Sorry, I don't remember you.

4 2 0
                                    

Ayan na naman siya. Palagi kong nararamdaman ang presensya niya sa kwarto ko.

Noong nakaraang Linggo, nakilala ko siya. Hindi ko talaga siya makita, pero kaya kong maramdaman t'wing nasa tabi ko siya. Pero kahit kailan, hindi ako nagtanong. Natatakot ako at kinakain ng kuryosidad. Ang alam ko lang, ay babae siya.

Makalipas ang ilang araw, tuluyan na akong nakain ng kuryosidad ko. Hindi ko na makayanan kaya tinanong ko na siya.

"Multo ka ba?"

Naalala kong ang presensya niya lang ang nararamdaman ko, kaya kinuha ko ang aking laptop at agad na binuksan ang notepad doon.

"Dito mo ilagay ang sagot mo." utos ko.

May sinusulat siya at hinintay kong matapos yon.

"Hindi ako multo. Buhay ang katawan ko. Nawawala lang ako. Sa tingin ko, comatose. Dahil siguro sa aksidente noong nakaraang Linggo." sagot niya.

"Kung ganoon, isa kang espirito na nawawala?" tanong ko.

Binura niya lahat ng mga unang naisagot niya at nagtipa muli sa laptop.

"Isa akong nawawalang espirito. Paki-usap, tulungan mo akong mahanap ang katawan ko." paki-usap niya.

"Paano kita matutulungan? Maski ang pangalan mo nga hindi ko alam." sarkastiko kong sabi.

"Ako si Amethy. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya.

"Mark. Ilang taon ka na?" tanong ko.

Masyado akong mausisa, dahil gusto ko talaga siyang makilala.

"Labing-anim na taong gulang, ikaw?" muling pagtipa niya.

"Labing-walo. Natatandaan mo ba kung anong aksidente ang nangyari at kug saan ka huling nabuhay bilang tao?" tanong ko.

"Ah, isang maulang gabi iyon. Mag-isa ako nagmamaneho ng sasakyan ko. Sa sobrang lakas ng ulan, madulas na ang kalsada. Dahilan ng pagtaob ng sasakyan ko. Ngunit, hindi ko maalala kung saang lugar iyon."

"Sige, bukas nalang Amethy. Pagod ako ngayon." isasara ko na sana ang laptop nang bigla kong maramdaman ang pagtutol niya.

"Sandali lang! Tutulungan mo ba ako?" muling pagtipa niya.

Bigla akong natigilan, gusto ko siyang tulungan pero pa'no kung mabigo ko siya? Ah, basta gagawin ko lahat para matulungan siya. At para makatulog narin ako.

"Oo, magandang gabi." sabi ko at niligpit ang laptop. Naramdaman kong niyakap niya ko habang nakahiga. Nilamig ako bigla. Nagkumot ako. Hindi ko maiwasan matakot dahil syempre espirito siya. Pag gising ko ay malamig parin. Seryoso? Natulog siya sa tabi ko? Natutulog rin ba ang mga espirito?

"Gising naaa!" sigaw ko.

Naramdaman kong humiwalay siya. Bumangon na ko para maligo.

"Hoy, Amethy." tawag ko sa kanya.

"Ano?" sulat niya sa pintuan ng shower room. Nagpapawis kasi ito dahil malamig.

"Umalis ka dito. Maliligo ako, kahit 'di kita makita, mararamdaman kita. Wag kang maninilip!" pasigaw na babala ko.

"Nak? May kausap ka?" tanong ni mama sa baba.

"A-ah, wala ma. Yung palabas po yun." palusot ko.

Naramdaman kong nawala ang presensya ni Amethy kaya naligo na ko.

Paglabas ko malamig na hangin agad ang sumalubong sakin.

"Ma!" gulat kong sigaw.

Naghintay siya don? Tss, kakagulat. Nagsimula ang klase at hanggang sa matapos ay iniisip ko ang pag-uusapan namin ni Amethy. Pagkarating ko ay agad-agad akong nagtatakbo sa kwarto. Hindi tulad dati, ang bagal ko umakyat.

At wala akong hinihintay o inaabangan pag dating. Hindi ko maramdaman ang presensya niya. Asan siya?

"Hoy, Amethy. Andito na ko." nakangiti kong bati.

Ilang segundo pa naramdaman ko ang pagdating niya. Dumeretso siya sa kama kaya umupo narin ako dun. Muli kong kinuha ang laptop, para muli ko siyang makausap.

"Anong buong pangalan mo? May social media account ka ba?" sabay-sabay kong tanong.

"Amethy Miller, yan rin pangalan ng account ko." sagot niya. Hinanap ko ang pangalan na 'yon kinagabihan nung pag-uusap namin. Wala na siya hindi ko maramdaman ang presensya niya. Kaya naghanap na ko.

May nakita 'kong artikulo tungkol sa kanya. Pagkatapos, nalaman ko kung saang hospital siya nadala. Pero hindi ko 'yon sinabi sa kanya. Hindi ko alam, pakiramdam ko pagsinabi ko, gugustuhin niyang puntahan yon. Pagkatapos ay malilimutan niya na ko, kakalimutan niya na ko.

Nitong mga nakaraang araw, masaya akong umuuwi dahil makakausap ko ulit siya. Napamahal na ako sa isang mawawalang espirito. Tuwing marami akong ginagawa at pagod sa shcoolworks, mararamdaman kong niyayakap niya ko sa likod at bubuksan niya ang laptop at may tinitipa siyang,

'Kaya mo 'yan! Tiwala lang, Mark.'

Siya ang inspirasyon ko. Minsan pag 'di ko alam yung mga takdang aralin ko sa matematikong asignatura, siya yung sumasagot, tapos sinusulat ko. Dahil nawawalang kaluluwa siya. Kaya niyang hawakan ang mga walang buhay. Minsan nga huli akong nagising at hindi pa ko naka-ayos ng bag ko noon tapos pagka-kita ko, maayos na lahat at may gatas at tinapay ng nakahanda. Maalaga siya.

Tinaga ko sa batong pag nakabalik siya sa katawan niya, liligawan ko siya—papakasalan ko siya.

Marami na akong nalaman tungkol sa kanya, dalawang buwan na siyang comatose. Ngunit kahit kailan, hindi ko sinabi sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na 'yon. Nadatnan kong bukas ang laptop ko at may mensahe siya doon.

"Ba't hindi mo sinabi? Ba't itinago mo?" nung nabasa ko yun umiyak ako.

Araw-araw akong umiiyak. Hindi na siya nagpaparamdam. Kaya hinanap ko yung ospital.

"Ginang, alam niyo po ba kung anong kuwarto nakalagay ang pasyenteng nagngangalang Amethy Miller?"

"Room number 138." sabi ng nars.

Agad agad akong nagpunta roon, at naabutan ko ang tatay ni Amethy na mukhang masaya at nalulugod sa isang pangyayari.

Tingin ko nagising na si Amethy. Nagpaalam ako sa papa niya.

"Ginoo, isa po ako sa mga kaibigan ni Amethy, maaari ko po ba siyang makita?"

"Oo naman, andoon siya."

Nakita ko siyang nakapikit. Napakaganda niya sa personal. Natutulog ata siya. Hinintay ko siyang magising. Hanggang sa may tumulak sakin. Nakatulog pala ako.

"S-sino ka? Papa—"

"Ako si Mark, Amethy."

"At paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Ako yung tumulong sayo na mahanap mo ang katawan mo."

"Mark ang pangalan mo, hindi ba?" tanong niya. Bigla akong nabuhayan, baka naalala niya na.

"O-oo."

"Pasensya na, hindi kita maalala."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sorry, I don't remember you.Where stories live. Discover now