Chapter I

13 0 0
                                    

" Tin, bat di mo sinasagot yung mga tawag ko sayo?", tanong agad nya sa akin paglabas ko ng bahay para pumasok.

" Sorry, busy lang. Dami kasi nating assignment kahapon. Ano ba kasi yun?" sagot ko sa kanya.

"Wala yun, wag mo na lang pansinin. Tara na lang papasok at baka malate pa tayo." pagyayaya nito.

Araw- araw kaming magkasabay  pumapasok sa school ni James, bukod sa magkapitbahay kami ay malapit lang naman ang eskwelahan namin sa mga bahay namin.

*Sa school, recess time

"Tin, ano gusto mong kainin ngayon? Libre ko." sabi ni James

"Teka lang, may lagnat ka ba? Baka naman na engkanto ka? Ano naman pumasok aa isip mo at nagbalak kang ilibre mo ako nayon" pabirong tanong ko sa kanya.

" Wala, may masama bang ilibre kita?" wika ni James

" Ay, alam ko na. May kailangan ka sa akin. Sabi na na ba eh." sabi ko.

" Tin, pwede patulong. Tulungan mo akong manligaw kay Krizel." pabulong na wika nya sa akin.

"Si Krizel! Yung kaklase ko. Kailan mo balak simulan?" tanong ko sa kanya.

" Sa Sabado, sa birthday nya. Kaya tulungan mo akong mamili ng ireregalo ko sa kanya." pakiusap nito sa akin.

"Sige, mamaya bago umuwi maghanap tayo." wika ko.

*Sa tindahan

" Paano kung ito, kaya lang baka di nya magustuhan. Kung diary na lang kaya?" tanong nito sa akin.

" Wag yan, Di na uso yan. Masyadong makaluma. Teddy bear na lang tsaka chocolate para mas romantic." sabi ko.

" Sabagay, sige yan na lang bilhin natin. Tulungan mo ako ha." pag sang ayon nito.

"Oo naman, ikaw pa ba. Lakas mo sa akin eh."

Simula noon ay tinulungan ko na syang manligaw. Mula sa pagtulong sa pagpili ng regalo hanggang paggawa ng paraan kung paano makapagusap ang dalawa, kasama nya ako. Dahil dito mas naging malapit ako sa kanya at mas lumalim ang pagkakaibigan naming dalawa. Makalipas ang 3 buwan ng ligawan ay sinagot na ni Krizel su James. Ang saya ko para sa kanya, pero bakit parang may konting lungkot akong naramdaman nung nalaman kong sila na. Parang selos, parang inggit, kasi mas madalas na si Krizel ang makakasama nya. Baka naman nasanay lang ako na kaming dalawa ang magkasama o di naman kaya nahulog na ako sa kanya ng di ko nararamdaman. Wala akong mapagsabihan ng aking nararamdaman dahil alam kong di ako maiintindihan ng mga pinsan ko. Dahil sa di ko alam ang gagawin ko, lumabas ako ng bahay para makapag-isip. Biglangbpumason sa isip ko ang diary na gustong iregalo ni James kay Krizel. Agad kong tinungo ang tindahang binilhan namin noon ni James ng regalo para sa birthday ni Krizel at agad akong bumili ng diary. Pagdating na pagdating ko sa bahay ay agad kong isinulat sa diary ang aking nararamdaman.

Dear diary,
    Pasensya ka na kung minamaliit kita noon, pero kinakain ko na lahat ng sinabi ko noon tungkol sayo. Wala kasi akong makausap. Nahihiya kasi akong magsabi sa mga pinsan ko, alam ko kasing pagtatawanan nila ako.
    Kaibigan lang ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Di ko alam kung bakit parang namimiss kong makasama si James. Gusto ko sa akin lang yung atensyon nya. Nagagalit ako sa sarili ko kasi tinulungan ko pa sya sa panliligaw kay Krizel. Di ko talaga alam kung ano nararamdaman ko. Mukhang nafall na yata ako kay James. Di ko na alam ang gagawin ko.
                                                   -  Tin

DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon