DISCLAIMER: This is a work of fiction.
The names, characters, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.R-17 Read at your own risk. (A lot of foul words was written in this chapter)
×××
Hasinaya
"All of the girls sitting at the back go to the principal office!" sigaw ng homeroom teacher namin saamin.Principal office? Wala pa kaming mga katarantaduhan na ginagawa this week?
Something smells fishy~~~
"Ms. Hasinara, come with them" sabi rin niya sa kaibigan ko na nakaupo sa first row.
Nakahiwalay siya saamin dahil may circle of friends rin siya beside us.
Kumbaga sila yung mga nauna niyang mga kaibigan kaya hindi niya sila maiwanan.
Niligpit muna namin ang mga gamit namin bago lumabas ng room.
Habang naglalakad kami sa hallway, kasama ang pito ko pang mga kaibigan, pinangungunahan namin sila nina Najeh kim at si Hasinara Ong. Silang dalawa ang napagkakatiwalaan ko ng mga lihim ko.
"Bakit kaya tayo pinapatawag?" Tanong ni Najeh.
Si Najeh ang pinakamakulit saamin pero siya rin ang pumapangalawa saakin bilang bastos.
"I don't know" tipid na sagot ni Hasinara.
Si Hasinara ang pinakamatalino saamin at medyo tahimik. Yung tipong kakausapin ka lang pagtinatanong mo.
"I'm sure wala pa tayong katarantaduhang ginawa" Sabi ko.
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa naisip ko.
Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko.
"Kayo, Wala ba kayong ginawa?" Tanong ko.
"Sa tingin mo, gagawa kami ng katarantaduhan na hindi ka kasali?" tanong naman ni liah smith.
Siya ang pinakabagong member ng Grupo namin. Pumasok siya nung grade 8 palang kami, hindi ko siya masyado pinagkakatiwalaan.
"oo, nga naman" pagsang-ayon ni Najeh.
Pagkarating namin ng principal office agad na bumungad saamin ang namumula naming principal.
"You daughter of bitches! ano itong nababalitaan ko na nagbukas kayo ng Fraternity sa loob ng school!" sigaw niya saamin.
Agad na nagkatinginan kami nina Najeh at Hasinara.
Nagbukas? The last time I check MAGBUBUKAS pa lang kami.
We have to plan thoroughly about this, masyadong risky ang magbukas ng fraternity rito sa loob ng school.
"Ma'am, sinong nagsabi sainyo niyan?" tanong naman ni Sin.
Sin, ang makasalanan kong kaibigan. Charot!
"so, totoo nga! Anong karapatan niyo sa eskwelahan na ito!" sigaw niya ulit.
Hindi ko nagawang magsalita. Halos mabasag na ang mga ear drums namin sa kasisigaw niya. Bwesit.
Sino ang nagsabi nito sakanya?
Sigurado ako, isa sa mga kaibigan ko lang dahil walang nakakaalam sa Fraternity thingy na ito kundi kami lang namang magbabarkada.
"Mga walang kwentang mga bata, Bakit pa kayo ipinanganak ng mga magulang niyo! Mga bastarda! Sa oras na malaman kong may mga napasali na kayong mga estudyante rito, I'm gonna expell all of you!" turo niya saaming lahat.
BINABASA MO ANG
Shades Of Blood
Mystery / ThrillerA Prestigious University Seven students Endless Murdered Different shades of blood One Killer Who must be who?