka lungkot pero bakit sila nalulungkot.
"May problema po ba ina, ama?"
"ah. Wala anak sige na simulan mo na mag kwento mahal" tugon ni ama sabay ngiti at ramdam ko namang pilit iyon.
"Ang anak ng kalikasan ay anak ng isang lalaking tao at isang ingkanta na babae." pagsisimula ni ina
"Ang pagmamahalan ng isang tao at Ingakanta ay nagbunga ng isang sangol na anak na babae. Ang pagmamahalan na iyon ang nagdudulot kung bakit magiging isang anak ng kalikasan ang bata. Pinalayas ng haring kalikasan ang ingkanta sa kaharian nila na siyang taga pag pangalaga ng gubat."
"So saan po nag punta ang ingkantada?"
"Sa mundo ng mga tao. Sa mundo ng taong mahal niya"
"kasama po ba ang anak niya?" tanong ko
Tumango si mama at ngumiti ng mapait.
"kasama siya. Masaya at buo nga ang pamilya nila eh, pero hindi buo na pang hanggang dulo" tugon ni ina at tumulo na ang mga luha niya
"Po? Ina ano po ang nangyari bakit kayo umiiyak?" tanong ko
"Gusto mo malaman kung bakit umiiyak si ina?" tanong ni ina sakin
"opo. Ano po bang nangyari?"
"Kasi ang buong pamilya na yun ay magiging wasak na pamilya pag tutungtong na ang bata sa edad na 18. Isinumpa siya na taga pag ligtas ng kalikasan sa mundo. Siya ay anak ng kalikasan kaya pag 18 na siya di na siya pwedeng manatili sa mundo ng mga tao. Mapapalayo na siya sa kanyang pamilya, at doon na siya maninirahan sa mundo ng mga ingkanto kung saan doon siya mamumuno upang iligtas ang kalikasan ang mga gubat na ngayon ay sirang sira na."
Pagkatapos mag salita ni ina ay narinig ko na humikbi si ama.
Anong nangyayari?
"ina,ama bakit kayo umiiyak?"
"kasi 18th Birthday mo ngayon" sagot ni papa habang humihikbi parin
"birthday ko lang naman ah."
"kaya nga. Birthday mo at ito ang huling araw na makakasama ka namin dito sa mundo"
Natulala ako at agad naman akong nakabawi
"Anong ibig niyong sabihin?"
"Anak. Ikaw, ikaw ang anak ng kalikasan. Ikaw ang mag liligtas sa kalikasan na ngayon ay unti unti ng nasisira."
"proteksyonan mo ang kalikasan anak. Para sa mga tao at para samin, para sa'tin."
tugon ni ama sabay yakap sakin ng mahigpit at sumunod naman si ina
"Mahal na mahal ka namin anak. Tan daan mo yan"
"mamimiss ka namin ng ama mo"Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang mga yakap nila sakin, at dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata nang naramdaman kong bumitaw na sila sa pag yakap sakin.
At ganun nalang ang gulat ko na wala sila sa harapan ko.
"Bakit sila na wala?" tanong ko mag isa
Asan sila? Hindi ba ako ang dapat ma wala.
Dali dali kung inapak ang mga paa ko sa sahig at tumakbo ako papuntang pinto ng kwarto at agad ko iyong binuksan.
At don ko natagpuan ang sarili ko na nananaginip na naman ako tungkol sa kalikasan. Panaginip lang pala ang lahat ng iyon.
Sa tuwing nanaginip kasi ako sa kanila ni ama at ina ay palagi nilang pinapaalala sakin ang kahalagahan ng kalikasan at kung paano ito pananatiliing alagaan.
Naalala ko na mahilig sila ama at ina ng mga tanim. At pati ako ay nag mana na rin sa kanila.
At ngayon ko lang na pansin na nasa Farm pala ako ngayon. At ang tangi kong na alala ay nagpapahinga lang ako sa kwarto na nandito sa farm ng mga magulang ko na ngayon ay ako na ang taga pag pamahala. Ang farm na ito ay puno ng mga saritsaring tanim. Mapabulaklak ka man o mapa puno.
At sa panaginip ko alam ko na kung ano ang pinapahiwatig nila ama at ina. At iyon ay ang alagaan ko ang mga tanim dito sa farm. Gamit ang magic na pagmamahal ko sa mga tanim. Dahil pag mahal mo ang pag aalaga ng mga tanim sasabayan nila ang pagmamahal mo lalaki sila ng maganda at matatag na yung hindi basta basta masisira nakung sino man.
Dahil ang kalikasan ay isang biyaya galing sa ating panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating ikinabubuhay. Kaya tayong mga tao dapat pinapahalagahan natin ang yaman ng ating kalikasan di yung sinisira natin ang mga ito.
"Happy Birthday" sigaw ng mga taong nasa likod ko kaya agad akong humarap sa kanila
"Happy 23rd Birthday ma'am" tugon ng mga empleyado ko na kasama ko sa pag aalaga ng farm.
"oh thank you" pagpapasalamat ko
"Maam blow the candles na po" tugon ng isa kung impleyado na maya hawak na cake at sabay lapit sakin
Inihipan ko na ang mga kanidila sa cake.
At ang tanging hiniling ko lang ay sana panatilihin nating mga tao ang pagbibigay importansya sa ating kalikasan.
Sabay sabay tayong kumilos mga anak ng kalikasan.
Sabay sabay tayong kumilos habang pwede pa nating isalba ang ating mundo.-THE END
A'N: hanggang dito lang ang Kwentong ito. Sana may napulot kayong aral.
-thank you for reading Angels
♡PrettyAngel
@lorenzbillon
YOU ARE READING
Anak ng Kalikasan
Short Story-SHORT STORY "Sabay sabay tayong kumilos mga anak ng kalikasan"