WHY??

4 0 0
                                    

JUNE 2014

SOPHOMORES :)

BACK TO SCHOOL DAYS is directly proportional to BUSY DAYS and inversely proportional to TIME FOR HIM.

               Yung kailangan mo paring gumising ng maaga kahit umaga kana natulog? #Estudyante :)  Swerte na ang 3-4hrs na tulog. Nabigla ata yung katawan ko sa bagong schedule at stress. Ayon, nauna na syang sumuko. madalas na kong may sakit. Hahahahays.

               Magkaiba kami ng schedule. So twice a week after class lang kami magkita. Atleast nagkikita.

               Andaming ginagawa. Halos hindi ko na mahawakan yung phone ko. Minsan nga, hindi ko na alam kung saan ko na nalalagay. Nakasilent pa naman yun -_-

Nabasa ko yung status nya:

Listening to: Halik - Kamikazee

               "Kumupas na lambing sayong mga mata. Nagtataka kung bakit yakap mo'y dina nadarama. May mali ba akong nagawa? tila nag-iba ang mga kilos mo at salita. Bakit kaya parang hindi kana masaya?"

SAMPAL SAKIN YAN :/

Alam mo naman yung mga ginagawa ko diba? Ikaw pa nga nagsabi

"Grabe. Kung ako yan, diko kaya yan"

               Alam ko, madalas hindi na kita mareplayan. Napapansin ko rin yon. Kaya nga diba inexplain ko sayo na ngayon, medyo busy na. So, baka dina kita matext katulad ng dati. Hindi na ganon kadalas. Yung mga emoticons nawawala narin.

Pero iniisip mo nagiging cold na ko sayo. Alam ko yung pagkukulang ko pero konting pang-unawa. Matatapos din toh. Yun lang naman e :(

               Naging madalas ang mga away. Naging malalim ang tampo. Paulit ulit na pagtatalo.

               Magkasama tayo pero hindi tayo nag-uusap. Nasasayangan ako sa panahon. Saglit na nga lang tayo nagkikita tas ganto pa? Nagtatanong ako sayo kung ano yung problema. Kase masyado ng magulo at hindi na toh makukuha ng pakiramdaman lang. Pero ayaw mo kong kausapin.

"Sa tingin mo? anong problema?" sabi nya sakin nung minsang nagsosorry ako sa kanya.

"Hala. Sorry na talaga :( Sorry na pleeaaassseee? Sorryy na beh. Sorry na talaga. "

"Bat ka nag-sosorry?" malayo yung tingin nya.

"Aww 3  Halaa. Sorry na? wag kana magalit please? ILOVEYOU Baby! ^_^"

               hindi nya parin ako kinakausap.

"Huyy. Babe .. kausapin mo naman ako. Sorry na ha? Bati na tayo plizzzzz :( "

               wala paring response. Pinilit ko syang humarap sakin.

"Beeeyyyyybbbb. Wuyyyy. Sorry na kasi. Bati na tayo. Uyy. Kausapin mo naman ako. :( "

               Ganito na kami lagi. Hindi ko naman alam lahat ng bagay. Hindi ko tropa si Madam Auring para mahulaan lahat nararamdaman mo. Hindi ko na alam. Kaya nga ko nagtatanong diba?

2048Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon