I'm Kailine Mae Abrenica, 18 years old and magse- second year college na. I'm a Business Management student at Don Severino University.
NBSB ako pero hindi naman kataka taka yun cause sino ba naman kasing magkakagusto sa isang babaeng katulad ko na weird, pandak, mataba, medyo kuba, at nakakatakot ang mukha.
Weird ako kasi... i dont know basta kasi minsan may biglaan akong nagagawang kilos na weird. Hindi ko naman yun sinasadya e pero nagagawa ko for example nung umabay ako sa kasal. Ang province ko ay sa Quezon, so may pahapunan dun (yun yung sayawan sa gabi tapos kinabakusan e kasalan na, dun din ginagawa yung sasabitan ng pera yung nagsasayaw na ikakasal) required din na mag sayaw yung mag-partner na abay. Yun nga kasaway ko yung kapartner ko and after nung sayaw tumingin ako sa baba kasi naiilang ako, hindi kasi ako sanay na may nakakasalamuha akong ibang lalaki bukod sa kamag anak at yung mga matatagal ko nang kilala e. So yun balik sa kwento, pag tingin ko sa baba may nakita akong tipaklong. So me being weird sinubukan kong hulihin yun habang nasa harap ko pa yung guy na kapartner ko. Haysss napaka- awkward nung nangyaring yun. Napagtanto ko na lang na ang weird nung ginawa ko nung naka upo na ko my goodness. Ano na lang iisipin nung lalaking kapartner ko diba na ginawa ko yun sa harapan nya. Imagine ginawa ko yun.
Pandak na nga ako tapos mataba pa ko tapos ang posture e sobrang sama kasi parang kuba. Malapad kasi yung likod kaya ganun. Tapos sa awa ng Diyos di naman ako masyadong tigyawatin pero hindi naman din makinis legs ko. Mahilig akong magkamot, yung kinakamot ko nagsu-sugat kaya ayun pero di naman gaanong malala to the point na mukha ng galis hehe.
Tapos nakakatakot ang mukha ko.... well hindi naman yung literal na nakakatakot pero kasi sabi nila mukha daw ako laging mangangain kung makatingin tapos yung labi laging nakasimangot, I mean yung korte kasi ng labi ko pababa kaya parang laging nakasimangot alam nyo yun. Kaya akala nila masungit ako lagi, minsan kahit naka smile na ko mukha pa rin akong nakasimangot. Naasar nga ako dito sa mukha ko e kasi naman natatakot silang i-approach ako dahil mukha daw kasing sobrang sungit ko, kahit hindi naman.
At alam nyo ba feeling ko introvert ako. Hindi ako mahilig makipag friends pero pag may lumalapit naman kinakausap ko pero maigsi lang yung nagiging usapan namin kasi hindi ako marunong mag-bukas ng topic e. Kadalasan din akong tahimik sa isang tabi lalo kung hindi ko ka close yung mga kasama ko. Ayoko din nung nakikipag socialize.
BINABASA MO ANG
Experiencing Love
RandomGusto ko lang namang maranasang magmahal pero mukhang impossible....