Enemy
Inirapan ko si Kuya Lucas na nagtatago sa gilid ng stall ng mga prutas. He is suppose to hide! He is suppose to be invisible in my sight!
"May napili ka na?" Nakangiting winagayway ni Camille ang napili niyang headband sa aking mukha. Umirap ako at tumawa naman siya. Gusto ko rin sana iyong katulad ng sa kanya. Pero ayaw kong parehas kami
"Anything will do, Cam. Wala na akong gana. Ikaw na lng ang pumili para sa akin."
"Oh? Okay..." Muli niyang binalik ang atensyon sa maliit na lamesa kung saan nakalatag ang iba't ibang hairpin at headband. This is suppose to be a happy day! Ilang araw kong kinausap si Daddy para lang payagan ako na gumala sa araw ng fiesta pero ngayon na nandito na ako ay hindi ko man lang kayang mag enjoy. Nababad trip kasi ako sa init ng araw at sa bodyguard kong kanina pa naka bantay!
"Matagal pa ba iyong kapatid mo matapos, Camille?" naiiritang tanong ko
"Perfect! Ito bagay sa'yo!" Nakangising isinoot niya ang headband na napili sa aking ulo. Hindi man lang niya pinansin ang aking tanong
"Gusto ko ng umuwi!" I said
"Magkano po lahat, Lola?" Tinalikuran niya ako at muling hindi ako pinansin para mag abot ng bayad sa matandang nagbebenta
Mas lalo akong sumimangot. Muli kong pinahiran ng dalang panyo ang pawis sa aking noo. Napasinghap ako ng maramdaman ang tulakan sa aking likod. Ang mga tao ay naghiyawan habang may pinapalibutan na dalawang lalake. Mas lalong naagaw ang mga atensyon ng iba kaya mas lalo akong naitulak para lang makadaan sila
"Ouch!" I glare at the person who push me. Agad may dalawang malalaking kamay ang humigit sa akin palayo roon. Iritadong nagpahigit ako sa kanya malapit sa entrance ng gymnasium
"Bakit ngayon ka lang? Dapat kanina mo pa ako inalis noong nakita mong nagkukumpulan na 'yong mga tao!" sigaw ko kay Kuya Lucas
"Sorry naman... Bakit may m-masakit ba sa iyo?" Mahigpit na hinawakan niya ang aking dalawang balikat at natatarantang chineck ako. Napasulyap ako sa mga taong nakatitig sa amin. May nakita pa akong nagtawanan at nagbulungan
Agad akong umatras kay Kuya Lucas. Gulat na man siyang napatingin sa akin
"I'm fine! Tawagin mo na nga lang si Camille!" galit na utos ko. Tumango naman siya at umalis sa aking harapan
Tumalikod ako sa mga taong nakatitig kanina. Gusto ko na talagang umuwi! Ganito naman pala ang mukha ng fiesta edi' okay! Alam ko na kaya uuwi na ako.
"Irene!" nakangising tumakbo si Camille palapit sa akin. Hindi ko siya pinansin at diretsong tinitigan ko si Kuya Lucas na nakasunod sa kaibigan. Tinaasan ko siya ng kilay
"Ano?" Banta ko sa kanya. Agad siyang tumango ng makuha ang gusto ko at nagtago na naman sa kung saan. Sana ay galingan niya naman ang pagtatago! Iyong hindi ko naman sana siya nakikita!
"Ang bad mo! Pinaalis mo naman agad si Kuya Lucas dapat pinakain mo man lang!" Nilahad ni Camille sa akin ang isang mineral water at isang buscuit.
"Kaya niya na ang sarili niya. Kumain siya kung gusto niya." I open the bottle lid of my water and drink on it
"You should at least offer, you know... Pasasalamat mo na lang dahil binabantayan ka niya."
Hindi ko siya pinansin. Hindi niya naman kasi ako dapat bantayan pa. I can handle myself and in the first place, hindi niya naman gustong bantayan ako, napilitan lang siya dahil iyon ang trabaho niya. My daddy is paying him well so all he have to do is be good on his job.
"Patapos na ang laro ni Dave ngayon. Dadalhan ko siya ng pagkain sa loob. Sasama ka pa?"
Nag pakawala ako ng isang buntong hininga bago tumango. What can I do? Sayang naman ang araw na ito. Sulitin ko na lang.