P R O L O G U E

25 0 0
                                    


Sola Perez
August 5, Lunes

Gaya ng araw-araw kong nakagawian, umakyat ako sa rooftop ng engineering building kahit bawal. Dito ko kasi natagpuan ang katahimikang matagal ko ng hinahanap. Naupo ako sa ilalim ng kampana dahil yun lang ang silong dito sa rooftop.

Tangina wala nanaman akong naintindihan sa discussion kanina.

Napabuntong-hininga ako at nag-alala kung paano ko ba maipapasa ang Dynamics of Rigid Bodies na kinasusuklaman ko.

"Lalim nun ah?"

Napadilat ako dahil sa boses ng lalaki. Naabutan ko s'yang naka-squat sa ibabaw ng legs ko at pinagmamasdang maigi ang mukha ko. May hawak s'yang sigarilyo sa kanang kamay at ang kaliwang kamay naman n'ya ay nakapasok sa bulsa.

Nakaramdam ako ng takot hindi dahil sa sobrang lapit n'ya sakin o dahil sa lalimng kanyang boses, kundi dahil lalake s'ya.

"S-sorry naiiyak ako."

Tinakpan ko ng mga palad ko ang aking mukha at bumuntong hininga-- sinusubukan kong pigilan ang pagpatak ng luha ko. Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko, pagbilis ng tibok ng puso ko, at ang paglamig ng mga kamay ko.

Halata namang nawindang s'ya sa reaksiyon ko kaya dali-dali s'yang tumayo at inabot sakin ang necktie nya para pamunas sa luha ko.

"Hala pasensya na, natakot ba kita?" Umupo s'ya sa hagdan ng tangke ng tubig sa harap ko at pinanood akong umiyak ng umiyak.

Nakikita ko s'yang naghihithit-buga ng yosi n'ya at panay ngisi kahit na walang nakakatawa sa sitwasyon ko.

"Sino?" Bigla n'yang bulalas matapos kong humikbi.

"Ha?" Tinuro n'ya ako gamit ang kanyang nguso habang nakakunot ang noo. Walang takot ko na 'ring pinakita ang maga kong mukha dahil sa pag-iyak.

"Sino gumawa sayo n'yan? Ba't ka takot?"

Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin o kung tama bang tinatanong n'ya ako ng personal na bagay.

Ngumiti ako bago sabihing, "Pag sinabi ko ba sa'yo, kaya mong tanggapin?"

Nagkatitigan kami saglit bago makarinig ng isang malakas na pito kasabay ng pagbukas ng pintuan. Nagkatinginan kami at walang pagdadalawang-isip na tumakbo.

"Hoy mga pasaway, huminto kayo!" Sigaw ng matandang sekyu na hindi namin pinansin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SikretoWhere stories live. Discover now