Cinderella Dark Version (KILLERELLA)

9 0 0
                                    

Maingay, magulo, at nag-uunahan ang mga estudyanteng maka upo dito sa canteen habang ako nag hahanap ng upuan may nakita akong bakanteng upuan pero may magandang babaeng naka upo dito at nag babasa

"Umf miss pweding maki upo?" Tanong ko sa kanya

"Pwede naman, wala namang pangalan ang nakalagay sa upuan at lamesa diba?" Sarcastic na Sagot nya

"Salamat" tanging sagot ko rin pero naka yuko ako

Habang nag babasa sya kumain na ako. nagmamadali akong kumain pero nabigla ako nung may kinuha sya sa bag nya at isa yung gunting at ginupit nya lahat ng pahina ng story book. at nakita ko ang magandang mukha ni Cinderella at ginupit nya ito ng mabuti hanggang sa subrang pino na ito.

"Bakit mo ba ginugupit yan?" Tanong ko

"Di mo kasi alam ang buong storya nito, isa itong peke, hindi ito totoo!" Sagot nya na may galit talaga

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko naman ulit

"Maganda naman si Cinderella at mabait pa" Dagdag kong sabi sa kanya

" Hindi mo alam ang totoo. Hindi maganda si Cinderella, at hindi sya mabait" sagot nya

"Puro kasinungalingan ang inyong nababasa at nakikita sa tv!" Dagdag pa nya

"Bakit nga?" Tanong ko

"Sya ay mamamatay tao! Hindi sya mabait, imbis na kinupkop na sya ng inainahan nya at isa sa mga kinakapatid nya. Sya na mismo ang pumatay sa kanila! Kasi nag seselos sya! Kasi isa sa mga kinakapatid nya ang nagustohan ng prinsepe"

"Huh kanino sya nag seselos? Diba dalawa ang step sister nya? " Tanong ko ulit

"Kay Drizella"

"Huh? Paano nagustogan ng prinsepe si Drizella eh diba pangit siya? Pati na ang kapatid nya?" Tanong ko ulit

"Sa totoo lang maganda ang magkakapatid, si Cinderella lang ang hindi kaya sobrang selos nya sa mga ito" pag kasabi nya nito, nabigla talaga ako sa sinabi nya seguro basher to ni Cinderella

" sa totoo lang di naman talaga sya ang naghirap eh kundi ang inainahan nya, ang step mom nya mismo ang nag pagawa sa lahat ng gawain ng bahay habang ang mga step sister nya pinapamalengke nya at isa pa hindi sya isang presensa. Sya ay isang HALIMAW!" Grabe subrang diin ng pagkasabi nya sa HALIMAW

"Talaga? Anong nangyari pagkatapos?" Tanong ko pa

"Pinatay nya agad ang ina-inahan nya nung nalaman niya na ikakasal na si Drizella kay prensepe, pinatay nya rin si Drizella nung papunta ito sa Palasyo, at pag dating ni Cinderella sa palasyo pinatay nya agad ang presenpe" sabi nya at paalis na sana kasi inayos nya na ang kalat nya

" teka! Anong nangyari kay Anastasia?" Tanong ko

"Bago pumunta si Drizella sa palasyo tumakas na si Anastasia kasi alam nya papatayin siya ni Cinderella. Sinabihan nya na ang kanyang ina at kapatid ngunit ayaw makinig kasi sabi nila mag-babago daw si Cinderella at tatanggapin nya ito sa susunod." Explain nya

"Huh? Ano bang kasalanan ni Anastasia sa kanya? Bat nya ito papatayin?" Tanong ko ulit

"Nalaman rin kasi ni Cinderella na may pagtingin si Anastasia sa prensepe kaya papatayin nya ito, pero di sya nagtagumpay kasi nakatakas na si Anastasia" sabi nya

"Bakit nya naman pinatay ang prinsepe?" Tanong ko ulit

"Kasi nagalit si Cinderella kung bakit si Drizella ang pinili nito kaya pinatay nya ito dahil sa galit" sabi nya ulit

Namangha ako sa nalaman ko, may itatanong pa sana ako kaso bigla nalang syang nawala itatanong ko sana kung anong pangalan nya.

Aalis na sya ako kaso may nakita akong I.D. mukhang I.D. ito ng magandang babae may pangalan ito kaya tinignan ko. Sa di inaakalang Mas nagulat ako sa nakita ko

Subra akong nagulat sa pangalan nya

"Anastasia Milvar" pag kabasa ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Disney's Princesses Dark StoriesWhere stories live. Discover now