×××
HASINARA
Laking gulat ko nang makita ang kaibigan kong si liah sa lugar na iyon.
Dinala namin siya sa bahay ni mera para kausapin.
"Bakit nandoon ka?" Tanong ko.
"May humahabol kasi saakin na lalaki na nakahood"
nagkatinginan kami ni Mera sa sagot niyang iyon.
"Lalaki?" Tanong ko.
Tumango naman siya.
"Pero bakit nga nandon ka? Ang layo nun sa bahay niyo" Sabi ko pa.
Hindi siya nakasagot.
"Ihatid mo na siya sa bahay nila" Sabi ni mera.
Nang makasakay na kami. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tignan si liah.
Wala kaming kibuan sa biyahe hanggang makarating na kami sa bahay nila.
"Sorry" Sabi niya.
Tinignan ko siya at mukhang sincere naman siya.
"Nandon ako for some private reason" Sabi pa niya.
"Hinabol ako ng lalaking nakahood, hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya tumakbo na lang ako at wala akong pakialam kung saan ako napunta" paliwanag niya.
"You don't need to explain" tanging nasabi ko.
"Sorry.... For real" Sabi pa niya.
bumaba na siya ng sasakyan.
"Nag-alala lang ako sayo. Masyadong delikado ang lugar na iyon" Sabi ko.
Ang totoo nag-alala ako at biglang nakaramdam akong ng paghihinala sakanya.
Sa ganoong oras?
Sa aming magkakaibigan, siya lang ang hindi mahilig maglalalabas lalo na't hindi niya kami kasama.
"Salamat at sorry ulit" Sabi niya saka pumasok sa gate.
"ingat" bilin pa niya.
Hindi ko na ito pinansin saka umalis at bumalik sa bahay ni mera.
"Kailangan mong bantayan ang kaibigan mong yun" Sabi ni mera.
Tumango naman ako bilang sagot.
"It's an abandoned burned hospital" napatingin kami sa bagong dating na Vandrei.
"Pagmamay-ari ng pamilyang Mardox" dugtong pa niya.
"I bet they're not Filipino?" tanong ni Mera.
Tumango naman si Vandrei.
" Dr. Haime Mardox ang pangalan ng may-ari ng hospital at Trisha naman ang kanyang asawa. May anak silang babae "
"They are both doctors but--"
"What?" tanong ni Mera.
"Nagkaaffair si Mr. Mardox sa kanilang Nurse." Sabi niya.
Secret affair?
"Nagbunga ang secret affair ng dalawa kaya naghiwalay sina Mr. and Mrs. Mardox" dugtong pa niya.
"Nagfile ng Domestic Violence si Mrs. Mardox against his husband and based on the record sa Law firm niyo siya nagfile"
"Sa Law firm namin? Kailan ba yan?" tanong ni Mera.
"2003"sagot ni Vandrei.
" I'll dig for that"tugon ni Mera.
BINABASA MO ANG
Shades Of Blood
Детектив / ТриллерA Prestigious University Seven students Endless Murdered Different shades of blood One Killer Who must be who?