Ako si Cristina Celestino, Tin for short, 16 years old. Isang simpleng estudyante sa isang public school sa lugar namin. Lumaki sa puder ng lola ko kasama ng mga pinsan ko na halos lahat ay mga lalaki. Kaya simula nung elementary masasabi kong 'one of the boys' ako. May ilan din naman akong kaibigang babae pero mas madali lang akong makisama sa mga lalaki, siguro kasi lumaki ako kasama ng mga pinsan ko.
Isa sa mga kaibigan ko si James Guevarra. Magkababata at magkapitbahay kami ni James kaya para nang magkapatid ang turingan naming dalawa. Si James yung tipo ng kaibigan na laging andyan para sumuporta sa mga ginagawa ko. Sya yung taong maradaling lapitan pag may problema. Kaya iniingatan ko talaga tong kaibigan ko na to.
BINABASA MO ANG
Diary
Teen Fiction"Kaibigan lang naman ako pero bakit ganito ang nararamdaman mo." A story about a girl who fell in love with her bestfriend.