Jacob Briones:laging bigo sa pag ibig,magaling sumayaw at kumanta at gwapo.
Gino Roa:kaibigan ni jacob na matalino,na may pagkaplay boy.
Claude Iverson:babaeng magugustuhan ni jacob,maganda at mayaman.
Casey Patrioma:kaibigan ni Claude na may pagkamaingay.
Catherine Amorsolo: ex girlfriend ni jacob na nasa U.S.
Tyrone Martin:boyfriend ni Claude.Jacob briones pov:
Unang araw nang pasukan nakahilata pa ako sa higaan ay nako unang araw nga pala nang pasukan,bilis bilis akong kumain,naligo, at nagbihis.Medyo malapit naman samin ang school kaya naglalakad lang ako.
"hay naku dadaanan ko pa nga pala ang mabagal kong kaibigan".
"hoy Gino tara dalian mo baka malate tayo unang araw pa naman nang pasukan". sigaw ko sa labas bahay nila."Oo andyan na weyt lang naman".
"Grabe dadalhin mo pata buong bahay nyo".
"Oo na tara na,tara".
Elementary palang ay magkaibigan na kami ni Gino sorang dikit namin sa isa't isa kapatid na ang turingan naming magkaibigan.Hanggang highschool at college magkaibigan pa rin kami.
SA SCHOOL.
"uy Gino tignan mo ang daming nag enroll dito sa school na ito".
"Oo nga no ang daming magagandang chickababes".sagot ni Gino.
"Sira ka talaga".sabay tawa naming dalawa.
Habang nagkwekwentuhan kaming dalawa ni Gino sa isang bench ay b8galang may dumaan na napakagandang babae.
"oyy Gino,Gino ang ganda nya".kalabit ko kay Gino.
"Oo nga no,kaso nga lang parang ansungit".sagot sakin ni gino.
"pare na love at first sight yata ako".
"ano kayang pangalan nun"."uyy pre tara pasok na tayo sa subject natin mamaya mo na intindihin yun". yaya sakin ni Gino.
Pagpasok namin dalawa sa subject namin ay hindi ko alam na kaklase pala namin sa isang subject yung kaninang magandang babae na crush ko.
"pstttt! jacob tumingin ka sa harapan andun yung magandang babae kanina". sitsit sakin ni jacob sabay turo dun sa magandang babae.
"pare ang ganda nya talaga".
"ano kaya pangalan nya""wait ka lang dyan hintayin mo na lang na banggitin ni sir".
nakingiti ako habang nakatitig sa magandang babae kanina.
"OKAY! ms. Camille Olivarez".
"present sir".
"ms.Bea Ocampo".
"present sir".
"mr. Gino Roa".
"sir present".
"mr. Jacob Briones,MR. JACOB BRIONES!".
"uyy jacob tawag ka na ni sir".kalabit sa akin ni Gino.
"ayyy ahh ehh present po sir".tarantang sagot ko.
sabay tawanan nang lahat.
"next, ms.Theresa orlando".
"present sir".
"and ms.Calaude Iverson".
"present po sir".
"ohh narinig mo,alam mo na pangalan".bulong sakin ni Gino.
"Claude Iverson,ang gara naman nang pangalan nya".